5 -Your, Engineer.

279 38 4
                                    

"Kuya bagay ba sa akin 'to? wala akong mapili eh" Tanong ni Cole kanina pa siya paakyat baba sa hagdan namin para tanungin lang ako kung babagay sakanya yung mga napili niyang suot.

"Cole pang doseng baba mo na yan di ka pa ba pagod?" Tanong ko sakanya at umiling lang siya.

"Ayan yung windbreaker saka pants na itim pwede na sayo yan lahat naman bagay sayo" Sagot ko sa kanya kaya tumango na siya at bumalik na sa taas.

"Gabb kape oh" Si Ate Sela pala at may dalang kape siya ah wow himala good mood ata ang itlog.

"Kumusta trabaho mo balita ko kinukuha ka din ng isang senador ah" nagtaka naman ako sa sinabi niya huh eh wala pa naman akong nababalitaan.

"Hindi ko po alam Ate eh" Kamot ulo kong sabi sakanya saka malabo ko pang tanggapin yan hindi ko pa natatapos yung kila Miguel baka malito ako.

"Malabo pa yan Ate hahaha baka hindi ko kayanin ng sabay" Sagot ko at humigop sa kape ko.

"Gabb pwede ba ako dumalaw sa puntod ni Abby?"

"Ate.."

"Promise Gabb last na 'to g-gusto ko lang magpaalam sakanya ng maayos" Paliwanag niya well binawalan ko muna kasi siya pumunta sa puntod ni Ate para makapag heal naman muna siya sa tingin ko naman maiintindihan ni Ate Abby yon.

"Isama mo si Cole Ate hindi safe sa labas" Sagot ko at tumayo na papuntang Garden.

I checked my laptop kung may mga upcoming meetings ba so far isa lang naman this week at kila Cole naman yon kaya di na masyadong nakakakaba I was thinking the night kung siya ba yung nakita ko sa bar kagabi or baka namamalikmata lang ako ang pagkakaalam ko kasi pag mga tagapagmana ay bawal masyadong expose sa labas.

Tapos yung nag text pa sa akin kagabi bakit ganon, pag wrong send yun malamang mag ttext ulit ng wrong send pero hindi eh saka mukha bang George pangalan ko hays.

"Lalim ng iniisip ah ilang feet na yan?" Biglang sulpot ni Ate Gia na may dalang dalawang beer.

"Ate andito ka na pala, Wala ka bang gagawin now?" Tanong ko at binuksan ko ang dalawang beer na dala niya well masyado pang maaga para uminom pero isa lang naman eh.

"Wala eh free ako ngayon kaya gusto ko lang mag relax how 'bout you Gabb?" Tanong niya pabalik.

"Natapos ko na kagabi bago ako matulog tutal di naman ako makatulog kagabi" Sagot ko sakanya.

"Ate Can I ask you something"

"Spill"

"it's about me"

"Hmm?"

"B-bakit wala akong maalala sa past ko? I mean sabi niyo childhood friends tayo lahat pero bakit ni isa sainyo di ko maalala noon?" Tanong ko sakanya hindi ko alam kung tama ba 'to pero matagal na akong curious laging sinasabi ni Ate sa akin na baka nakalimutan ko lang pero ang weird isipin na lahat ng memories ko wala akong maalala.

"Panong hindi mo alam? ni isa ba Gabb? ang weird naman nyan" Kunot noong sagot niya.

"Gabb hindi ako kasama sa mga kaibigan mo nong kabataan mo pa magkakilala na tayo nong college na ano ka ba" Sagot niya.

"Saka diba sabi ng Dad mo naaksidente ka nong highschool ka" Mahabang saysay niya sa akin.

"Amnesia?"

"Aha Gabb may rare case ng Amnesia na hindi na bumabalik ang memorya pero iilan lang mga nakakasurvive don pero sa lagay mo parang di ka naman isa sa mga yon"

"Ang weird lang Ate na pati panaginip wala ako hays wag na nga nakakastress lang lalo" Pag iiba ko ng usapan.

"Saka Gabb kagabi... I met Ella" Pag iiba niya ng topic pero bakit ang lungkot naman ata niya ts.

"Normal lang bang magsisi sa huli?"

"Oo madami namang ganon yung medyo padalos dalos sila mag desisyon tapos sa huli hindi pa nila gusto yung napagdesisyunan nila katulad mo" Turo ko sakanya kaya napatingin siya

"Ano?"

"Katulad mo na lagi mong nirereject si Ate Ella noon may feelings ka din pala sakanya ayaw mo lang sumugal naiintindihan ko naman yon pero diba minsan lang tayo mabuhay bakit ayaw mo?"

"Gabb takot ako na baka maiwan ako masakit yon lalo na sobrang sikat ni Ella I can't"

"Pero ngayon hinahabol habol mo? hindi mo din siya masisisi kung napagod siya may mga tao talagang gigising nalang na ayaw na sa isang bagay mas yun ang nakakatakot" Dagdag ko pa.

"Na kahit alam mo namang mahal mo pa?"

"Hindi lahat ng bagay ay natatalo mg pagmamahal minsan yung pagmamahal nalang din ang sumusuko kahit pagod na"

"Tsaka kahit maraming paraan para maayos pa mas pipiliin mo nalang kalimutan na" Sagot ko ulit sakanya kaya napayuko siya sa sinabi ko harsh ba? ay.

"Wag mong pigilan lagi ang pagmamahal kasi one day kahit ayaw ng utak mo hinding hindi mo mapipigilan ito" Turo ko sa puso ko at ngumiti sakanya.

"Wala man ako masyadong alam sainyo pero isang araw makakamit niyo din ang mga gusto niyo kung maging kayo man maging thankful ka kung hindi din maging kayo maging thankful ka pa din dahil may natutunan ka na sa pagkakamali mo" Tumayo naman ako agad at yinakap siya alam kong pinipigilan niya lang ipakitang malungkot siya.

"Ilabas mo yan mas nakakapagod mag tago ng sakit kesa ng pagmamahal" Bulong ko sakanya at kumalas na sa yakap, Base sa nararamdaman ko ganon ang expresyon ko hindi ko alam kung mali ba o hindi basta ang alam ko yun lang din ang nararamdaman ko.













Mr. Padilla

"Kumusta ang mga anak ko?" Tanong ko sa assistant ko na nakaupo sa gilid.

"Sir okay naman po hindi naman po sila masyadong lumalabas maliban kay George" Sagot niya kaya napatingin ako sakanya.

"A-ah kay Gabb pala"

"Keep your eye on Him para anytime na bumalik ang memorya niya may aagapay sakanya hindi magiging madali sakanya ang pagbalik ng memorya niya baka hindi niya kayanin" Mahabang sagot ko at tumango naman siya, Alam kong pag naalala niya na lahat ay kasusuklaman niya na ako lalo pero handa na akong harapin at pagbayaran lahat ng kasalanan ko sakanila simula sa Mom niya hanggang sa taong mahal niya.

"Sir? Mr.Trinidad is calling" Tawag niya sa akin.

"Sabihin mo busy ako ayokong marinig lahat ng mga paliwanag niya" Sagot ko at tumayo para kumuha ng alak.

"Mali ba na tanggalan ko ng kasiyahan ang anak ko?"

"S-sir..."

"Ecka... Ikaw na ang bahala sa anak ko iligtas mo siya palagi" Sagot ko habang may namumuong luha sa mga mata ko.

Araw-araw dinadalaw ako ng konsensya sa mga ginawa ko gusto ko siyang mapabuti pero bakit patagal ng patagal pasama ng pasama.














"I will, Sir"





_____________________
Hi!! Good evening po!

Your, Engineer.Where stories live. Discover now