Letter's -Chapter 17-

184 3 8
                                    

CHAPTER 017

Darwin's POV

pumunta si Kim kasama yung dalawang fourth year. Pakiramdam ko, dapat hindi ko sya hinayaang sumama sa dalawang yun.

"huy."

nawala ako sa sarili ko kaya natulala ako sa kinakain kong tinapay na may karne. "huy, darwin, lusaw na yang burger mo!" sabi sakin ni Jomar. ha? ah, tsk. manhid ba si Jomar? di nya ba naramdaman na baka nasa masamang sitwasyon ngayon si kim.? tsk!

"ha? eh.. iyo nalang gusto mo?" inabot ko kay Jomar yung tinapay. "nako, diet ako ngayon." sabi ni Jomar. anong diet?

"diet mo mukha mo!" nagtawanan kaming tatlo nina manong.

"nasan naba si kim?" sabi ko. tinignan din ni Jomar yung part na kung nasaan ang ladies wash room.

"lalabas din yun" sabi nya. nagaalala na ako eh. tsk. Ang alam ko kasi girlfriend ni Justin yung kanina. haaay. 

"bakit ba di ka mapakali dyan pare? oh, ayan na pala si kim eh!" Tinignan ko ng diretso ang mukha ni kimberly, Nakangiti sya.. pero alam kong may problema..

"oh, di kapa tapos dyan sa burger mo Darwin? haha." sabi nya. umiling ako. Magtatanong ba ako kung anong nangyari? O gagayahin ko lang itong si Jomar na pakain kain lang ng mga dahon? Hmm, "uh, kim."

tumingin si kim sakin. Napatingin naman ako dun sa tinapay na kinakain ko. "eh, anong sabi sayo?" tsk, heto na naitanong ko na!

"sabi sakin? nino? ni ate lori? ah, wala lang, kinakamusta, ayun. hehe" kung kanina masiglang kumakain si kim ng pagkain nya, ngayon paunti unti nalang. "diba girlfriend ni Justin yun?" sabi ko. napatingin si Jomar nung sinabi ko yun.

"huh? gf yun nung mokong na nakaaway natin dati? inaway kaba kim? ha? sabihin mo samin." OA naman nitong si Jomar, pero kanina parang paeasy easy lang sya. talaga naman oh.

"uy, ano ba kayo, hindi ganon si ate lori! basta, hindi nya ako inaway, okay? relax lang mga pare!" nagtawanan kaming apat. Si manong tapos na sa burger nya, ako isang kagat nalang, si Jomar din wala nang mga dahon sa plato nya, si Kim, may ilang subo pa.

Alam kong nagkukunwari lang tong si kim. Mula pagkabata, kinabisado ko na ang bawat expressions nya. Tss.. weird ba? oo. Sa katunayan, matagal ko nang sinusubaybayan tong si kimberly eh. 

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob lumapit. Syempre kasi, dahil kay Jomar :( Hayaan nyo na. di din naman kasi ako magugustuhan ng mga kagaya ni Kim eh. Wala akong pwedeng maibigay sa kanya. di kagaya ni Jomar.

--

"sigurado kang OK ka lang kim ha?" tinanong ulit ni Jomar si kim nung paalis na ang kotse nya. tumingin lang ako dun sa salamin. nakangiti si kim. Pero alam kong may problema.

"dito nyo nalang ako sa tindahan ibaba."

bumaba na si kim. Kumaway sya kay Jomar. di ko na sinubukang buksan pa ang bintana't kawayan din sya. pero narinig ko.. "DARWIN!!! babay!!" sumigaw si kimberly. hindi padin ako tumingin.

"bbye daw dar oh." lumingon ako kay Jomar at tumango. nagbbye ulit si Jomar kay Kim, at ayun, syempre, sa isip isip ko nanaman,

"SAYANG!!" eh wala eh. nagpapaka torpe nanaman ako. 

--

"ang saya talga kasama ni kim no ?" sabi ni Jomar. sus, kunwari pa sya. Ngayon nya lang naman napansin si Kim, eh ako, kailan paba? "oo nga e" sabi ko nalang. haaay, dami nanamang gagawin sa bahay.

"sino kaya yung secret admirer nya no?" biglang sabi ni Jomar habang binubuksan nya ang TV nila.

Napaisip din ako..

 _____________

Author's Note: the next three chapters will be for my followers only. Thankyou so much for reading this far. much appreciated! :)

Letters [of a torpe guy] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon