21 -Your, Engineer.

288 43 6
                                    

Gabb's POV.

"Gabb? kanina ka pa nakangiti dyan baka sabihin ng mga tao dito nababaliw ka na" Nabalik naman ako sa wisyo ng sabihin ni Ate Brei yon aiisshh naalala ko kasi yung hinalikan ako ni Coleen eh.

"A-ah! sorry Ate may naalala lang" Sabi ko at tumingin na sa binabasa ko.

"Nga pala saan nag sstay si Coleen? balita ko hindi siya umuuwi sakanila" Tanong niya oo nga pala yan din tanong ko bakit nga pala hindi siya umuuwi sakanila.

"Na kila Ella siya sabi ni Amy sa akin" Sagot ko nalang.

"Si Miguel din hindi ko pa nakikita, Malapit na matapos 'tong bahay nila" sulpot ni Ate Gia hindi ko alam pero pag naririnig ko pangalan ni miguel nalulungkot ako.

"Oh kanina nakangiti ka ngayon naman nakasimangot ka totoo Gabb? may sapi ka ba?" Sabi ni Ate Brei sakin sabay batok.

"Namimiss niya lang si Coleen, wag mo intindihin yan" Sabi ni Ate Gia at kumindat pa sakin kaya napangiti nalang ako.

Flashbacks.

"Gabb? bakit hindi mo kinikibo si Ate Sela mo?" Tanong ni Ate Gia sa akin.

"Wala lang"

"Ulol! ano nga? parang hindi naman tayo friends nyan eh" Nakapout niyang sabi bale dalawa lang kasi kami dito sa Room ko.

"Ate.. I r-remember everything" Sagot ko sakanya kaya napatingin siya ng diretso sa akin.

"What do you mean Gabb?" Tanong niya.

"About me Ate, About my past about Her naaalala ko na LAHAT"

"Her? sinong Her?" Tanong niya at nilapit niya pa ang bangko sa bed ko.

"Coleen.."

"ANAK NG PUCHA?!! SI COLEEN? TRINIDA-" I cut her off.

"Sshh Ate lower your voice andyan lang sila sa labas oh" Sabi ko sabay urap sakanya.

"Pota how??!" Sabi niya kaya umayos naman ako ng upo.

"Highschool, Crush ko siya nong highschool nakipag kaibigan ako sakanya hanggang sa nagkagusto ako sakanya kaya niligawan ko siya tinulungan ako nila Ate Abby manligaw sakanya hanggang sa napasagot ko siya lumalim ng lumalim ang relasyon namin hanggang sa nalaman ng Dad niya at Dad ko nagalit sila, Sa sobrang galit nila hinigpitan kami ni Coleen hanggang sa humingi kami ng tulong kila Ate Sela, Tinulungan nila kami tumakas"

"Kaso naaksidente kami ni Coleen, Nabangga kami pero pag gising ko na sa ospital nalang ako at walang maalala ni isa sa mga nangyare" Dagdag ko pa.

"What the fuck! kaya ba nong College grabe ang tahimik mo dahil ba may trauma ka?? peri hindi mo maalala" Tanong niya sakin.

"Oum, Laging may gumugulo sa utak ko pero hindi ko naman malaman kung ano yon" Sagot ko kaya napahampas siya sa kama.

"Pero bakit hindi ka maalala ni Coleen??" Tanong niya

"Yan din ang hindi ko maintindihan Ate, Favor please?" Sabi ko.

"Ano yon"

"Diba may kilala kang private investigator?" Tanong ko sakanya kaya napahinga siyang malalim.

"Hayss sige sige ako na bahala gets na kita" Sabi niya.

"Thankyou Ate!" Sabi ko at yinakap siya.

"Tss pero Gabb paano Ate mo?" Tanong niya kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Hindi ko pa alam Ate pero ako na po bahala don" Sagot ko kaya tumango naman siya

End of the flashbacks.

Your, Engineer.Where stories live. Discover now