CHAPTER 7

129 6 0
                                    

Chapter 7

NAGISING ako kinabukasan habang naikusot-kusot pa ang mga mata ko. Saktong pagmulat ng mata ko ay isang pares ng mga mata ang nakitang kong nakatitig sa'kin.

Ngumiti ito. "Good morning. Rise and shine." He said while smiling sweetly at me.

Agad kong binawi ang kamay kong nakayakap sa kaniya at tila nahiyang biglang bumangon. "Bakit ka'ba ng yayapos?" Tanong ko kapag-kuwan.

Napaka ignorante naman ng tanong ko. Alam ko naman na ako ang nakayakap tapos ngayon tinanong ko siya kung bakit niya ako niyayakap? Napaka-galing! Tch.

"Ikaw kaya ang nakayakap sa'kin." Nakanguso nitong sabi.

Ipinaikot ko na lang sa hangin ang mga mata ko para matanggal ang hiyang nararamdaman.

"Umalis kana nga dito," sinapa ko siya dahilan para mahulog siya sa kama. "Lagi kana lang dito natutulog. You have your own bedroom."

Narinig ko pa ang pag-igik niya habang sapo-sapo ang likod. "Ang hilig mo namang manipa." Sabi nito na may panunudyo pa.

"Umalis kana kasi. Sa sunod 'wag kana dito matulog. Baho!"

Natatawa na lang itong lumisan, napatingin na lang ako sa papalayong niyang bulto hanggang sa sumarado ang pinto.

Awtomatikong may sumilay na ngiti sa aking mga labi, ewan, naguguluhan ako. Bigla-bigla na lang ay ngi-ngiti ako. Siguro may sira na rin ako sa ulo.

Matapos kong maligo at makapag-bihis ay sakto namang pagpasok ng lalaking iyon sa loob ng kwarto. Bihis na ito at bagong ligo na din, may dala itong tray na naglalaman ng mga pagkain.

Pasimple kong binaling sa ibang direksyon upang itago ang ngiting sumilay sa aking mga labi. Natatawa ako, lagi ko kasi siyang sinasabihan ng mabaho, kaya ayun ang aga-aga tuloy maligo.

"I brought you some food. My sire." Parang timang lang, bahagya pang yumuko na animo'y nag vow sa akin.

Ipinaikot ko na lang ang mga mata sa kawalan. May sira na talaga siya sa ulo.

"Hindi ko naman sinabi sa'yong dalhan mo'ko ng pagkain." Umasta pa akong naiirita ngunit ang totoo naman ay hindi, sa katunayan nga ay may kung anong ligayang namumuo sa aking damdamin. Ewan, hindi ko na din maintindihan itong nararamdaman. Basta ang alam ko maligaya ako kapag nasa tabi ko siya. Maligaya ko kapag kasama ko siya.

Umakyat ako sa kama ng mailapag na niya ang pagkain doon. Mag-uumpisa palang akong kumain ng mapansin ko siya na nakatayo lang at nakatingin sa'kin.

"Hindi ka pa aalis?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Hindi," sagot nito, "dito lang ako, malay mo hindi mo kainin 'yang dinala ko at itapon mo lang. Kilala pa naman kita."

Napairap na lang ako sa hangin. Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng ginawa ito, simula kasi ng makasama ko ito sa iisang bahay ay lagi na niyang ginagawa iyon.

"Hindi ko talaga kakainin 'to hanggat nandiyan ka at pinanonoodin lang ako." Sarkastiko kong sabi.

Inisang tingin muna niya ako. "Sige na, aalis na ako, basta kainin mo 'yan." Sabi nito at pumihit na patalikod at nag-umipisa ng lumakad.

"Angel," pagtawag ko sa pangalan niya dahilan para mapatingin ito sa'kin at nagtatanong ang bawat titig. Nawawala yung nasa isip ko. Yung titig niya kasi ang dahilan na nakapag-bibigay sa'kin ng kaba. Parang hipnotismo, hindi ko magawang makapag-isip ng tama. "Uhmm...salamat sa pagkain." Ang tanging na sabi ko na lang kapag kuwan. Huli na ng marealize ko yung sinabi ko. Damn! Nakakahiya.

Ipinakita nito sa'kin ang mapuputi nitong ngipin. "You're welcome, my pleasure sire." Sabi pa nito at yumuko na naman na umastang nag vow.

Balak ko sanang paikutin muli ang mga mata ko, buti napigilan ko lang. Iiwas ko ng gawin ito, ilang beses ko ng ginawa iyon e.

In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang