KABANATA 1

2 0 0
                                    


"Pau! Ikaw na!" Sigaw ni Elaine, classmate ko.

"May bubuhayin?" Tanong ko naman. Naglalaro kasi kami Chinese garter sa loob ng room.

"Meron, tatlo kami. Galingan mo!" Kahit kailan talaga mga pabuhat sa Chinese garter. Malas ko dahil kakampi ko pa sya. Literal na mabigat. Pisti.

This is our first year as High school at Canlava High School. May event sa school kaya busy'ng busy ang lahat. Teacher's day.  Wala namang klase kaya papetiks petiks lang kami. Yung iba nagkakalat lang sa hallway.

"Nood tayo mamaya sa court." Aya ko sakanila ng mapagod. Doon kasi ginagawa ang event sa school. Palibhasa ay public school kami at tabi lang ng Barangay hall ang school.

"Sige ba! Punta na kaya tayo?" Si Sandra, sumang ayon agad.

"Okie okieeee"

Habang naglalakad ay rinig ko kaagad ang tinig ng isang lalaki nagmumula sa Basketball court. Sobrang lakas kasi ng sound systems. Pero keribels lang, ang ganda kasi ng boses.

'Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kumakanta sya ng tribute song para sa mga teachers na walang sawang gumagabay, nagtuturo at nagiging mga magulang namin sa loob ng paaralan.

'Kasama kitang lumuha
Dahil sa'yo ako'y may pag-asa

Nangmakarating sa Basketball court ay ang daming nanunuod nasa gitna at dulo bahagi kasi ang stage ng Basketball court Napapagitnaan ng mga bleachers, pero ang nagp-perform ay hindi naman don nakatayo. Nasa baba lang. Ano kayang ambag ng stage. Char!

'Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat
Haaaa.. yeah yeaah'

Tae nasa pinaka likod kami. Mabuti pa sila Elain at Sandra ay may katangkaran. Sanaol diba? Pero sino ba kasi yung kumakanta. Pwede pa kiss? Char lang ulit.

"Sino yung kumakanta?" Tanong ko kay Elaine habang pilit na tumitingkayad makita lang kung kanino yung gwapong boses.

"Ah si Sky, anak ng teacher." Sagot nito. Abala parin sa panonood.

"Anong year?" Tanong ko ulit

"Grade 7 lang din." Napatango ako at nilingon yung malilikot na likod. Putcha! Ganda ng view. Puro likod. Sana na nalamin nalang ako.

Lamig nang boses sarap sa ears, hihi. Crush ko na ata sya. Kapag 'tong kalandian ko nakarating kay Tatay ay mayayari na naman ako. Sabagay wala namang bago...

Natapos na at lahat ang program hindi ko parin nakikita ang itsura nung Sky. When ko kaya sya makikilala.

Bumalik na rin sa normal ang klase. Kailangan na namang makinig at mag aral mabuti. Dahil kailangan, ito lang din naman ang solusyon para makaahon sa kahirapan. Kahirapan na tanging ako lang ata ang nakakaranas sa pamilya.

"Do you want to come with us later, after class?" Tanong ni Sandra. Pasosyal naman. Parang hindi ito yung Sandra na kaibigan ko at pinsan ni Elaine. Char! Syempre hindi ako papatalo no.

"Sorry, I have a lot of things to do. Maybe next time." Nakangiting saad ko.

I am not allowed to do things what makes me happy. Especially this time that I know I have responsibility.  Minsan ay napapaisip ako na kung tama bang sa edad kong 'to ay ako dapat ang gumagawa ng mga bagay na 'yon. At tama bang nililimitahan ko ang sarili para masunod ang kagustuhan nila.

UNANG MUSIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon