Alas tres ng hapon ng maihatid ako ni Lola sa bahay. Sumaglit nalang si Lola sa bahay at umuwi na rin sa mansion dahil napagod sya sa pamimili namin ng gamit ko para sa school.
May dala na rin akong pagkain dahil nagpatake out si Lola sa isang restaurant na nadaanan namin pauwi. Kailangan nalang initin para mamaya.
Kapansin pansin ang linis ng bahay namin. Ginamitan yata ng mahika ng mga naglinis. Ang kintab kasi ng tiles na nanlilimahid kanina. Tapos nawala na rin yung agiw sa kisame at alikabok sa mga stante at drawer.
Nang makaakyat sa kwarto ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa Monday. Naglagay muna ako sa bagong bagong bag ko ng intermediate pad, ballpen at isang notebook. Orientation palang naman.
Nakahiga na ako sa kama para magpahinga saglit pero naalala ko yung kalokohang ginawa ko kanina. Nahampas ko nalang ang noo ko nang dahil sa katangahan.
Pisti. Ano ba kasing pumasok sa isip ko. Pano ako papasok sa Monday? Pano kapag nagkita kami? Huhuhuhu help. Charot!
"Hoy! Ano yan? Pahila hilata ka nalang d'yan?" Nagulat ako at agad na napabangon sa biglaang pagbukas ni ate ng pintuan.
Kakarating lang galing galaan pero kung umasta akala mo naman may alam kahit isang gawaing bahay. Ayon nga kay Lola, buhay prinsesa. Sabagay, sya ang prinsesa nila Mama at Tatay.
"May pagkain na ba sa baba?" Galit na tanong nya. Tsk galing na sa baba hindi pa tinignan.
"Meron na. Binili ni Lola." Sagot ko.
"Tinanong ko ba kung sino bumili o nagbigay para banggitin mo pa ang matandang yon." Iritang ani ate.
Dahil sa tinawag nya kay Lola ay lalong umusbong ang pagkainis ko.
"Huwag ka naman sanang bastos, ate. Huwag mong tawaging ganon si Lola." Saad ko.
"Tsk. Bakit Lola ko ba 'yon para tawagin ko ring Lola? Ano makiki Lola?" Tanong nya sabay layas.
Napailing nalang ako sa ugali ni ate. Kung tutuusin apat na taon lang naman ang tanda nya sa'kin. Pero kung umasta sya para syang menopausal.
Naalala ko tuloy si Rea bruha. Mas bagay kasi silang magkapatid. Siguradong laging may bardagulan sa bahay kapag nagkataon.
Kinabukasan araw ng linggo, nakauwi na rin sila Mama at Tatay kagabi. Nagtataka nga ako kung bakit ang lalaki ng eyebags nila. Namumula rin ang mga mata. Maging si Lola ay napansin iyon ng pumunta sya ulit kinabukasan upang sunduin ako at isasama nya raw ako magsimba.
"Linda, what happened to you? What kind of parents are you? Naatim nyong iwan ang mga anak nyo ng ilang araw at gabi." Galit na tanong ni Lola.
Samantalang si mama naman ay natatawa tawa pa.
"Ma, don't worry. There's nothing bad happened to them." Nakangiting saad ni mama.
"At hihintayin mo pang may mangyari ganon? At tignan mo nga ang sarili mo. Are you an addict?" Bigla namang napatayo sa pagkakaupo si mama sabay lagay ng hintuturo sa labi. Palinga linga pa sya sa paligid ani mo'y may pinapakiramdaman.
Nagulat ako sa biglang ikinilos ni mama. Nakakatakot sya.
"Ma, huwag kang maingay. Sinong addict? Iyan bang bata na yan?" Sabay turo ni mama sa'kin. Napatago naman ako sa likod ni Lola dahil sa takot.
"Linda, for pete's sake. What did you do to your self. Umayos ka kung ayaw mong kunin ko ang anak mo sayo." Galit na ani Lola.
"Edi kunin nyo na! Ayan ayan! Kunin nyo yan walang kwenta naman yan." Sabi ni mama habang itinuturo pa ako.

BINABASA MO ANG
UNANG MUSIKA
RomancePau is a vocalist and a Restau Bar owner. Her struggles in life does not easy for her to overcome to reach her success. She was abused by her own mother and step dad when she was young. Nilimitahan ang sariling kasiyahan upang gawin ang mga bagay n...