"Ayos ka lang ba, Martin?" Hindi ako mapakali at napahinto ako sa bukana ng building. Tinapik ako ni Ma'am Ann na kakarating lang din sa building.
"Ah! O-opo. May naalala lang po ako bigla." Sabi ko sakanya sabay ngiti. Nauna siyang pumasok sa building. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok. Halos walang bago sa lugar, sa mood at sa vibe ng kompanya. Ano bang inaasahan mong bago, Martin? Huminto ako sa harap ng elevator at hinintay na bumukas ito. Nagulat ako nang makita ko si Robert pagkabukas ng elevator.
"Good morning, Martin." Bati niya sa'kin.
"Robert!" Sabi ko at ikinaway ko 'yung kamay ko. "S-saan ka galing?" Tanong ko sakanya. Lumabas siya sa elevator at ako naman ang pumasok.
"Sa procurement department. May chineck lang akong products. Papasok ka na?"
"Oo eh," Napahawak ako sa aking leeg. Nanakit ito dahil hindi ako makatulog kagabi ng maayos kakaisip sa mga nangyari at dinagdagan pa ng pagaalala ko kung bakit ko napanaginipan si sir Eric.
"Sige, kitakits later." Sabi niya. Pinindot ko ang floor button. "See you." Nakangiti kong sabi.
Habang gumagalaw ang elevator pataas ng floor, naiisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni sir Eric kung makita n'ya ako. Baka nandiri siya dahil sa nangyari. Naalala niya pa kaya 'yung nangyari? I shook my head.
"Martin, stop thinking about it. Isipin mo nalang na nandito na si sir Migs sa office." Dumating kahapon ng gabi si sir Migs. Tumawag kasi ako sakanya kaninang umaga upang kumustahin siya at upang tanungin ang sadya niya kagabi. Hindi kasi ako makatulog dahil sa kakaisip na baka may kailangan siya kaya siya nag missed call sa'kin.
Nang tumunog ang floor indicator, bumalik and diwa ko. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa elevator. "It's too quiet." Bulong ko. Wala namang bago, sadyang naiilang lang talaga ako. I know that sir Eric is still not around that's why I immediately entered his office and do the usual stuffs.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng office. Halos mapatalon ako sa gulat at takot nang makita kong bumukas ang pinto. Iniluwa nito si sir Migs na nakangisi habang hawak-hawak ang isang box.
"G-good morning, sir Migs." Nauutal na bati ko sakanya. Inilapag ko na muna sa table ni sir Eric ang natitirang unsigned documents. Inayos ko ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa saka ako lumapit sakanya.
"Tulungan ko na po kayo, sir." Sabi ko at ini-offer ko ang tulong ko sakanya. I extended my arms so that he can give me the box that he's holding. May dala-dala pa kasi siyang bags at mga paper bags. Alam n'yo 'yung octopus na gwapo? Ibinigay niya naman agad ang box at inayos ang damit niya.
"That's for you," Tumingin siya sa box at saka binaling ang tingin niya sa'kin, "I got souvenirs for you. I also bought some for Eric. I mean not some but a lot. Eric is kinda demanding and OA when it comes to gifts so I bought him a lot of stuffs." Madaldal talaga si sir Migs pero hindi 'yung tipo na annoying. Kumbaga, may itsura kaya 'di nakakaumay kapag nagsasalita. 'Yon bang hahayaan mo nalang siyang magsalita kasi napakaganda ng view.
"Shit Martin ano bang pinagiisip mo." Napatakip ako sa'king bibig nang makita ko ang pagkunot ng noo ni sir Migs.
"What did you say?" Tanong niya. Agad naman akong umiling.
"Nako sir, para sa'kin 'yon. Kung ano-ano kasing iniisip ko. Plus, iniisip ko pa 'yung mga appointments ni sir Eric and ang sandamakmak na reports na kailangan niyang i-review for the board meeting this afternoon." Pagpapaliwanag ko. Alam ko naman na gawa-gawa ko 'yung ibang bagay. Hello? Hindi kaya alam ni sir Migs ang nangyayari rito sa office, lalong-lalo na sa mga meetings ni sir Eric. So kampante akong hindi niya malalaman na nagsisinungaling ako.
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomanceMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...