"Kuys sorry na."
"Ewan ko sa'yo. 'Di kita papansinin."
Ayan na si Alexander, hindi na niya ako pinapansin dahil sa ginawa ko kahapon. Galit siya saakin dahil hindi raw siya pinapansin ni kuya Magnus kahapon sa outing nila.
"Alam mo ba kung paano ako tratuhin ng Magnus na 'yon? Humingi ako ng apple tapos orange 'yung binigay niya saakin! Fuck him. I hate him." Hala. Nagalit dahil sa orange? Seryoso?
"Seryoso kuys? 'Yon lang ang ikinagalit mo saakin?"
"Oo, bakit? Hindi ba pwedeng magalit?" Tumayo ako. I'm wasting my time here.
"Hoy? Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!"
"Maliligo po. May pasok ako ngayon, ayokong ma late sa trabaho. Kausapin mo nalang ako 'pag okay ka na." Minsan naiisip ko kung twenty-seven na ba talaga si Alex kasi kung umasta parang seven years old.
"Bumalik ka rito, oy!" Sigaw niya. Binuksan ko ang pinto. Bago ako lumabas ay tumingin ako sakanya, "'Di kita papansinin." Ginaya ko siya. Lumabas ako ng kwarto ni Alex na tumatawa. Panganay na anak si kuya Magnus, pangalawa si kuya Raphael tapos pangatlo si Alexander. Medyo hindi malayo ang age gap namin ni Alex kaya sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-close ko.
"Oh, papasok ka na ba?" Tanong ni mama sa'kin nang makita ko siya sa sala habang nililinisan ang center table. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi, "Good morning po." Kinuha ko ang tinapay na nakalagay sa plato na nakapatong sa table. Ganyan si mama, 'pag naglilinis siya at inililigpit niya ang kalat sa sala parati siyang may kasamang pagkain. Sabi niya na mo-motivate daw siyang maglinis kapag kumakain. Don't get us wrong, we tried to hire someone who will help us clean our house pero unfortunately, ayaw ni mama sa mga ganon. She wants to clean our house alone kasi hindi siya kampante 'pag iba ang naglilinis ng bahay namin.
"Ma, sabi ni kuya Alex pupunta raw dito 'yung tao mula sa agency." Ani ko.
"Para saan? Walang sinasabi si Alex sa'kin. "Uupo na muna ako rito. Pumwesto ako sa harap ng tv. Uupo na sana ako nang bigla akong tinapik ni mama, "Alis ka riyan. Naglilinis pa ako." Napakamot nalang ako sa'king ulo at lumayo sakanya. "Mama naman eh, may oras pa ako." Sabi ko.
"'Di ka dapat ma late sa trabaho mo. You did not answer my question, Martin. Bakit pupunta 'yung tao sa agency dito sa bahay? Saang agency ba 'yan?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Maglilinis daw po ng bahay. Hindi raw po kasi kayo naglilinis ng maayos, marami pang dumi at alikabok sa—"
"Leche! Anong hindi malinis?! Tangina! Nasaan si Alexander? 'Yung lalaking 'yon talaga!" At kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Good luck, Alex. Pumara ako ng taxi at sumakay agad. Nakita ko pa si mama na lumabas ng bahay dala-dala ang walis at tinatawag ang pangalan ko.
"Sir, saan po tayo?"
"Kuya sa M&C po."
Ito ang unang beses na pumasok ako sa opisina na hindi ako sinasalubong ng ibang mga empleyado. Lahat sila ay abala sa kanilang mga ginagawa. Nakita ko si Robert na may dalang kape at mga pagkain. He looks stressed-out and masyadong haggard ang pormahan niya ngayon. Tiyak ay hindi na naman 'yon nakatulog sa dami ng trabaho niya. Kumaway ako sakanya bago ako pumasok sa elevator. Napansin ko na may nagtext kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito. It's from sir Migs. Hindi ko binuksan ang mensahe at ibinalik ang telepono ko sa bulsa. Mamaya ko nalang babasahin baka 'di importante.
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomantizmMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...