Chapter 2

558 44 1
                                    

"Martin, breathe in and breathe out. Just relax, I'm sure Mr. Montenegro will like you." Masaya ako dahil sa mga natatanggap kong suporta mula kay Cathy kahit na alam ko naman sa sarili ko na mukhang basahan ang mukha ko sa mga oras na ito.

"My face looks horrible," I grab the mirror that she gave me and stared at my reflection, "See? Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang salitang presentable sa mukha ko."

"You know what? Just stop looking at yourself in the mirror, akin na nga 'yan," Kinuha niya ang salamin at ibinalik sa bag niya, "Just smile, okay? Dapat good mood ka ngayon lalo na't makakaharap mo si Mr. Montenegro." She said happily.

"Kilala mo ba kung sino ang may-ari nito? Nakita mo na ba sa personal yung sinasabi mong Mr. Montenegro?" Tanong ko sakanya.

"Hindi rin," Humarap siya saakin, "Pero alam kong gwapo rin 'yung boss mo dahil nakita ko na ang isa sakanila, si Miguel Montenegro but I'm not sure kung siya yung namamahala sa business na 'to." Nakakamangha isipin na napakarami niyang alam tungkol sa pamilyang 'to. Alam ko naman na sikat sila kasi kahit saan ka pumunta maririnig mo yung salitang Montenegro pero wala naman akong pakialam sa kanila at kailan man ay hindi ko hinangad ang makita ang isa sa kanila.

"Dami mong alam, Cathy." Binuksan ko ang pinto ng kotse atsaka ako lumabas.

"Sana tama 'yung hinala ko, sana si Miguel 'yung boss mo." Sabi niya pa.

"Teka nga, 'di ba alas otso pa 'yung call time n'yo sa opisina? Bakit ang aga mong nagising ngayon? May date ka ba?" I leaned on the car window.

"Date? Ano ka ba! Sino namang matino ang makikipag-date ng ganito ka aga? Hindi mo pa ba nare-realized, I'm here to support you because today is your first today of work. Supportive ako Martin, tandaan mo 'yan."

"I know. I'm just teasing you." I smiled at her before I went inside the building.

A girl approached me on my way to the elevator. She's pretty and too early for an employee, I mean I can barely see anyone else walking around the lobby.

"Good morning," I greeted her.

"Good morning, are you Mr. Cortez?"

"Opo." I answered.

"Here take this," Ibinigay niya saakin ang isang maliit na bag, "Inside that bag is the key to Mr. Montenegro's office. It's in the fourth floor of the building. Just wait for him inside, 'kay?" Sabi nung babae.

"Okay po, thank you." Bakit parang kinakabahan ako? Habang tinitignan ko yung floor indicator na nasa taas pabilis nang pabilis naman ang tibok ng puso ko.

"Shit, I think I'm going to have a heart attack inside the elevator." Bulong ko.

Pagkabukas ng elevator sa fourth floor agad akong lumabas at huminga ng malalim. Isang malaking opisina lang ang nakita ko sa buong floor, nothing more and nothing less. I guess this is his office. Pumasok ako sa loob at saktong lumiwanag ang lahat ng ilaw sa opisina niya.

"Wow, nakakamangha!" His office is very clean and it looks sophisticated. Makikita mo talaga ang kaibihan nito sa ibang opisina sa gusaling 'to. Umupo ako sa sofa na nakalagay sa kaliwang sulok ng opisina niya. Ang sabi nung babae na hintayin ko raw si Mr. Montenegro rito sa office niya. I sat down at the sofa and roamed my eyes around the whole office. All the necessary proofs of achievements are all posted in one side of the place, pati na ang mga trophies na natanggap ng kompanya.

"Mr. Eric Anton Montenegro," Hindi ko lubos na mabasa ang nakasulat sa nameplate na nakalagay sa table ni Mr. Montenegro. Bakit hindi Miguel yung pangalan niya? Ibang office ata 'tong napasukan ko e.

HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon