KABANATA 5

3 0 0
                                    

"Pau!" Napahinto ako sa paglilinis ng bahay nang marinig ang boses ni Lola sa labas ng bahay.

Araw ng sabado ngayon, ito ako at dakilang taga linis ng bahay. Itinabi ko ang basahan na hawak pamunas ng alikabok para pagbuksan si Lola.

"Hello po, Lola!" Maligayang bati ko kay Lola ng mapagbuksan ko sya ng pinto.

"Apo, anong ginagawa mo? Bakit pawis na pawis ka?" Nag aalalang ani Lola.

" Naglilinis po ako, Lola. Pasensya na po at medyo magulo ang bahay." Sagot ko habang pinupunasan pa ang pawis sa noo.

"Jusmiyo, Apo. Halika nga rito ang likod mo, baka matuyuan ka ng pawis. Alagaan mo nga ang sarili mo at baka ikaw ay magkasakit. Mahirap na lalo at hindi naman ako araw araw pumupunta rito." Napangiti nalang ako sa pag aalala ni Lola.

"Okay lang naman po ako Lola. Inaalagaan ko naman rin po ang sarili ko."

"Hay nako Apo. Nasaan ba ang magaling mong nanay at amain? Yung anak non? Nasaan din? Buhay prinsesa pa rin ano."

"Hmm.. wala po sila mama. Ano po kasi... Mag dadalawang araw na po silang wala. Samantalang si ate naman po gumala kasama ang barkada nya." Nakita ko ang pagkadismaya pagkaawa lalo sa mga mata ni Lola. Masasalamin din dito ang galit.

"Kung ganon, saan ka kumukuha ng makakain nyo? Alam kong ikaw ang gumagawa ng paraan para makakain kayo dahil wala namang aasahan sa batugang anak ng amain mo." Nakataas na ngayon ang kilay ni Lola habang nag aantay sa sagot ko.

"Sa ipon ko po..." Nakayukong saad ko at naiiyak dahil nababawasan na ang perang pinag ipunan ko nitong bakasyon.

"Oh, ang apo ko." Niyakap ako ni Lola ng mahigpit. Puno ng pagmamahal at pag aalala.

"Magpahinga ka muna. Mamaya ay aalis tayo. Iwan mo na muna ang gawaing ito. Tatawagan ko sila manang sa mansion para magpadala ng maglilinis dito sa bahay nyo." Agad na nagpindot si Lola sa cellphone nya upang tumawag ng tagapaglinis.

Nakatingin lang ako kay Lola habang nakikipag usap sya sa callphone. Napaisip tuloy ako bigla kung may kagaya pa kayang magulang katulad ni Lola? Minsan tuloy inisip ko sana sya nalang ang magulang ko. Yung kagaya nya ang inaasam asam kong maging magulang. Puno ng pagmamahal at sa miski lamok ay ayaw kang padapuan.

Sana humaba pa ang buhay ni Lola, dahil sya lang ang tanging nagmamahal sa akin at kakampi ko sa buhay. Kung wala sya paniguradong hindi ko kakayanin.

Matapos kong magpahinga ay saglit akong naligo at nag ayos. Ayon kay Lola sa mall raw kami pupunta kaya nag ayos talaga ako. I was wearing a maong short shorts and black T-shirt  with a print of small rose on the upper left side. While white rubber shoes  on my feet. I also partner it with the Gucci sling bag that my Lola given to me. Actually, lahat naman ng suot ko kay Lola  nanggaling. 

Bago lumabas sa kwarto ay kinuha ko muna ang gitara ko at kumuha na rin ng pera para maipagawa na ito. Ngayon lang ulit ako makakapunta sa Mall kaya mabuting maisabay ko na ang gitara.

"Tara na po, Lola?" Aya ko agad kay Lola ng makababa ako. Napansin kong nandon na rin ang pinapuntang maglilinis ni Lola.

"Why did you bring your guitar, Apo?" Nagtatakang tanong ni Lola nang makita ang gitara.

"Ipapaayos ko po sana, lola."

"Ako na ang bahala sa pagpapaayos nyan, apo. Ipunin mo nalang ang pera mo." Nakangiting saad ni Lola.

"Salamat po, La." Saad ko at yinakap ng mahigpit si Lola.

Nang makarating sa mall ay inuna muna namin ni Lola ang pagpunta sa pagawaan ng gitara. Mabuti nalang at nagpresinta si Lola na sya ang magbabayad dahil kulang din pala ang dala kong pera.

UNANG MUSIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon