KABANATA 9

3 0 0
                                    

"Ma, kay Lola po ako uuwi mamaya hanggang sa susunod na linggo."

Bungad ko kay Mama, kinaumagahan ng makita ko syang nanonood sa sala. Lumingon sya sa akin ang akala ko ay hindi na sasagot kaya nagpaalam na ako na pupuntang kusina.

"Umalis ka lang hanggat gusto mo. Bakit ba kasi hindi ka nalang don tumira? Para namang may pakialam ako." Ani mama habang nakatingin sa telibisyon.

Dahil ayaw kong iwan kayo, ma. Mahal na mahal ko kayo kahit pa ilang beses nyo akong ipagtabuyan at kahit ilang beses nyong ipamukha sa akin na hindi nyo ako mahal bilang anak nyo. Mapait akong ngumiti nang tumalikod.

Alas dies imedya ng sunduin ako ni mang Rene. Maaga aga nang dumating ako sa school hindi pa nagpapapasok sa gate kaya nagpunta muna ako sa waiting shed.

Masyadong tirik ang araw kaya mainit pa rin kahit na nakasilong naman na ako. Dahil walang mapaglibangan ay nagmasid nalang ako sa mga taong dumadaan. Ang iba ay mga estudyanteng maaga rin pumasok at bumibili sa mga stall ng kwek-kwek at siomai. Maging ang mga bantay Bata na rumoronda sa labas ng iskwela ay pinapanood ko na.

"Hello! Kanina ka pa?" Si Ken na bigla ay tumabi sa'kin. Nakangiti ito at animo'y close kami.

"Hindi naman." Maikling saad ko.

"Tipid mo naman magsalita hehe." Ani Ken.

Ilang minuto kaming nakaupo roon at walang kibuan ng bigla ay magpaypay sya maging ako ay pinapaypayan nya na. Sanaol may pamaypay.

"Mainit dapat nagdadala ka ng pamaypay."

Magsasalita sana ako ng mapansin ang humintong tricycle sa harap namin. Nagtama ang tingin namin ni Potpot ng bumaba sya roon. Panandalian nya pang tinignan si Ken bago ibalik ang tingin sa'kin at lumakad na papasok ng gate.

Hoy! Teka! Ang daya bakit sya nakapasok agad? Kami naghihintay pa rito. Favoritism si kuyang guard ah!

"Anong oras na ba?" Wala sa sariling tanong ko nakatingin pa rin sa gate.

"11:55 magpapalabas na rin yan mayamaya." Saad ni Ken. Napatango naman ako.

Ilang sandali lang  ay nagsilabasan na nga ang mga grade 7 at 10. Masyadong marami ang estudyanteng nag-uuwian kaya kahit nasa waiting shed at nakagilid ay nagigitgit pa rin. Lalo na at maraming mahaharot na estudyante, maging ang mga grade 10 students ay akala mo mga bata.

"Dahan dahan." Ani Ken habang sinangga ang lalaking muntik ng tumama sa'kin nakita ko pang sinundan nya ito ng tingin.

Maging ako ay tinignan ko pa. Mga naghaharutan pa rin kahit muntik ng masakit. Napailing nalang ako.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ken.

"Okay lang. Salamat." Sagot ko.

Nang wala na masyadong lumalabas ay sabay na pumasok kami ni Ken.

"Hoy ano yan?!" Narinig kong sigaw ng bakla.

"Kayong dalawa ha!" Si Jasmin naman.

Nak nang tokwa. Napakaingay. Nasa likod namin silang dalawa na humahabol sa'min papasok. Napaiiling ako. Isa pa tong dalawa sa mahaharot.

"Umayos nga kayo." Saway ko nasa tapat na kami ngayon ng unang building.

Tinutulak tulak pa kami ni Ken ng dalawang impakta. Nakakahiya kay Ken lalo na sa ibang estudyante. Pinagtitinginan kami.

Naiinis na napatingin ako sa taas ng building kung saan makikita ang railings na nagsisilbing harang sa corridor. Mula roon ay nakita kong nakatingin si Potpot.

Tinitingin nito. May palabas ba? Dahil inis ay inirapan ko sya.

"Tigilan nyo na nga." Mahinahong saway ni Ken. Pero ang dalawa ayaw tumigil.

UNANG MUSIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon