CHAPTER 2

142 6 0
                                    

Chapter 2

DITO ko siya dinala kung saan maraming taong naglululong sa masamang droga. Maraming mga tambay na lalaki doon kung saan maangas ang mga datingan.

Karamihan doon ay yung mga lalaking nabubog ko. Hmm. Sounds of trouble.

"Yehey, you mother f-cker's." Pag-abala niya sa mga kalalakihan na naroon.

"Sir, ano bang ginagawa na'ten dito. Tsaka bakit minumura mo sila?" Tanong ng kasama ko.

Ang plano ko talaga kaya ako pumunta dito ay para ipabugbog ang lalaking kasama ko. Tuturuan ko lang ng leksyon.

Maraming mga kalalakihan ang sumugod sa gawi namin kaya agad ko siyang tinulak.

"Siya ang kalabanin niyo." Sabi ko at humalakhak pa ng nakakaloko.

Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tigas ng lalaking ito.

Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko, marunong din naman pala sa mga ganitong bagay ang binata. Madaling nakaka-iwas at mabilis ang bawat suntok na pinakakawalan.

Nice.

Nakita kong dumukot ng kutsilyo ang isa. Napamulagat ako ng tama dahil naka-tuon lang ang mga mata ng driver ko sa pakipag-suntukan sa ibang lalaki. Hindi na niya napansin ang lalaking humugot ng kutsilyo at akmang sasaksakin na ito.

Mabilis akong kumilos at hinawakan ang kamay ng lalaki para mapigilan ito sa masamang binabalak.

"Knife is not allowed." Madiin ko sabi at malakas na sinuntok ang mukha ng lalaki dahilan para mawalan iyon ng malay.

Nag-tama ang mga mata naming dalawa ng driver ko. Hindi ko alam pero ng ngumiti ito ay bumilis ang tibok ng aking puso. He mouthed thank you at me.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagsawalang bahala na lang ang lahat. Tinulungan ko na rin siya sa pagpapatumba sa mga lalaking addict na ito. Kung bakit hindi pa nagagawang aksyonan ng gobyerno.

Natawa na lang ako. Kahit naman maging ako'y hindi rin nagagawan ng aksyon ng mga polisya. It's because of my parents power and wealth that sucks me!

Nang marami pang mga lalaki ang susugod sa'men. Dala na rin siguro ng matinding pangamba at takot na baka mapano ang driver ko ay hinila ko na siya patakbo sa kotse at mabilis na sumakay.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at halatang kabado. Hindi ko alam pero hindi ko ugaling ngumiti pero napangiti talaga ako. Hindi lang ngiti kundi napahalakhak pa.

Nagtawanan lang kaming dalawa habang nakatingin sa isa't isa. It feels like i felt something i couldn't explain.

"Marunong karin palang makipagbugbogan?" Tanong ko sa kaniya kapag-kuwan.

"Oo naman, marami kaya akong na-encounter na ganiyan." Sagot nito na tumatawa parin.

Sa ilang minutong lumipas na kasama ko siya, may iba akong nararamdaman. Pakiramdam ko masarap siya kasama kahit nung una ay ininis niya talaga ako.

Naglabas ako ng kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang stick ng sigarilyo, akmang sisindahan ko ito ng biglang kunin sa'kin ng driver ko at itinapon sa binatana ng kotse.

"F-ck! Why did you do that?" I asked starting to get annoyed.

"Don't smoke. It's not good for your health." He said without looking at me.

"Ano bang paki mo kung magsigarilyo ako? The hell hindi mo katawan ang katawan ko. At hindi rin kita magulang para pagsabihan ako." Sabi ko pa at ipinaikot ang mga mata. Kumuha ulit ako ng isang sigarilyo sa kaha.

In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang