Chapter 22

1K 53 0
                                    

SAPPHIRE POINT OF VIEW

    “ISA kang lapastangan!! Ano ang iyong karapatan para magsalita ng hindi kanais-nais sa pinuno!!” sabi ng isang kawal na may hawak pang sibat.

Parang ayoko nang mag salita, pero.. ano ang sinasabi ng mga itong naninira sa kanilang tahanan? Eh.. ngayon pa lang naman ako naka rating sa lugar na ito.

"MAHAL NAMING PINUNO ANG BABAENG IYAN AY WALANG GALANG, KUNG INYONG MAMARAPATIN AY AMIN NA SIYANG KIKITILIN NG BUHAY!" sabi ng isang kawal na lumapit sa kanila kunong pinuno.

What the— ito na ba talaga ang ending ko!??! Hindi niyo man lang ako hinayaang mag ready!!

"Matapang ka babae.. Ano ang iyong ngalan?" tanong sa akin ng kanila daw na pinuno.

"AKO? BAKIT HINDI MO HULAAN?" pabalik kong tanong na nagpatayo sa kaniya.

"Ipakain sa alaga ang mga iyan! Baka sakaling manalo tayo sa gera kapag nabusog sila mula sa katawan ng tao!" biglang sabi nito kaya agad na nagsi lapitan ang mga kawal at hinawakan kami sa magka bilang braso.

SISIGURADUHIN KONG MAG BABAYAD—wait a minute.... gera? Kung ganon?

What a nice welcoming.... Ako na nga yung tutulong titigukin pa.

( っㅠ~ㅠ) っ

*****

THIRD PERSON POINT OF VIEW

"MGA LAPASTANGAN!!!"

   ISANG boses ang umalingaw-ngaw sa buong paligid bago pa man ihulog sa bangin sina Sapphire at Jack kung saan naninirahan ang lahimaw na kanilang pinangangalagaan.

"A-ang silaw!!" sigaw ng mga tao habang tinatakpan ang kanilang mata dahil sa sobrang liwanag na lumabas.

Naging mas naging masilaw pa ito iba't ibang ingay na mula sa mga hayop ang marinig ng mga tao; ang mga ibon ay nagsi alisan, ang mga nilalang mula sa katubigan ay nagsi tago at ang mga halaman ay puno ay todo wasiwas sa kanilang sarili dahil sa pangamba sa magiging kahihinatnan nito.

Labis na nilang hindi makita kung sino ang nasa likod ng masilaw na liwanag. Wala ito sa langit at nananatili lang na nasa ere na parang lumilipad.

Nang mawala ang liwanag na nag mumula boses ng dyosa ay napatianod ang pinuno ng mga ito sa kinatatayuan ng makita ang dyosang si Maya.

Dahil siya ang pinuno ay siya lamang ang nakakaalam sa pigura ng mga mahal na dyos at dyosa kaya para sa kaniya isang malaking karangalan na magpa kita ang dyosa sa kanilang bayan.

Nang makabalik sa ulirat ay lumuhod ang pinuno nila na ikinagulat ng mga mamamayan, lumapit ang kaniyang kanangkamay na lalaki, wala siyang asawa't anak kaya naman ay wala siyang tagapagmana ng trono kaya namili siya ng gagawing kanang kamay at ito rin ang susunod na kanilang magiging pinuno at ito na nga ay ang taong lumapit sa kaniya—'yon din iyong kasagutan ni Sapphire kanina lang.

"Amain, humayo kayo at tumayo riyan," ani ng kaniyang kanang kamay saka siya inalalayan na tumayo ngunit hindi niya ito sinunod bagkos ay pinag sabihan.

"Bakit nakatayo pa kayo riyan? Mag bigay galang kayo!" aniya sa mga mamamayan.

Humarap sa kaniya ang pabidang kanangkamay saka humarap sa dyosa na akala mo ay may ipag mamalaki. "Bakit naman ako luluhod sa isang babae? Mga wala naman silang silbi, wala siyang karapatan na pasunurin ako. Hindi yata niya ako kilala!" taas noong aniya kaya nanlaki ang matang tumayo ang pinuno at tinakpan ang bibig ng mayabang na kanang kamay.

The ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon