CHAPTER 1

187 9 0
                                    

Chapter 1

      "SINO kayong mga bwisit sa bahay ko?!" Mariing tanong ko sa mga katulong na napatigil sa mga ginagawa at isa-isang nagpila at yumuko sa aking harapan.



"Ako ang bagong mayordoma ng bahay, at sila ang mga bagong katulong dito." Pagpapakilala ng mayordoma na akala mo ay maangas.



"Wala akong pake kung mayordoma ka ng bahay." Sarkastiko kong sabi. "You know what? F-ck you." I said then raised my middle finger. "All of you. F-ck you!" Halos pabulyaw kong sabi sa kanila. Get out of my sight!" Sabi ko pa sa kanila at hinagis sa harapan nila ang base na nahagilap ko. Wala akong pake.



Agad nag-alisan ang mga katulong ng makabawi sa pagkabigla. Takot na takot iyong umalis sa harapan ko.



Galit ang komunsuma sa aking katawan. Hanggang kailan ba magtatagal ito? Hanggang kailan matatapos ang mga katulong na umaalis at bumabalik? Bwisit! Nakakainis!



Matapos 'kong pumasok sa loob ng kwarto ay kinuha ko ang baseball bat at iwinasiwas iyon sa mga bagay sa loob ng kwarto ko.



Galit na galit ako. Winasiwas ko lang ng winasiwas hanggang sa magsawa ako at magkasira, basag ang mga gamit doon.



Hindi maiwasan ng mga mata kong mapaluha. Naluha na naman ako at napaluhod.



Wala akong pake kung may kung anong kumikirot sa tuhod ko. Siguro ay kay bubog doon kaya maanot.


Napabaling ang mga mata ko sa picture frame kung saan naroon ang masayang litrato ng buo naming pamilya. Ang nanay ko at tatay ko na masayang nakangiti habang buhat buhat nila ako.



Iniisip ko na sana bumalik ako sa panahong ito. Sa panahong ako pa ang mahal ng mga magulang ko, hindi ang perang meron sila ngayon.



Napukaw ang aking pag-iisip ng marinig ang pag-iingay ng telepono ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata at tiningnan kung sino ang tumatawag.




Si mommy. Kahit ayaw kong sagutin napilitan ako. Isa pa, gusto ko rin siyang maka-usap kahit pa pagalit na boses lang ang mapakikinggan ko.



"Ano na naman itong nabalitaan ko anak? Can't you stop for a while? Nag re-signed na ang driver mo, tapos yung mga bagong katulong pinakitaan mo agad ng masama. Pwede bang tumigil ka kahit konting sandali lang?" May pagmamakaawa na sa boses ng aking ina.



"Kase gusto ko, kayo ang mag-alaga sa'kin. Gusto kong maramdaman muli ang pagmamahal niyo. Gusto kong ako naman ang unahin niyo. Can you and dad be with me just for a while? Just for a second? Pwede bang umuwi kayo para kamustahin lang ako?" Ang balak ko sanang sabihin ngunit nagmistulang tumigil iyon sa aking isip. Hindi ko na nagawang sabihin iyon sa kaniya. "Mom, if you have nothing else to say, i'm going to hang up!" Umakto pa akong naiirita.



"Maya-maya ay darating ang bagong driver mo. Sana naman ngayon wala ng aalis sa bahay at wala ka ng sasaktan. You know we are working hard here just for you."




"Yeah, just for me." Sarkastiko kong sabi habang tatango-tango. Pinatay ko na ang tawag ng muli na namang bumagsak ang mga luha sa mata ko.




They never asked me, kung ano ba ang gusto ko. They never asked me?!



Pinatay ko na ang tawag at mabilis na pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Lumabas na ako ng kwarto.




Lalabas na sana akong ng pinto ng may lalaking sumalubong pa sa'kin. Papasok naman siya ng pinto kaya nagkabanggaan kami.




F-ck!



In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang