KABANATA 8

1 0 0
                                    

Buwan na ng Agosto, buwan ng wika. Buwan ng kapanganakan ko.  Ilang araw nalang at kaarawan ko na. Pero tulad ng dati ay baliwala lang ito sa kanila at normal na araw lang din.

Kung tutuusuin si Lola lang ang nagbibigay saya tuwing kaarawan ko at hindi nakakalimot nito. Isa nalang din sa nagpapa excited sa'kin sa kaarawan ko ngayong taon ay ang pagdating nila Tito.

There's nothing new to my everyday lives. Sa school may mga kaibigan naman na ulit ako. Pero hindi sila yung tipong pangmatagalan... ang iba kasi makikipagkaibigan lang kung may kailangan.

Samantala lahat nang sinabi ni Lola ay talagang ginagawa nya. Simula sa pagiging service ni mang Rene sa akin sa school. Minsan naman kahit hindi ko sinasabing kailangan ko ng financial na suporta ay nagbibigay sya.

Natapos ang maghapon ito na naman ako sa loob ng madilim na silid. Pagod na naakadungaw sa bintana habang nakatanaw sa mga bituwing nagkikislapan sa madilim na kalangitan.

Does my dream of having a good mother is really impossible? Just like the stars... impossible to reach.

Ang akala ko sa pag uwi ko ay isang malungkot na ina ang madadatnan ko dahil sa namimiss na anak at kalaunan ay magiging masaya dahil sa pag uwi ko. Kabaligtaran pala ng panaginip ang  sa reyalidad.

Malupit pa rin pala ang tadhana sa'kin...

Magulo, maalikabok at makalat na tahanan ang inabutan namin ni Lola pagkahatid sa'kin. Halatang hindi naglilinis ng bahay. May bote pa ng alak sa kusina.

"Bakit umuwi pa 'yan? Bakit inuwi nyo pa?!" Tanong ni mama kay Lola na ang tinutukoy ay ako.

"Nam-miss ko na po kayo ma..." Marahang saad ko.

"Nam-miss na m-miss. Huwag mo akong dramahan."

"Umayos ka nga Linda. Isa pa yan kung bakit ayaw kong bumalik ang apo ko rito. Masyado mong binabalewala ang nararamdaman ng anak mo." Ani Lola.

"Ma, edi sana hindi mo na inuwi. Aalis alis tapos babalik din pala."

Napayuko ako sa sinabi ni mama. Mali ba ako na umalis ako? Mali ba na inisip kong umalis para malaman kung mam-miss nya ako at kung may pakialaman sya sa'kin?

Pero alam ko naman na ang sagot... matagal na. Alam kong wala syang pakialaman sa'kin. Talagang sinubukan ko lang.

Nang umalis si Lola ay umakyat na ako sa kwarto. Maging ang taas ay magulo. Mabuti nalang at na ilock ko ang sariling silid dahil hindi ito magulo. Mabuti rin at hindi ipinilit buksan.

Nang makapagpahinga saglit ay tinawag ako ni mama para maglinis sa baba para naman maging presentable tignan. Maging ang mga basyo ng alak ay itinapon ko na sa basurahan.

Sa ilang oras ko palang dito pagod na kaagad ako. Napagtanto kong talaga palang ibang iba ang pamumuhay na naranasan ko ng minsnang tumira kay Lola.


"You can now- yes?" Naputol ni ma'am Peranta ang sasabihin ng biglang may kumatok sa  pintuan ng classroom namin.

Agad naman na nagsidaldalan ang mga classmates kong walang pakialam kung mapagalitan.

"Good afternoon ma'am, sorry to disturb your class ma'am..." Saad ng nasa labas. Hindi ko naman makita kahit na nasa may bintana ako dahil natatakpan sya ng pinto mula sa labas.

Pero dahil pamilyar ang boses ay biglang kumaba ang dibdib ko. Kainis. Kahit boses nya alam ko na. Ilang beses ko palang naman narinig syang nagsalita ah.

"It's okay Abello, what do you need?" Nakangiting saad ni ma'am. Bakit kung makangiti naman si ma'am. Favorite student nyo po ba yan?

"May I excuse Ms. Valdevieso for a while? Ma'am Santos wants to discuss something to her." Taray naman nito  English speaking.

UNANG MUSIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon