6 -Your, Engineer.

261 36 3
                                    

Sheki's POV.

"Obri bakit ba kasi tayo nandito sa ospital ha" Pagrereklamo ko kay Brei habang hinihila ako papasok ng ospital habang si Sela naman kumakain ng chocolates.

"Oo nga mars may kabet ka ba dito lagot tayo kay Lara nyan eh" Isa din 'tong itlog n 'to kanina pa kumakain tapos rereklamong pagod na daw siya.

"Basta mag antay kaya kayong dalawa mga reklamador saka alam ko namang inaantay mo din siya shekinah" Sabi niya pa at nag wink pangit netong obri na 'to ano ano pakulo hmp.

Teka sinong hinihintay pinagsasabi neto eh wala naman bukod sa 13th month pay ko saka sa lazada na order ko wala naman bukod kay....

"SHE'S HEREE!!! DOC!!" Sigaw ni Brei at tumakbo pa papunta sa tinawag niya kaya sinundan ko naman siya ng tingin.




Alice....

"Pakshet mars s-si Alice" Bulong ni Sela sa akin pero nakatitig pa din ako sakanya.

"Sheki!! dali!!" Tawag sa akin ni Brei kaya hinila na ako ni Sela palapit sa kanila.

"Captain Alice kelan ka pa nakauwi ang pogi natin ah!" Pagpupuri ni Sela sakanya pero tamang titig lang ako sakanya ngayon medyo tumangkad kasi siya tapos lumaki din ang katawan niya naka boy cut din kaya pogi niya tignan.

"Hoy bakla ka na sa loob tayo ng ospital pero yung titig mo lakas maka sun" Pagtatapik ni Brei sa akin narinig ko namang tumawa si Alice kaya inayos ko ang sarili ko.

"A-ah Alice oo ikaw nga ang galante mo na tignan ah" Sabi ko pero sheeytt nahihiya akk talaga ngayon yung ngiti niya kdjdhskdk.

"Sheki walang pinagbago ah liit pa din ah" Pagbibiro niya kaya inirapan ko naman siya kaya natawa siya.

"Kidding, By the way Sela I know it's late na pero condolences" Ay oo nga pala hindi siya na attend sa burol ni Abby sayang sila pa naman magkasangga ni Abby dati nong highschool pa bff.

"Appreciated Alice" Sagot ni Sela sabay ngiti iba na si Sela ngayon marunong na siyang ngumiti bumabalik na yung dating itlog.

Dati kasi simula nong namatay si Abby lagi nalang siyang nagkukulong ng kwarto o di kaya nag iinom tas uuwing may sugat sa mukha sampung bar na nga naka banned dyan dahil sa pang hheadlock niya ng mga tao don jusko.

"Sela naiihi ako samahan mo ako"

"Ah diretso lang tas right side" Turo ni alice ng direksyon.

"T-teka iiwan niyo ako?? sama nalang ako" Tanong ko sa dalawa pero umiling lang sila at tumakbo na.

"Hoy!"

"Hindi mo ba ako na miss?"

Ayan na naman siya sa mga tanungan na ganyan kasi alam niyang marupok ako jusko po rudy

"Alice..."

"Okay look I'm sorry kung about y-"

"Alice 10years ago na yon kalimutan mo na hindi ko na nga naalala lahat eh haha"

"Still in pain?"

"Mananatiling sugat sa akin ang mga ginawa mo noon Alice na imbes na mag sorry ka sakin at pagsisihan ang ginawa mo iniwan mo lang ako I'm regretting na nakilala kita o minahal kita pero pinagsisihan kong ibigay lahat ng tiwala ko sayo pero oo kasi ganon naman talaga diba pagmahal mo kaya mong ibigay pero anong sinukli mo? pakikipag halikan sa iba? habang ako iniisip kung anong kulang sa akin? that's bullshit Alice!" Sigaw ko sakanya ngayon wala akong pakealam kung madaming tao o pinagtitinginan kami pake ba nila.

"Pero isang beses lang yon Sheki isa lang lang"

"Isa o dalawa man yan punyeta pareho lang yon masyado kang mapagpanggap Alice sabi mo magbabago ka nangako ka diba??" Sabi ko pa sakanya kaya napayuko siya dumating naman agad sila Sela.

Your, Engineer.Where stories live. Discover now