30- Your, Engineer.

273 28 2
                                    

"Kung may pagkakataon na ibigay sayo? gugustuhin mo bang maalala siya?"

"Kung masasaktan lang din naman kami sa dulo bakit kailangan pa naming magtagpo. ulit."

Hindi siya makaimik at tuluyan lang inihiga ang kanyang katawan sa sahig.

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nong nag beach kami, tatlong linggo na din akong hindi pinapansin ni Coleen.

"Yung pinapagawang bahay nila Coleen itutuloy mo ba?" Tanong ni Ate Gia sa akin.

"Bahay niya yon at ng kanyang magiging asawa pag tapos non wala na tayong dapat makaka ugnayan sakanila" Sagot ko namn at dumiretsong tumayo papuntang kwarto ko.

Kinuha ko ang gitara ko at naglakad papuntang balkonahe ko.

Binuksan ko ang pinto at naupo sa gilid.

Wala akong ibang maramdaman kundi huni ng mga ibon na para bang malulungkot.

Hangin na malamig at para bang yinayakap ako.

Itinuon ko na ang pansin ko sa gitara ko at nagsimula na tumugtog.


"Ibon sa paligid ay 'di na marinig
Dating awitin natin ay wala ng kilig ohh, tinatangi... "

"Nasan ang dating ngiti sa mga puso? "

" Giliw biglang napigil ang bugso ng damdamin ko nong puntong nalaman ko't aminin mo na"

" Giliw ang nagpapaligaya sayo ay hindi na ako"

" Ito'y napagtanto na't hindi na hahabulin pa"


Naibagsak ko nalang sa sahig ang aking gitara at muli.. bumagsak na namn ang mga tubig na galing sa aking mga mata.

"Mahal ko siya Gabb siya na ang papakasalan ko"

Paulit-ulit kong naririnig at isinasaisip na bakit hindi pwedeng ako nalang.
















"Kumusta siya?" Tanong ko kay Sela.

"Hanggang kailan kami papahirapan ng mundo? Hanggang kailan ecka?" After that she started crying at nabitawan ang platong dala dala niya mabilis ako tumayo at pinuntahan siya para ilayo sa basag na mga plato.

"Sela tahan na pagod ka na magpahinga ka muna" Sabi ko at tumingin siya sa akin.

"Tama ka pagod na pagod na ako ecka, Simula nong nawala si Mommy at Abby parang buong buhay ko nawala sa akin tapos ngayon makikita ko ang kapatid ko na parang hindi na kinakaya ang mundo tripleng bigat ang dala dala ko ecka hindi ko na kayang mawalan pa ng mahal sa buhay ecka... pagod na pagod na ako. " Diin na sabi niya at muling humahagolgol.

"Pagod ka Sela kumapit ka dadalhin kita sa kwarto mo"

Kinarga ko siya papuntang kwarto niya sinilip ko muna ang pinto ni Gabb pero mukhang tahimik naman kaya diniretso ko nalang si Sela sa kwarto niya at inihiga na siya.

Inayos ko ang unan at kumot niya at hininaan ko ang aircon para hindi siya masyadong malamigan.

Inikot ko ang mata ko sa kwarto niya at puno ng mga litrato ni Abby.

"Love never dies" Sabi ko sa sarili ko at tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ate ecka andito ka po pala" Si cole.

"Hinatid ko lang ate mo sa kwarto niya halatang wala pang tulog" Sagot ko sa kanya.

"Ah kaya pala may basag na plato sa baba pero nilinis ko na po saka ako nalang din po magluluto mamaya sa dinner pero may gagawin po muna ako" Sabi niya at tumango lang ako.

Pagbaba ko ay saktong nakita ko si Gia na kakauwi lang.

"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya.

"Naglakad lakad lang diyan malay mo makakita ako ng isang libo" Nakakatuwa ba yon? ts.

"Si Sela?"

"Tulog"

"Si Gabb?"

"Tahimik ang kwarto niya baka tulog din"

"Si cole?"

"May gagawin pero maya maya bababa na siya"

"May balita ka ba kila Coleen?" Napatingin ako sa kanyang tanong.

"Wala, Kailangan pa ba?" Tanong ko din sa kanya.

"Ganon ba talaga ibang tao? makikipag flirt sa iba pero may mahal naman silang iba din."

"Ikaw ecka?Naniniwala ka bang mahal niya yon?"

"Siya mismo nagsabi e" Sagot ko.

"Hindi ka ba nagtaka na baka.."

"What?"

"Na baka tinakot lang si Coleen ng Daddy niya?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"Mr. Trinidad? known as a great man in bussines industry ay tatakutin lang ang anak niya ng dahil sa kasal? thats impossible" Sabi ko.

"Iba ang may camera sa totoong buhay hindi lahat ng nakikita natin ay totoo" Sagot ni Gia sa akin.

Hindi ko aakalain na maiisip ni Gia ang ganong bagay pero tama siya walang kwentang tatay si mr. ian handa niyang ipahamak ang anak niya pag negosyo ang nakataya.












Abby's POV.

"Belle potanginamo anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang arte mo Abby parang di ako naging crush nong elementary ah" Sagot niya at umirap pa.

"Ang kapal kapal mo Delos Reyes! Si Sela ang crush ko non ang pangit lang magdahilan ni Sheki!" Pasigaw kong saad sakanya kaya natawa naman siya.

"Well, Andito lang naman ako para sana bisitahin ka saka may good news ako" Sabi niya kaya umupo ako katapat niya.

"Hays ano ba yon?"

"Nag file na ako ng annulment" Sabi niya kaya napalaki ang mata ko.

"Hindi ba dapat malungkot ka? anong goodnews doon stupida?"


"Ikaw Abelaine napaka bobo mo pa din hanggang ngayon ah grabe na yan" Sagot niya.

"Malaya na ako Abby.. malayang malaya na ako" Sabi niya na may ngiti sa mga labi at mata kaya hindi na ako nag atubili pang tumayo at yakapin siya.

"Bitchesa wag ka umiyak Abby ang pangit mo" Sabi niya kaya hinampas ko lang siya.


"Masaya ako Belle pero belle ako may bad news" Sabi ko kaya napatigil siya.


"In few minutes dadating kasi si ano"

"Sino??"

"Uhm si Ecka lang naman hehe" Sabi ko at napakamot ako sa ulo.






"ABBY!!!!!!"











_____________________________
Bukas ko bigay flashback na nangyare sa beach para dama yung sakit charizz, Hi palaaaaaaa!!

Your, Engineer.Where stories live. Discover now