"Ano'ng plano mo bukas? Special non-working holiday kasi. I'm sure wala kang trabaho," Tanong ni Cathy. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng lunch.
"My brothers are planning to bring mama somewhere. Resort ata 'yon sabi nila," Sagot ko.
"Oh talaga? That's great! Tita needs to relax once in a while. Akala ko pa naman free ka bukas, isasama sana kita sa mall mag ka-karaoke tayo at kakain ng takoyaki."
"Next time nalang, 'kay? Nauna kasi yung plano nila kuya e, I can't say no to them lalo pa't nandito si kuya Magnus." I told her.
"Si Magnus, nandito?" Nakita ko ang kumikinang niyang mata nang marinig niya ang pangalan ng kuya ko. She likes him a lot. Ang sabi pa niya crush na raw n'ya yung kuya ko since elementary pa kami. Ang landi.
"Oo, umuwi silang dalawa ni kuya Raphael. It was so sudden. Nagulat nga ako dahil pagkauwi ko nandun na sa sala si kuya Magnus at nakita niya yung mga pasa ko. Basta ha, if he'll ask you about me don't tell him anything. I told him that I was sleep walking kaya nagkaganito yung mukha ko. Alam mo naman 'yon."
"Oo naman syempre, ako pa."
"Nandito pala kayong dalawa?" Muntik na kaming mapatalon sa kinauupuan namin nang makaharap namin si kuya Magnus.
"K-kuya! Nandiyan ka pala."
"Kanina pa ako rito. Ano ba'ng pinaguusapan ninyo?" Umupo siya sa tapat namin.
"W-wala po. Work related stuff." Ani ko. Kinakabahan tuloy ako dahil nandito si Kuya Magnus. Sinusundan niya ba ako? Hindi ko inasahan na makikita ko siya rito. Sa dami ba namang restaurant na pwede niyang kainan bakit dito pa siya sa pinuntahan namin? Tsk.
"Nako, my boss texted me. Kailangan na niya ako sa opisina." Sabi ko. Tumayo ako at inayos ang aking damit.
"Are you avoiding me, Martin?" Narinig ko na naman ang authoritative na boses ni Kuya Magnus.
"No, of course not. Ano ka ba kuya, bakit naman kita iiwasan? Hello, nakatira kaya tayo sa iisang bahay. Anyway, I need to go na."
"Ihahatid na kita sa trabaho." Biglang tumayo si kuya. Hindi ko na naramdaman na may kasama pa kami dahil hindi na nagsalita pa ulit si Cathy, I'm sure he's not fantasizing on my brother.
"Babae, tumutulo laway mo. Kausapin mo na muna si kuya. Aalis na ako." Bulong ko kay Cathy. Kinurot ko pa siya sa braso para mahimasmasan siya.
"O sige, ako na bahala."
"'Wag na po kayong magabala kuya, kaya ko na pong pumunta ron. Hindi naman ata maganda kung iiwan natin dito si Cathy na kumakain mag-isa, 'di ba?"
"Opo kuya Magnus, alam niyo po ba na andami ko pong tanong tungkol sa job niyo," Cathy signaled me to move out of the restaurant and so I did.
"Hay, buti nalang at nakatakas ako kay kuya." Sabi ko.
"I didn't expect that I will find you here."
"S-sir Eric!" Nagulantang na talaga ako sa nakita ko. This time I saw Mr. Montenegro standing outside the restaurant.
"Your lunch break is almost done," A car stopped in front of him, "Pasok." Aniya pagkatapos niyang buksan ang pinto nito.
"Po?"
"I said, pumasok ka sa loob. Isasama na kita pabalik sa opisina."
"Talaga po?" This is the first time na inaya niya akong sumabay sakanya sa loob ng kotse. Medyo na excite ako sa gagawin ko. Hinayaan ko na muna siya na makapasok sa loob at nang oras ko nang pumasok huminto siya at isinira ang pinto ng kotse.
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomanceMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...