"Salamat po sa treat, sir Migs." Sabi ko sa kasama ko ngayon. Naglalakad na kami paakyat ng office ni sir Eric.
"It's my pleasure. 'Di ba sabi ko sa'yo na 'wag mo na akong tawaging sir, just call me Migs." Sabi niya.
"Pasensya na po sir—este Migs. Naiilang po kasi ako eh." Sabi ko sakanya. Hindi na nasundan pa ang pag-uusap naming dalawa. Hinayaan ko nalang na hindi na umimik dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa ni Migs. He is so talkative and I feel very comfortable talking with him. He's like one of my brothers, more like an Alexander pero 'yung tipong hindi nakakainis 'pag kausap.
"Tell me," Nagsalita ulit si Migs kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya sa floor indicator ng elevator habang papataas ang numero at palapag. "Do you have feelings for Eric?"
"I'm sorry, what was that?" Mukhang nabinge ata ako dahil hindi ako sigurado kung tama 'yung narinig kong tinanong niya. The elevator stopped at naglakad siya palabas mula rito. Lumabas rin ako.
"And tanong ko, do you find Eric attractive?" He asked again. Parang hindi naman 'yan yung tanong niya kanina eh.
"Attractive? Gwapo naman po si sir Eric, normal naman ata na attractive ang isang mayamang lalaki na kagaya niya. If I know marami siyang arte sa katawan." Kaswal na sabi ko. Hindi ko na pinag-iisipan ang mga pinagsasabi ko dahil kumportable ako kay Migs, kung isusumbong niya man ako kay sir Eric, edi aalis din ako.
"Wow, so blunt." He chuckled.
"Totoo naman po kasi, I don't think that the physical appearance measures beauty so regardless of how handsome or beautiful you are, if your attitude is not that nice, auto pass nalang po sir."
"You have a point, but Eric is mabait naman—"
"Kapag may sakit lang at hindi umaandar ang kademonyohan." Bulong ko.
"What did you say?" Napatahimik ako at napatingin kay Migs. Hindi ko inakala na maririnig niya ang sinabi ko.
"Wala po. Sabi ko baka ganon lang talaga ang attitude niya towards his assistants. Boss po kasi siya."
"Nako, if you only knew him. Eric is not that approachable to everyone except for the people he actually likes," Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa at naglakad ng marahan papalayo sa'kin. "Besides, you don't judge people based on how they treat you kasi you never knew what they've been through." Sabi niya.
"Pero Migs, I don't think that justifies his actions. Kasi to think napakayaman niya na, what more could he ask for?"
"Dear, money cannot buy happiness. Kahit naman kasing yaman ako ni Eric, if I cannot see my happiness through the material things that I own and I will be owning in the future, what's the use of it? I'd still feel empty deep down inside." He sounded like a matured man. Biglang bumilis yung takbo ng puso ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko 'yon mula sa isang taong kagaya niyang naging sentro ng maraming industriya. He is a legend when it comes to modeling and nakakabilib lang ang humility na mayroon siya, regardless of his fame. Unlike the others, who think they own the world.
"Point well taken, magkaiba po kasi kayo ni sir Eric and not to be biased, mas gusto ko po kayong kasama kesa sakanya." I said. Bahala na si batman, nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"Kung ganon, bakit nandiyan ka pa rin sa tabi ni Eric hanggang ngayon? If you really hate him, why did you stay?" Para akong pinagpawisan sa mga tanong niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin.
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomansMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...