"Bili na po kayong basahan d'yan! Siguradong kikintab ang mga bagay na pagpupunasan nyo nito basta may floor wax! Tatlong piso lang po isa! Kinse lima! Murang mura lang po! Presyong divisoria!" Magiliw na saad ko. Naglalako ako ngayon dito sa palengke.
Umalis muna ako sa pwesto ni Ate Beth. Matumal kasi sa pwesto nya. Nandoon din ang iba't-ibang klase ng basahan. Ang dinala ko na lamang ay iyong maliliit para hindi mabigat.
"Iha, wala namang bawas kapag lima ang binili. Ganon pa rin naman ang presyo." Napalingon ako sa aleng nagsalita sa gilid ko.
"Oo nga po, wala naman po akong sinabi na may bawas kapag lima ang binili. Bibili po ba kayo?" Naka ngiti kong saad.
Aba si ate nilayasan ako. Hindi naman pala bibili. Kapag hindi po bibili walang karapatan magreklamo ate.
Lalakad na sana ako nang makita ko si Rea bruha na naglalakad palapit sa'kin. May kasama pang kaibigan. Mukhang may baon na namang kapal ng mukha.
"Uy, ano yan? Basahan. Hahahahahaha" Makatawa naman, sakit sa tenga.
"Oo basahan 'to. Pamunas nang libag mo." Nakakaloko pa akong ngumiti. Nakita ko naman kung paanong magpigil ng tawa ang kaibigan nya. Samantalang sya ay naiiyak na.
"Kesa naman sayo, nagbebenta ng basahan. Mukha kang basahan! Yuck!" Hirit pa nya.
"At least may ambag ikaw wala. Osya, iyak ka muna. Ito pamunas ng libag." pang aasar ko pa. Inabot ko sa kasama nya yung basahan bago umalis. Natatawa pa akong tinalikuran sila. Pero nang makalayo ay napaisip ako kung paano ko babayaran ang tatlong pisong basahan.
Naglakad lakad pa muna ako para maglako ng basahan nang makarami ay babalik na sana sa pwesto ni Ate Beth kaya lang ay may biglang humintong sasakyan sa harap ko.
Kahit hindi pa nakikita ang nasa loob ay kilala ko na ang may ari. Agad akong tumalikod upang tumakas kaya lang---
"Pauline, what are you doing here again?" Napapikit nalang ako nang marinig ang boses ni Lola. Napakaseryoso ng boses nya.
"Hello po , la!" Maligayang bati ko nang harapin ko si Lola. Maging ang itsura nya'y seryoso rin. Nilingon nya ang dala kong mga basahan at agad na ibinalik sa'kin ang kanyang paningin.
"Where's your mother?" Mataray na tanong ni Lola, lalo pang nakapagpatapang sa itsura nya ay ang kanyang pulang lipstick at nakaarkong kilay. Nakapustura rin ito mahahalata ang karangyaan sa buhay.
Pero kahit na ganon ay taliwas sa kanyang itsura ang kanyang ugali. Dahil napakabait nyang Lola. Sya ang pinakapaborito ko lahat.
"Ah, ano po... Nasa bahay po?" Hindi siguradong saad ko.
"Come with me. Ihahatid na kita sainyo." Lalakad na sana ito papuntang sasakyan ngunit nagsalita ako.
"Lola, ibabalik ko lang po itong paninda kay ate Beth."
"Hindi na. Si Ramon na ang bahalang magbalik nyan." Tukoy ni Lola sa driver nya.
"Ramon paki balik na muna ang paninda kila Beth." Utos nya kay kuya Ramon. Dahil sa ilang beses na akong naabutan ni Lola na nagbebenta ng basahan ay nakilala nya na rin si ate Beth.
"Ma'am , akin na po ang mga paninda." Saad ni kuya Ramon.
"Salamat po, kuya." Magalang kong saad.
Nang umalis si kuya Ramon ay pumasok na kami ni Lola sa kanyang sasakyan. At dahil malapit lang naman ang pwesto nila ate Beth ay agad na ring nakabalik si kuya Ramon para bumiyahe pauwi sa'min.
Tahimik lang ang naging byahe pauwi. Hindi nagsasalita si Lola halatang may iniisip na naman. Samantalang ako tahimik din, dahil alam kong magagalit na naman si Lola kay Mama.
BINABASA MO ANG
UNANG MUSIKA
RomancePau is a vocalist and a Restau Bar owner. Her struggles in life does not easy for her to overcome to reach her success. She was abused by her own mother and step dad when she was young. Nilimitahan ang sariling kasiyahan upang gawin ang mga bagay n...