CHAPTER 5

117 6 0
                                    

Chapter 5

       MATAPOS kong maligo ay lumabas na ako dala ang nag-iisang droga sa kamay ko. Ito yung pinaka-tago-tago ko po noon.

Pilyong mga ngiti ang sumilay sa'king mga labi. Makakaganti din ako sa Angel na 'yun. Makakaganti din ako sa kaniya.

Matapos kong makarating sa kusina ng bahay kung saan naroon narin ang dining area. Maraming mga pagkain ang nakahain doon. At yun ang labis na ikinangisi ko.

"Lumabas muna kayo." Madiin kong sabi sa mga katulong na agad naman ng mga itong sinunod. Doon ay itinuloy ko na ang aking masamang binabalak.

Nilabas ko ang pakete ng droga at binuksan ko iyon. Nilagyan ko ang bawat pagkaing nakahain doon ng droga habang walang sawa ang ginagawa kong pag-ngiti.

Tinawag ko na ang mga katulong dahilan para maglapitan ito sa'kin. Maging ang driver kong madilim ang bakas sa mukha. Ewan ko kung bakit ganun ang itsura nito.

"Kain na po kayo." Pinasigla ko pa ang boses habang nakangiti. Para naman hindi sila matakot sa ngiti ko.

Hindi ko alam, pero mas lalo yata silang natakot dahil sa pag-ngiti kong ginawa. Ikaw ba naman ang makakita ng taong laging galit at hindi ngumingiti ay bigla-bigla na lang ngingiti sa harapan mo.



"Come on, dine in. Walang lason 'yan. Peace offering narin sa inyo." Sabi ko. Walang lason pero may drugs.


Nagtinginan lang ang mga katulong sa kanilang mga sarili. Naguguluhan parin ang mga mukha ng mga ito.



Maging ako'y napakunot ang noong lapitan ako ni Angel. Walang emosyon ang mukha nito na hinawakan ako sa braso at hinila palayo.


"Walang kakain sa inyo." Pasigaw niyang sabi hanggang sa tuluyan na kaming makaalis.


Kahit naguguluhan man ako dahil sa ginagawa niya ay hindi na lang ako nagpumiglas. Nagpa-tianod na lang ako sa paghigit niya kahit kunot na kunot na ang noo ko.


Marahas niyang sinarado ang pinto ng kwarto ko ng sandaling makapasok kami doon. Ngayon ko lang nakita ang ekspresyon sa mukha niya. Alam kong kalmado iyon at seryoso pero may mababatid ko rin na galit siya. Galit siya sa'kin.


"Why did you do that?" He asked directly.



Naguluhan ako sa diretsahan niyang tanong. Hindi ko alam kung anong pinupunto niya. Naguguluhan ako.


"Do what?" I asked.


"Do you think i don't know." He said sarcastically. "Jace bakit mo nilagyan ng droga yung pagkain? Tapos ngayon balak mo pang ipakain sa mga tao dito? Ano bang gusto mo? Bakit hanggang ngayon ginagawa mo parin ito?" Tanong nito na may pagsusumamo sa bawat boses.


"Chill i just want to have some f---"


"To have some fun by putting drugs on the food? Is that what you called have some fun? Kung gusto mong sumaya bakit sa maling paraan? And do you really think na ikakasaya mo ang paggawa ng masama sa ibang tao?"



Hindi ako naka-imik, nanatili lang akong nakikinig sa kaniya habang iniisip lahat ng mga ginawa ko. Gustohin ko mang mainis dahil sa pangaral na ginagawa niya sa'kin ngunit hindi ko magawa. He was right, he was definitely right.


Umalis siya sa harapan ko at lumabas ng pinto. Naiwan akong narito sa loob ng kwarto. Gusto ng katawan kong sundan siya at huminga ng tawad sa kaniya, pero hindi ko na lang ginawa.



In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang