Letters' -Chapter 27-

106 3 0
                                    

CHAPTER 027

Hindi binasted ni Kimberly si Jomar. Okay lang... pero ang hindi okay.. ay yung naging dahilan. Sinabi ni Jomar na sya si clownii. na sya yung secret admirer ni Kim.

Ambabaw ng dahilan kung bakit pumayag si Kimberly na maging girlfriend ni Jomar.

NAKAKAINIS!

Gusto ba talaga ni Kim si Jomar? O sinagot nya lang si Jomar dahil akala nya ay sya ako? Akala nya sya yung nagpadala ng mga sulat sa kanya? Nakakainis talaga. Bakit ko pa kasi nahulog yung mga sulat na yun. Nakakainis. Nakakainis!

_____

"Alam mo pare, ansaya pala no. Kapag yung gusto mong tao sinagot ka nadin."

Nasa garden ulit kaming dalawa ni Jomar. Pagkatapos ng nangyari kanina sa gym ng school, si Jomar na ang kasama ni Kim pauwi. Ako, hanggang tingin nalang sa kanya.

"Oo nga Jomar. Swerte mo. hehe!"

Lumakas ang ihip ng hangin. nakatingin lang ako sa langit. Hindi nga ako bagay maging bida sa isang storya. Sino ba naman ako diba? Hindi ako mayaman. Hindi ako kagwapuhan. HIndi kapares ni Jomar.

Bagay na bagay sila ni Kim. Perfect match.

Nakakabadtrip. Sobra. Yung mga sulat na nga lang na iyon ang maipagmamalaki ko kay Kim, wala, nabalewala lang din. Akala ni kim si Jomar ang nagsulat ng mga yon.

"eh ikaw ba darwin?"

napatingin ako kay Jomar.

"ano yun?"

"wala kabang nagugustuhan ngayon?"

"wala.. wala pare. hehe!"

"sus kunwari kapa pre! sige na pasok na ako sa loob. ikaw na bahala sa mga kalat dyan ha."

"Sige." sabi ko nalang. Nakaalis na si Jomar. Hindi ko alam kung narinig nya pa yung sinabi ko.

"ako.. nakuha mo na yung gusto ko Jomar. Wala na akong pag-asa dun." 

biglang umihip uli ang malakas na hangin. Niligpit ko na ang mga nakakalat sa garden. Pagkatapos ay pumunta na ako sa bahay at doon nagisip isip.

Mahirap pala. Akala ko.. mapapansin na nya ako. Isang kasinungalingan lang pala ang makapagbabago ng lahat. wala na talaga.. wala nang pag-asa. Ambilis nya maniwala. Nakakabadtrip talaga.

___

Lumipas ang araw at nagprom na. Si Jomar, pormang porma. Pinahiram nya ako ng damit. Yung pinaglumaan nya syempre. Ok nadin kaysa wala akong maisuot.

Sa totoo lang hindi ko naman gustong umattend nito eh. napilitan lang ako.

May dala dalang bulaklak si Jomar para kay Kimberly. Ako.. wala.. wala naman akong pambili. Si Jamie lang naman kasi ang naging date ko. Yung.. kaklase kong nirereto ng lahat sa akin.

Nung dumating kami sa prom, hinintay namin si Kim. Mga ilang minuto din bago sya nakadating, kasama nya si Jessa.

Nakasuot si Kim ng pink na kumikintab na bistida. Simpleng kulot lang ang buhok, at manipis na pulbos at kulay ng mukha. 

Ang ganda nya. napapatingin nalang ako sa sahig sa sobrang kahihiyan. Ano nga bang panama ko diba.

"Darwin! Pogi ah!" nagulat ako dahil ako ang unang binati ni Kim nung lumapit sila sa amin. Matapos ng pagbati nyang yun..

"salamat" sabi ko. ngumiti ako sa kanya pero si Jomar, hinarang bigla ang malaking bouquet ng bulaklak nya sa harapan ko. Hindi ko alam kung nakita ako ni Kim na ngumiti.

Si Jamie dumating nadin.

Letters [of a torpe guy] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon