CHAPTER 8

94 3 0
                                    

Chapter 8

     LUMIPAS ang mga araw. At habang lumilipas iyon ay mas lalong napapalapit sa'kin si baho...si Angel. Mas lalong animo'y na ma-magnet ako sa kaniya.

Hindi ko rin mapigilan ang mabilis na pag-tibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito.

Hindi ko rin nga alam kong bakit nandito na naman ang binata matutulog sa tabi ko. Nasanay na itong matulog sa tabi ko, hindi na rin naman ako nag-rereklamo. Siguro pati ako ay nasanay narin sa kaniya. Nasanay narin na katabi siya.

Nasanay sa mga umagang pagbati nito na hindi man lang nahihiya kahit hindi pa nakakapag-sepilyo. Ganun pa man ay hindi naman mabaho ang hininga niya. Kung tutuusin ay masarap itong langhapin. Mabango ang hininga nito kahit bagong gising.

Naikusot-kusot ko ang mga mata, matapos makagising sa mahimbing na pagkakatulog. Bahagya pa akong nagulat ng makitang nakatingin siya sa akin. 'Yung tingin na animo'y ilang oras na niya akong pinagmamasdan.

"Good morning." maligayang pag-bati nito na sinabayan pa ng matamis na pag-ngiti.

Pati tuloy mga labi ko gustong humulma ng isang ngiti. Buti na lang talaga napigilan ko ang sarili.

"Bakit ka'ba nakatitig?!" i sounded my voice irritated.

He chuckled softly before looking at me seriously. "You know what, Jace, hindi bagay sa'yo ang may balbas. Why don't you shaved it, just like me." Pinasadahan niya ang makinis niyang mukha na walang mapapansin kahit isang balahibo.

Nairap ko ang mga mata sa hangin. "Well you don't care. Buhay ko 'to, wala kang karapatan kung anong pamamalakad ko sa sarili ko."

Angel just smiled. "'Wag kang magalit. I'm just suggesting, na mas gwapo ka kung wala kang balbas. Tsaka, 'yang mga hikaw mo sa tainga at sa dila? Kailangan ba talaga 'yan. Mas presentable at guwapo ka kapag walang ganiyang palamuti sa katawan mo?"

"It's not a suggestion, Angel. You're more like ordering me. I'm the boss of you remember?"

"I'm sorry, sire." he seriously apologized.

Nagpakawala ako ng marahang buntong hininga. "It's okay."

"Sire, labas tayo? Let's go on a vacation? Promise, mawawala lahat ng problema na'teng dalawa."

Napakunot ang aking noo. "Go-on a vacation? Ano namang gagawin na'ten do'n?"

"Enjoying ourselves?" he answered. "Ayaw mo? It's okay, i'm just suggesting?"

Napaisip ako. Well, wala naman akong ginagawa dito. Hindi naman sa boring ako, nandito naman si, Angel, para mapaglaruan ko. Pero mukhang maganda ang suhestiyon nito. Then, i'll go.

"Sigurado ka'bang masaya do'n?"

Malawak na napangiti ang binata. "Sobrang saya, sire."

"Then i'll go, be sure na magiging masaya talaga ako do'n." responde ko. "Teka? Kelan ba 'yan?"

"Today is fine? You choose?"

"Kung gusto mo bukas, then let's go tomorrow. Pero kelan ang uwi na'ten?"

"We're not yet there tapos pag-uwi agad ang tinatanong mo?" Matawa-tawang sabi nito.

Natawa na rin tuloy siya. "we'll decide."

Matapos ang usapan ay natahimik ang buong silid. Mga ilang minuto sigurong tumahimik bago nagsalita ang aking katabi.

"Gusto mong kumain? Magdadala ako?"

Napatingin ako kay, Angel, dahilan para mag tama ang tingin naming dalawa sa isa't-isa. Mabilis kong iniwas ang tingin, hindi ko siya magawang tingnan ng diretso. Pakiramdam ko sa tuwing titingin ako sa kaniya ay nalulunod ang buong pakatao ko. Na animo'y nadadarang ako sa kaniya.

In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang