"Mr. Cortez? You're next."
Martin
Taimtim kong tinignan ang babaeng tumawag sa aking pangalan. Bago ako tumayo, inayos ko muna ang aking damit at ang aking buhok, "Sana naman ay matanggap ako," Wika ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng silid.
"Mr. Cortez, have a seat." Kinakabahan ako, bakit mukhang masungit ang HR Manager nila rito kesa sa huli kong napag-applyan ng tabaho? Umupo ako ng matuwid sa silya na nakaharap sa HR Manager ng kompanyang papasukan ko.
"So, Mr. Cortez I don't want to read much of these documents that you have prepared for today's interview." Iniligay niya sa isang kahon ang mga dokumento na ibinigay ko sakanya, "Po?" Tanong ko.
"I think it's best if you tell me about yourself," Hindi ko maiwasan ang panginginig ng aking mga tuhod nang magtapat ang mga mata namin sa isa't-isa, "Tell me everything that is written on the document."
"Sige po," I cleared my throat, "My name is Martin Angelo Cortez, I am a fresh graduate from Mornington University. I took up Bachelor of Science in Information Technology—" Itinaas niya ang kamay niya dahilan upang huminto ako sa pagsasalita.
"I.T student ka, Mr. Cortez?" She asked me.
"Opo," I answered her politely.
"You're aware of the position that you are applying in this company, aren't you?" Nakikita ko ang pagdadalawang isip sa kaniyang mga mata.
"Opo, alam ko at naiintindihan ko po 'yung position." Sagot ko sakanya. She didn't say any word until someone came into her office.
"I'm sorry to interrupt your interview Madam Claire, I rushed here to tell you that Mr. Montenegro is looking for you." Nakita ko ang hindi maipintang mukha ng babaeng kanina ay nakangiti pa nang tawagin ang pangalan ko mula sa pila.
"Ganon ba? Nako, I need to go there immediately. I'm sorry Mr. Cortez but I'll just end our interview here. My boss needs to see me. Just wait for a call, 'kay?" Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumabas ng opisina.
"Hay, another unlucky day for me." I sighed. Malas talaga ako sa paghahanap ng trabaho! Nasa balikat ko na ata ang lahat ng kamalasan sa mundo. Mabigat man sa aking kalooban, lumabas ako sa opisina ng HR. Wala na rin akong inabutan pa na ibang aplikante sa labas kaya napag-isipan kong umalis nalang ng building.
Nang makarating ako sa lobby ay agad akong huminto at humarap sa malalaking letra na sumisimbolo ng karangyaan at kasikatan ng kompanya. M&C Publishing Group, o kilala rin bilang Montenegro & Castro Magazine and Publication, Inc.
"Isa ito sa mga gustong pasukin ng libo-libong kabataan na nangangarap na sumikat sa larangan ng pagsulat at iba pa, this could be someone's stepping stone ngunit hindi lahat ay mapalad na nakakapasok sa kompanya, kagaya ko." Bulong ko.
"Yes? Ano? Ngayon na ba? Shit talaga 'yang boss mo. Pagsabihan mo nga 'yan." Narinig ko ang malakas na boses ng isang lalaki na halatang may kausap sa telepono.
"Oh shit," Huli kong narinig bago ako matapunan ng mainit na likido sa aking damit, "Shit! I'm sorry!" Sabi nung lalaki habang pilit na pinupunasan yung damit ko na natapunan ng dala niyang kape.
"Nako, sir. Okay lang po 'yon." Sabi ko sakanya.
"I'm really sorry. Here, you can buy a new clothe if you want," Inabot niya saakin ang pera na kinuha niya mula sa bulsa niya.
BINABASA MO ANG
HIS NEW SECRETARY (Boyxboy)
RomanceMontenegro Series Book 1 - HIS NEW SECRETARY --- Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil...