"Martin, kumusta na si sir Eric?" Sinalubong ako ni ma'am Ann sa labas ng office niya.
"H-he's fine." Sagot ko. Napahawak ako sa leeg ko. Why am I so bothered? Natural lang na mangyari 'yon dahil wala siya sa sarili niya. Why am I making a big fuss about it when in fact I shouldn't mind what happened. Lalaki rin ako, wala 'yung malisya, 'di ba?
"Oh? Napano ka naman diyan? Bakit ang tamlay-tamlay mo?" Tanong niya.
"Wala. I'm not feeling well."
"Don't tell me contagious 'yung sakit ni Mr. Montenegro? Nahawa ka sakanya?" Pagaalala niya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang noo ko. "You're not hot. Wala kang lagnat, sigurado ka bang okay ka lang?" Dagdag niya.
"I'm fine. Maybe I need some rest. May kukunin lang akong document sa taas and then I'll give it to Mr. Montenegro," I tapped her shoulder before I enter the elevator.
Habang nasa loob ako ng elevator, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina sa bahay ni Sir Eric. Nabuhayan ako nang biglang tumunog ang aking cellphone, tumatawag si Alex.
"Hey," I answered the call.
"Oh? Ba't matamlay ka, may nangyari ba?" Tanong niya. Mukhang hindi na siya galit sa akin.
"Nothing. Busy lang sa work. Napatawag ka, kuys?" I stared at the floor indicator. Nasa third floor na ako, malapit na akong dumating sa opisina ni Mr. Montenegro.
"Wala. I just want to tell you na bumalik na sa Baguio si Magnus at si Raphael naman bumalik na rin sa trabaho niya."
"Talaga? Nakakalungkot naman."
"'Wag ka ngang malungkot diyan. Alam ko naman na gusto mo na ring umalis si Magnus, nakakasakal na kaya 'yung pagiging strikto niya sa lahat ng bagay. Alam mo na basta panganay. Tsaka bilin niya sa'kin na sabihin ko raw sa'yo that the next time he'll come here, dadalhin ka na niya sa Baguio. Whether you like it or not."
"Po? Bakit naman niya ako dadalhin doon sa Baguio? May trabaho naman ako rito." Bumukas ang elevator kaya lumabas ako. Nagtungo ako sa opisina at pumasok ako sa loob.
"I don't know. That man hates your new job for an unknown reason. Minsan talaga hindi ko maintindihan si Magnus." Umupo ako sa upuan ko at tumingin sa table ni Mr. Montenegro.
"Sino namang nakakaintindi don?" Bulong ko.
"Pero feeling ko talaga daldalhin ka niya sa Baguio. Mangyayari talaga 'yon kasi isipin mo ito, siya lang 'yung nagiisang tao sa bahay na kayang suwayin ang mga sinasabi ni mama. He's scarier than mama. Malaki na kasi siya nung nawala si papa so I guess na apektuhan talaga siya nung nawala ang papa natin. Baka nagbago 'yung ugali niya dahil don sa nangyari."
"He took care of us. We can't blame him, Alex. Alam mo naman na iniisip lang n'ya 'yung kapakanan ng mga kapatid niya. Hayaan mo na siya, susunod ako sa kung ano mang sasabihin niya. Kung gusto niya akong dalhin sa Baguio, then I'll go. Para naman 'yon sa ikabubuti ko eh." Habang sinasabi ko 'yon ay hindi maiwasang isipin si sir Migs at si sir Eric. Magpapalit na naman si Mr. Montenegro ng bagong PA at mahihirapan na naman si Ma'am Claire sa paghahanap ng kapalit ko.
"Hindi naman ata pihikan ang boss mo, I'm sure he'll get a new PA once you leave the company." Dagdag pa niya. Hindi nga siya pihikan pero demonyo naman. Naawa ako sa papalit sa'kin.
"Pero on second thought, pagiisipan ko pa pala kung aalis ko." I looked away. Kahit naman nahihirapan ako at stressful ang trabaho ko rito, masaya naman ako at unti-unti kong nagugustuhan ang trabaho. Naisip ko na rin ang mag quit sa trabahong ito, noong first day pa. Pero kasi 'pag iniisip ko 'yon, naalala ko ang sinabi ni sir Migs sa'kin na huwag ko raw'ng sukuan si sir Eric kasi mabait daw talaga siya.
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomanceMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...