Chapter 3
PANAY lang ang pag-tulo ng mga luha sa mga mata ko. Panay lang din ang ginawa kong pagsuntok, pagsipa at pag-tadyak sa mga bagay na makikita ko.
"Sir Jace." Isang baritonong boses na puno ng pag-aalala ang umalingawngaw sa buong silid. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang mukha ng driver ko na may pag-aalala.
Hindi ko siya pinansin, sahalip ay nagpatuloy ako sa pagsisira ng gamit. Napatigil na lang ako ng yumakap siya sa katawan ko at pinigilan kung anoman ang ginagawa ko.
"Bitawan mo'ko. Bitawan mo'ko!" Sigaw ko habang nagpupumiglas.
"I wont. I wont let go of you." He said.
Binalak kopang makawala sa bisig niya pero sadyang malakas yung pagkakayakap niya sa'kin at hindi ko magawang makaalis.
"Bitawan mo'ko. F-ck you, let go of me." I tried many times to free myself but i can't.
Nang manlumo ang katawan ko ay hinayaan kona lang siyang nakayakap sa'kin. Hinayaan ko na lang siya yumayapos sa katawan ko.
Basta na lang panay ang pag-tulo ng luha ko. Panay lang at hindi ko na alam kung paano pa ito mapipigilan.
"Kung anoman 'yang dinaramdam mo, hintayin mo lang ang panahon na hilumin kung anoman yang masakit sa'yo." Bulong nito s tainga ko at unti-unti ng pinakawalan ang katawan ko.
Hindi e! Pa'no ko mahihintay yung panahon na yun? Kelan pa darating yung panahon na yun para hilumin itong sugat na alam ko namang hindi na gagaling.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.
Mabilis akong tumakbo at agad tinungo ang sasakyan. Hindi na nagawang humabol pa ng driver ko.
"Jace buksan mo yung pinto. Jace buksan mo yung pinto." Panay lang ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit tumingin lang ako sa kaniya at mabilis ng pinaandar ang sasakyan. Wala akong pakialam kung humahabol pa siya sa kotse ko.
Bakit ganun? Kahit anong pilit kong pigilan ang mga luha sa mga mata ko ngunit patuloy parin iyon. Patuloy parin sa pagpatak, yung mga luhang puno ng sakit, galit at hinanakit. Naglaho-laho na.
Gabi na ng makarating ako dito sa may jones bridge. Pinarada ko ang sasakyan ko at wala sa sariling lumabas ng kotse.
Maybe ending my life would be better. It would be better than suffering this kind of pain. I can't take it anymore. Hindi ko na kaya itong sakit na ito. Ang sakit na e, sobra.
Sakit dahil sa mga magulang kong hindi man lang ako binigyan ng pagmamahal na hinahanap ko dagdag pa doon ang sakit ng malaman kong may iba ng mahal ang nobya ko. At kitang kita pa ng dalawang mata ko kung pa'no nila binaboy ang damdamin ko.
"F-ck!!" Buong lakas na sigaw ko habang nakahawak sa bakal ng tulay. Mataas-taas din ang babagsakan ko kung sakaling tumalon ako.
Wala na naman kwenta itong buhay ko. Wala na naman taong kaya akong mahalin at pahalahan, wala na namang taong kayang intindihin itong nararamdaman ko.
Inihakbang ko ng isa ang paa ko at isang hakbang nalang ay mahuhuhulog na ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata kasabay ng paglaglag ng luha. Iisang hakbang pa sana ako ngunit hindi ko natuloy ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/293544730-288-k390705.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
In A Million Tears
RomanceIn A Million Tears (BxB) They call him addict, drug user, smoker, killer, bastard, useless son, spoiled brat. That's how they describe Jace Ashley. Well he don't f-ckin' care. He don't care because no one care. No one understand him, no one knows th...