CHAPTER 6

133 6 0
                                        

Chapter 6

      HINDI ko alam pero ng sandaling itulak ko siya pahiga sa kama ay madali ko ng nakuha yung pakete ng sigarilyo.

Napakunot na lang ang noo ko dahil tila natigilan siya at nabato sa kinalalagyan.

Nakatuon din ang mga mata niya sa akin seryosong seryoso habang minsan ay ibinabaling ang mata sa pwesto ko ngayon.

"Shit!" Labis labis ang gulat na rumehistro sa'king buong pagkatao ng mapag-tanto kung anong posisyon ko ngayon. Mabilis akong umalis sa kinalalagyan habang narito parin ang gulat sa'king mga mata.

Dis i just sit on his shaft? Did i just sit on his groin c-ck? F-ck!

Kaya pala nararamdaman ko na naka-upo ako sa matigas na bagay, naupuan ko lang naman pala ang sentro ng pagkalalaki ng driver ko dahilan ngayon ng matinding gulat ko.

Panay-panay ang ginagawa kong pag-lunok. Ewan, pero naaapektuhan ang buong katawan ko sa mga nangyare. Yung tipong gusto pa ng katawan kong maulit-muli kung ano yung nangyare kanina.

Shit! Shit!

Alam kong pulang-pula na ang pisngi ko sa hiyang nararamdaman. Sobra-sobrang nakakainis lang kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.

Pumailalim ang katahimikan sa buong silid. Walang nagtangkang magsalita.

Tumikhim ako at humagilap ng hangin. Pakiramdam ko ngayon na ang hangin na nilalanghap ko ngayon ay siya ring nilalanghap ng binata.

"Akala mo mauutakan mo'ko huh?" Sabi ko pa pag-kuwan upang maalis ang hiya sa pagitan naming dalawa.

Binuksan ko yung pakete ng sigarilyo at doon halos lumabas lahat ng kunot sa aking noo. Ako pala ang nautakan.

Napatingin ako sa gawi niya ng makitang malakas siyang napahagikgik ng tawa.

"Na'san yung laman nito?!" Naiinis na tanong ko sa kaniya. Actually hindi siguro iyon inis. Pakiramdam ko nagpapanggap lang yung inis ko base sa tono ng pananalita ko e.

"I told you i'm not letting you ruined yourself." His face became serious.

Heto na naman siya sa mga pangaral niya. Akala ba niya mababago pa niya kung ano yung mga kinagisnan ko. Bago pa siya dumating sa buhay ko bilang driver ay taon ko ng nakasama 'yang droga at sigarilyo. Hindi na niya maiaalis sa'kin ang mga bagay na iyon.

"Nakakainis ka. Hindi mo man lang ako tinirhan kahit isang sigarilyo." Tinapon ko sa mukha niya yung kaha na madali naman niyang nailagan.

Lumipas ang gabi. Matapos kong kumain ay diretso na ako sa loob ng bathroom. Syempre kailangan korin maligo bago ako matulog. Hindi kasi ako sanay na basta-basta na lang matutulog.

Ipinalibot ko sa aking katawan ang tuwalya kung saan matatakpan ang maselang bahagi ng katawan ko. Lumabas na ako ng bathroom.

Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng makita ang driver ko na nakaupo sa gilid ng kama habang nakatingin lang sa'kin. Kahit madilim at tanging lampshade lang ng ilaw ang tumatanglaw, ay hagip na hagip parin ng aking mga mata ang gwapo niyang mukha. Ang mga mapuputi niyang ngipin na nakangiti sa'kin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko rin alam kung kaba ba itong nararamdaman ko o pintig ng puso? Pintig ng puso? Kelan pa ako nagkagusto sa kapwa ko lalaki? Damn!

"What are you doing here?" I asked straight forward.

"Accompanying you." He answered.

Kung makasagot ito ay akala nitong nakuha ko lahat ng sagot sa mga tanong ko. Mas naging komplikado pa nga iyon ng sumagot siya.

In A Million TearsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang