CHAPTER 9

165 6 2
                                    

Chapter 9

DAING-DAING KO ANG hapdi at sakit na dapat kong tiisin. Tapos ng matanggal ang tattoo sa braso at dibdib ko, ngayon naman ay tinatanggal na ang tattoo sa likod ko.

Pikit ang mga mata ko ng maramdaman ko na may humawak sa palad ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, it was Angel. Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.

Itinaas-taas lang nito ang kilay nito habang nakangiting nakatitig sa'kin. Kunwaring itinirik ko ang mga mata ko.

Imbis na kabahan ako sa sakit na nararanasan ko, e mas kinakabahan pa ako dahil sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Ang weird lang ng feeling ko no'n sa puntong hindi ako nagiging komportable ngayong hawak-hawak niya ang kamay ko.

Parang lahat ng atensyon na dapat itinutuon ko sa sakit at hapdi na nararamdaman ko, ay mas natutuon kay Angel.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pasimpleng ngumiti. Iba talaga 'yung dating sa'kin no'ng paghawak niyang iyon.

Ilang oras bago natapos ang pagtanggal ng tattoo sa katawan ko. Hindi naman hard 'yung ink na ginamit pang tattoo sa'kin, at dahil eksperto ang nag-tanggal, walang bumakat na marka ng ink.

Matapos kong makapag-bayad ay lumabas na kami.

"Mas magandang tingnan na ngayon 'yung katawan mo. Mas makinis," anang nasa likod ko.

Hindi na lang ako umimik. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko, basta, ewan ko ba. Kung bakit napapadalas itong pag-ngiti ko.

Sumakay na kami ng sasakyan at tahimik na nagmaneho. Ilang oras na biyahe ng tumigil si Angel.

Napakunot naman ang aking noo kung bakit siya tumigil, wala pa naman kami sa bahay. "Bakit mo hininto?"

Sa halip na sumagot ay itinaas-baba lang nito ang dalawang kilay bago lumabas ng sasakyan.

Tinanaw ko lang ang bawat pagkilos niya. Nag-tungo siya sa naglalako ng ice cream.

Napairap ako at napakunot ang noo. Talagang may pagka-isip bata itong si Angel.

Matapos ang ilang minuto, bumalik ito. Dala-dala ang dalawang ice cream.

"Talagang inuna mo pa 'yang katakawan mo, huh?" pabirong turan ko na ikinatawa naman niya.

"Grabe ka naman sa katakawan, ikaw na nga ang binilhan."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Bago pa man ako magkapagtanong ay inabot na niya sa'kin ang isang ice cream. 'Yung nakalagay sa cone.

"Tig-isa tayo."

Umiling-iling naman ako, "hindi ako kumakain ng ice cream."

"Ayaw mo? Nakakaalis kaya ito ng sakit sa katawan."

"Ano 'yan pain reliever?" sarkastikong turan ko.

"Sige na, tanggapin mona. Masarap 'yan promise. Tsaka hindi ako makakapag-maneho kung may kapit ko ito." aniya.

"Edi, itapon mo. Problema ba 'yun?" sarkastiko kong sabi.

"Tig-sampong piso din ito, ang mahal kaya. Tanggapin mona, sayang naman kung itatapon ko."

Naitirik kona lang ang aking mata sa hangin. At napipilitang tanggapin.

Ngumiti naman ito habang dinidila-dilaan ang ice cream na hawak-hawak niya. "Kainin mona, matutunas 'yan."

Sinimulan na nitong patakbuhin ang sasakyan.

Hindi ko ginagalaw ang binigay niya, hanggang sa maramdaman ko ang malamig na likido sa aking kamay. The ice cream starting to melt.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 17, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang