KABANATA 3

2 0 0
                                        

TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER MAY CONTENT SELF HARM, SEXUAL VIOLENCE, CHILD ABUSE, SUICIDE OR MURDER. READ AT YOUR OWN RISK.

I was walking at the ground floor of our school when someone called me. I looked at him with serious expression.  I did not even know him. All I know is, he's in the star section.

Kumaway pa sya sa'kin, kinunutan ko lang ng noo at nagpatuloy na sa paglalakad. May kasama pa syang mga kaibigan. Nakita ko pa roon yung lalaking nakabungguan ko sa labas ng school ilang buwan na ang nakaraan.

It's Wednesday, last week before the school year end. Kailangan pang magpasign ng clearance sa mga teachers kaya may mangilan ngilan pang estudyante rito sa school tulad ko. Ang iba naman ay tapos na kaya hindi na pumasok. May iba naman na pumasok lang para maglaro o tumambay.

Next school year I'm grade 8, nothing special happened at my first year muntikan lang naman akong bumagsak sa isang subject dahil sa manghuhulang teacher. Reasons why my mother almost killed me.



"Napakawalang kwenta mo talaga! Ang bobo bobo mo! Sayang lang ang pera na pinang aaral sayong bata ka! Tangina mo!" Sigaw ni mama habang panay ang hataw sa akin ng walis tambo.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Nasasaktan ako hindi lang pisikal kundi pati na rin emosyonal. Hindi nya manlang tinanong sa akin kung anong dahilan kung bakit blanko ang grade ko sa isang subject.

Si Lola ang kumuha ng card ko nung nakaraan, hindi naman namin sinabi ni Lola sakanya ang grades ko dahil alam naman naming wala syang pakialaman sa grades ko. Sa'kin nga walang pakialam sa grades ko pa kaya?

Kaya ng makita ko na hawak ni mama ang card ko at nag aalburoto sya ay nagulat at natakot ako. Ang alam ko ay nasa kwarto ko lang 'yon nakatabi, kaya paanong napunta kay mama.

Masakit dahil hindi nya manlang ako binigyan nang pagkakataon na magpaliwanag. Bagkus hinataw na nya agad ako hindi lang ng walis tambo kundi pati na rin ng matatalim nyang salita.

"Ma, tama na please!" Pagmamakaawa ko pa. Ang masakit pa kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi nya ako tinitigilan.

Hinawakan ni mama ang pisngi ko gamit ang isang kamay atsaka ito pinisil. Nandidilat pa sa galit. Namumula ang mga mata. Natatakot ako. Takot na takot. Bakit ba nangyayari sa'kin ang ganito? Ano bang ginawa ko sa dati kong buhay.

"Hindi kita titigilang hayop ka! You should learn your lesson." Hinatak nya ako sa papuntang kwarto halos kaladkarin sa hagdan papanik. Namamanhid na ang katawan ko sa sobrang pananakit na ginagawa nya sa'kin.

Dahil nasa salas kanina ay nakita ko pa si ate Shannon doon na nakatingin lang. Wala akong awa na nakikita ni katiting sa kanyang mata may multo pa ng ngiti sa mga labi... kaya sa mga oras na 'yon sigurado na ako kung sino ang kumuha...

Nangmakapasok sa kwarto ko ay hindi na ako makagalaw sa gilid. Nakita kong dumiretso si mama sa kung saan nakasabit ang gitara ko.

Agad na nanlaki ang mata ko. No... not that one. Not the only thing I have from my father. Nakikita ko na agad kung anong gagawin nya rito. Kahit na nanlalata ay pinilit kong lumapit kay mama at agawin ang gitara. Dahil sa ginawa ay lalo lamang na nagalit si mama.

Hinatak nya ng malakas ang gitara mula sa kamay ko. At sa isang iglap lamang tumama ang gitara sa'kin dahilan upang mapahiga ako sa sahig.

Nakita ko pang hinampas nya ito nang ilang beses sa sahig para masira ito ng sobra. Kasabay ng pagkasira nito ay ang pagkadurog din ng puso ko.

"Wala kang kwenta katulad ng Ama mo! Isa kang basura, katulad ng musikang ipinagmamalaki ng ama mo na syang minana mo sakanya." Madiing ani mama.

Ito ang unang beses na sinaktan nya ako ng pisikal. Kung noon ay puro masasakit na salita lang ang natatanggap ko ngayon ay iba.  Ibang iba rin sya lalo na sa mga kilos.  May kakaiba kay mama, hindi normal.

Dahil sa gulping inabot ko ay halos hindi na ako makahinga at unti-unti naring nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung paano akong nagising pa kinabukasan. Hiniling ko na sana hindi nalang. Dahil nang kumilos ako ay halos mamatay lang ulit ako sa sakit ng katawan.

Samantala, nang tanungin ko ang teacher ko sa English na syang nagbigay sa akin ng blangkong marka ang sagot nya lang...

"You are always absent. That's why you had a blank grade in my subject. Besides, you didn't even pass your school work."

Tangina, literal na nanlaki mata ko. Absent daw ako lagi? Always present kaya 'to.

Itong klase ng mga guro ang nanghuhula lang ng grado ng estudyante. Malas ko dahil isa ako sa hinulaan, yun nga lang blangko ang ibinigay. Sakit tuloy nang katawan inabot ko. Muntik ko pang makita si kamatayan.

"Excuse me, ma'am. But I think you just speculated your student's grades."

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni ma'am Morales. I'm sure I am right.

"Who are you to say that without any evidences?" Galit na saad nya pa.

"Ma'am, I've never been absent once. I can prove that with  the presence of other teachers and my classmates. I also passed school works in time, ma'am."

Nakatingin lang sa'kin si ma'am Morales habang nagsasalita ako. Kahit pa nang matapos ako ay tahimik lang sya.

"If you don't do your work well, I'll report you, maam. Not to the principal but to the Commission on Higher Education." Matapang kong saad.

Because of what they did to me at the age of 13, I learned how to fight for myself and for my rights. Keep silent when there is nothing to fight for but fight if necessary.

Dahil sa pagod na kakalakad para makumpleto ang clearance ay dumiretso ako sa canteen para kumain nang tanghalian. Dahil nagtitipid ay burger na tag 10 piso lang ang binili kong pananghalian.

Habang kumakain ay sinulyapan ko ang clearance paper ko.  Apat na teacher palang ang mayroong pirma sa clearance ko. May apat pang kailangan.

"Hi." Napalingon ako sa nagsalita, sya yung tumawag sa akin kanina. Takang tingin ang ipinukol ko sakanya.

"Ah, may nagpapabigay." Sabay abot nya ng isa pang burger.

"Thank you, pero okay na ako paki sabi. Tapos na rin naman ako." Mahinahong saad ko.

"Ano ako nga pala si Roy, kunin mo na 'to dali. Baka magalit si boss kapag hindi mo kinuha." Taka akong napatitig sa burger na bigla nyang iniwan sa table ko bago umalis.

Pinagsasabi non na boss? Nakasinghot pa ata ng katol. Atsaks miyembro pa ata ng Mafia gang. Nilibot ko ang paningin ko sa canteen para tignan kung saan sya nagpunta pero nakita ko nalang sya na naglalakad palayo kasama ang grupo nya. Ang  nasa gitna ang pinakamatangkad na nakabunguan ko sa labas ng gate.

Nakalimutan ko yung pangalan nya na nakaburda sa panyo. Pero ang hindi ko makakalimutan ay yung burger. Agad kong kinuha at nilagay sa bag. Sayang   10 pesos rin 'to.

Para hindi na pumasok kinabukasan ay tinatapos ko na ang pagpapapirma ng clearance sa mga teacher matapos kong kumain. Mabuti nalang talaga at hindi na sila humirit ng floorwax. 

Alas dos ng hapon nang matapos ako sa ginagawa. Kung tutuusin kanina pa dapat ako tapos kaya lang kapag ganitong paclearance ang hirap hagilapin ng mga teacher. Makauwi na nga.

UNANG MUSIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon