10 -Your, Engineer.

267 45 6
                                    

Gabb's POV.

Pagpasok ko sa site ay nabungad naman sa akin sila Ate Brei kasama sila Miguel at ang Girlfriend niya.

"Gago anong oras na oh" Bulong ni Ate Gia sa akin kaya nag sorry ako.

"Ah Miguel sorry traffic" Paumanhin ko kay Josh na na harap tinignan ko naman yung Girlfriend niya para bang may hinahanap sa bag niya kaya tinitigan ko lang ito pero dahan dahan namn niyang inangat ang ulo niya at tinitigan ako sa mukha pero naka shades pa ako.

Hmm She's beautiful indeed singkit, matangos ilong, maputi medyo matangkad na din kaya pala siya napili ni Miguel bagay naman sila, wait what bakit parang tunog selos tsk nevermind.

"Coleen Trinidad right?" Tanong ko sakanya pero hindi pa din siya sumasagot kaya natawa ako sa isip-isip ko tsk ngayon lang ba 'to nakakita ng gwapo.

"Starstruck sayo Gabbo" Bulong ni Ate Brei kaya siniko ko siya.

"Coleen? Love?" Pagtawag ni Miguel kaya nawala naman ang ngiti ko at tinanggal ang shades ko.

"A-ah h-hi yes Hi" Utal niyang bati sa akin kaya pinagpag ko naman ang kamay ko at inilahad sa kanya.

"My name is Gabrielle Skribikin, Your Engineer" Nakangiti kong pakilala kaya ngumiti din siya Mas maganda siya lalo pag nakangiti.

"Ahh okay that's good nakilala na natin sila alis na tayo Coleen" Biglang pag aaya ni Miguelkaya nagulat kami at napabitaw na ako sa kamay ni Coleen.

"Huh? aga pa Miguel ah kala ko ba mag lulunch tayo?"Tanong ni Ate Brei sakanya pero umiling siya.

"Naahhh may meetings pa pala ako sorry Engineers" Paumanhin niya sa amin.

"Diba Miguel wala ka namang Meetings" Rinig kong bulong ni Coleen pero hindi sumagot si Miguel.

"So kita nalang tayo next time?" Tanong ko sakanila kaya tumango naman sila.

"Sige alis na kami ah, ingat kayo!" Sabi ni Miguel at hinila na si Coleen palabas ngumiti naman muna si Coleen sa akin bago sila makalabas.

"Ang weird talaga nong lalaking yon, Nakita ka lang natataranta na" Ate Brei said habang nagkakamot ng ulo.

"Paanong hindi matataranta eh sing lagkit ng glue ang titig ni Coleen dito sa bata natin" Sabi pa ni Ate Gia habang nakanguso sa akin.

"Luh bakit ako?"

"Tapos sila lang yung mag jowa na magkalayo no" Chismosa talaga 'tong si Brei tsk.

"Ay beh pansin ko din"

"Hep hep hep sshhh tama na yan ang iissue niyo balik na sa office kasi dami pang tatapusin dali na sho!" Pagtutulak ko sa dalawa.

"Pero paano Gabb kung na love at first sight si Co-”

"Ssshhhh shatap na hindi mangyayare yan utak niyo talaga mga Ate saka ikakasal yon ano ba look oh may bahay na nga sila tss" Sabi ko pa kaya pakamot kamot maglakad silang dalawa papunta sa office nila

Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa paligid tsskk sayang outfit ko pinaghandaan ko pa naman medyo late nga lang ako pero tss hayaan mo na nga lang basta gwapo ako.

Huminga naman ako ng malalim at tumingin sa paligid tsskk sayang outfit ko pinaghandaan ko pa naman medyo late nga lang ako pero tss hayaan mo na nga lang basta gwapo ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May napansin naman akong maliit na bagay sa lapag kaya agad akong lumapit doon para damputin yon, nakita kong may keychain don at may nakalagay na name na. "Coleen" Sabi ko pa at pinagpagan pa ito.

"Paano ko mababalik 'to sana naman makita ko pa siya" Bulong ko sa sarili ko at binulsa yon.

"GABB BACK TO WORK NA!" Sigaw nila kaya tumakbo na ako papuntang office.







Malakas pa din ang tibok ng puso ko ah.....







Coleen's POV.

"what was that Miguel!?" Sigaw ko sakanya habang na sa kotse kami.

"Bastos mo nakikipag usap pa ako sakanila nagmamadali ka naman agad!" Segunda ko pa pero hindi man lang niya ako nililingon.

"Miguel!"

"What?! ano gusto mong gawin ko Coleen?! sikmurain ang malalagkit mong titig sa lalaking yon? alam mo ba yung salitang masakit Coleen?" Miguel said habang nagpipigil ng galit sakin

"I know you Coleen pag gusto mo ang isang bagay napapangiti ka nalang mg walang dahilan and.. and I hate it" Kalmado niya ng sagot.

"Coleen ikakasal na tayo wag mo naman akong Saktan oh please"

"Kasal? saktan? ako ba naisip mo Miguel? naisip mo bang gusto ko lahat ng ito? naisip mo ba kung masaya ako? pwes hindi ako masaya Miguel" Sagot ko sakanya.

"Coleen I love you, please subukan mo namang mahalin ako please" Nagmamakaawa na siya sa akin.

"10years na tayong na sa fake relationship Miguel naisip ko ding mahalin ka din pero wala Miguel I only see you as my very good friend and that's it yun lang" Pagpapaliwanag ko sakanya kaya napabitaw siya sa kamay ko.

"Ihatid mo na ako Miguel pagod na ako"

Pagod na pagod na ako...

Sela's POV.

Mag-isa akong andito sa bahay ngayon at nagliligpit ng mga naiwang gamit ni Abby dito sa bahay pinupunsan ko kasi muna bago ko ilagay sa malaking box para maitago ko na, Namimiss ko lang kasi lalo si Abby pag nakikita ko ang mga gamit niya sa loob ng kwarto.

Abby is my First Love, First Crush, First Girlfriend lahat siya ang first Naging magkakilala kami ni Abby nong highschool bagong lipat kami ni Gabb sa University nila Belle non nong una masungit si Abby sa akin pero kalaunan din siya pa una nag approach sa akin hate na hate ni Gabb si Abby dati dahil lagi akong pinagttripan ni Abby pero nong simula nong nanligaw si Abby sa akin naging close naman sila ni Gabb.

Dumating sa punto na lumayas si Abby sakanila para lang ipaglaban ako tutol kasi ang mga magulang niya sa same gender relationship iniwan niya lahat para lang sa akin kaya sabi ko sa sarili ko hinding hindi ko siya iiwan pero lang....

Ako naman ang iniwan niya.

Isang araw nagising nalang akong hindi ko na siya makikita pa.. at hindi ko na siya mayayakap pa.

"Stop crying, Sela" napahinto ako sa pag iisip ng may biglang sumulpot sa harap ko kaya nabitawan ko ang pamunas na hawak ko, dahan dahan ko namang inangat ang ulo ko para makita ang taong na sa harap ko.

"Long time no see" Sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Ang tagal mo namang nawala gaga ka" Sabi ko at tumayo para bigyan siya ng yakap kaya narinig kong tumawa siya.

"Sela iyakin ka pa din hay nako bitaw na Sela sakit ng dibdib ko" Pagbibiro niya kaya natawa din ako walang pinagbago.

"Kumusta ka Ecka? Ngayon ka lang napadalaw" Tanong ko sakanya.

"Hindi ako pwedeng makita ni Gabb, pumunta lang talaga ako dito para iabot 'to sayo" Sabi niya sabay abot ng papel sa akin.

"Huling sulat ng Mommy niyo sainyo, Pinapaabot ng Daddy niyo"

"Si D-daddy? ano 'to?" Tanong ko pa at tinitignan ko ang sulat.

"Believe me Sela nagbabago na siya" Ngiting sabi niya sa akin at naglakad na palabas ng bahay.

"Sa araw na bumalik ang ala-ala ni Gabb tanggapin mo ang galit niya kasi for sure na maaalala niya na kasabwat ka dito at tawagan mo ako, Ako ang bahala magpapaliwanag sa alaga ko" Sabi niya at tuluyan ng umalis.


Si Ecka ang assistant ni Dad siya ang dating bantay ni Gabb nong time na maaksidente sila ni Celestine kasing edad lang namin siya pero maaga siyang nagtrabaho para sa sarili niya the first love of Aubrey ysabelle Delos Reyes.


______________
Hi mga kahinagpis,kirot,lumbay,awts,pain.

Your, Engineer.Where stories live. Discover now