PROLOGUE

282 9 0
                                    

Prologue

        EARINGS, tattoo's are all over my body. If you think i'm addict, well f-cking yes is my answer.

I'm really their so called bastard, addict, useless son, stupid, and everything you want to call. I join to some fraternity that do illegal doings. I take drugs, i smoked and everything.

Lahat ng pera ginagastos ko. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung maubos man ang pera ng mga magulang ko, siguro kapag nawala na ang yaman sa'men ay muli ko na silang makasama. Muli ko na silang mahagkan at bumalik ang dating meron kami.

Oo lalaki ako pero hindi ba pwedeng hinahanap ko lang ang pagmamahal ng isang magulang? Ang init ng pagmamahal ng isang ama? O ng isang ina.

Hindi ko naramdaman iyon. Kaya lahat ginawa ko. Ninakawan ko sila ng pera kahit wala sa sarili kong kagustuhan. Ginastos ko lahat ng perang ibinibigay nila sa'kin. Lahat ng mga gamit na mahahalaga sa bahay ay pinagsisira ko.

Mga katulong na pinagtutulak ko kung saan-saan. Binubulyawan ko, sinisigawan ko at sinasabihan ko ng mga masasakit na salita. Narito pa ang pagtatangkaan ko silang gahasain pero hindi ko ginagawa. Tinatakot ko lang sila para bukas makalawa wala na sila sa bahay na ito. At tanging mga magulang ko na lang ang nandito para alagaan at intindihin ako.

At ang driber kong tinatadyakan, sinusuntok ko kapag naiinis ako. Walang taong nakakatagal sa isang tulad ko.

Ngunit sa mga araw na nakakagawa ako ng mga ganun ay nagkukulong ako sa kwarto ko. Umiiyak ako at pinag-sisisihan lahat ng mga nagawa ko.

But for f-ck sake, my parents didn't show. Yeah, they sometimes show pero para pagalitan ako, para pagsabihan ako at para pagsalitaan ako ng masama.

Hindi ba nila nahahalata na ginagawa ko lahat ng ito dahil gusto kong maramdaman ang pagmamahal nila? Gusto ko silang makasalo sa pagkain. Yung yakap na ilang taon na rin na hindi ko nararamdaman. O mararamdaman ko pa kaya?

F-ck!

"Sir, t-tumatawag ho ang mommy niyo." Sabi ng katulong namin at halatang takot at ilang sakin.

Sino ba naman ang hindi? I'm look like a f-cking demon living on earth.

Hinablot ko sa kaniya ang telepono. "F-ck you!" I raised my middle finger. "Get out of my sight!" Bulyaw ko dito.

Wala ring katulong ang tumatagal sa bahay. Lahat ay isang araw lang at ang may pinaka-matagal ay isang linggo.

Well gumagawa ako ng paraan para mapaalis sila at nagbabakasakaling mga magulang ko na ang umintindi sa'kin.

"Hello mom." Flat ang boses ko. Alam ko naman kasing tatawag lang ang mga magulang ko kundi para pagsalitaan ako.

"Ano yung pagmumura narinig ko kanina Jace? Ganiyan ka na ba talaga? Hindi ka na ba talaga titigil?" Galit na bulyaw ng aking ina.

"Kung wala kang gustong sabihin, sige na papatayin ko na." Then, i ended the call.

Easy..

Pumunta ako sa kwarto ko at doon ay humiphip ng droga. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung makasama pa ito sa katawan ko. Mas gusto ko nga ito. Ligaya lang ang pinalalasap sa'kin.

Bawat hiphip ko ng droga ay siya namang pagiging aktibo ko. Tumataas na ang tama ko sa katawan.

Hindi niyo ako masisisi. Dito lang sa drogang ito nararamdaman ko ang saya, walang problema at walang kalungkutan.

Ang saya ko. Sobrang saya. Sobra-sobra na.

Ramdam ko na gumagapang na ang droga sa buong katawan ko. Ramdam ko na din ang hindi mapaliwanag na kaligayahan na namumutawi sa aking buong kaibuturan. Shit!

In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang