One shot😍😍

266 31 6
                                    

" I really love watching you sleeping coleen ang ganda ganda mo" Sabi ni Gabb sa akin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ikaw napaka bolero mo wag ka ngang magulo" Sagot ko at inirapan siya.

"what? I'm sorry wifey ha pero ang ganda ganda mo lang kasi kahit may anak na tayo ang sexy at ganda mo pa din" Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko ay hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Shut up Gabrielle you and your sweet fucking words" Sagot ko at inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at yinakap siya.

"Can we dance?" Tanong niya sa akin at nilayo niya ang sarili niya para alalayan ako.

Narinig kong tumugtog ang kantang paborito namin at dahan dahan na kaming sumabay sa tugtog na iyon, napapikit na lang ako at dinamdam ang malakas na hangin na dumadampi sa balat ko maya maya na lamang ay napatigil ako ng bigla akong tawagin ng anak ko at hinawakan sa braso.

"M-mom y-you should rest mom" Utal niyang sagot at halatang naka titig siya sa akin.

"No, anak kita mong nag sasayaw kami ng daddy niyo" Sagot ko at pumasok na sila Ate Abby kasama ang mga barkada.

"Coleen" Tanging tawag niya habang paiyak na.

"Ate bakit ba kayo andito, Mahal oh lagi silang sumusulpot pag nag lloving loving tayo" Sabi ko at nag pout pero ngumiti lang ng napakalawak si Gabb sa akin at taimtim na nakatitig sa akin tshh nakikinig ba 'tong babaeng 'to.

"Gabb! ano ba! sumagot ka naman" Inis kong hinampas siya pero nakangiti lang siya.

"You should rest my love, Goodnight mi amor " She whispered she kissed my forehead down to my nose and i just giggled. i just sighed at tumingin sa anak ko na namumuo ang mga luha sa mga mata niya.

"M-mom? w-wheres dad?" Tanong niya sa akin kaya nagtaka ako bulag ba ang anak ko?.

"Artemis? what are you saying are you blind? hindi mo ba nakikita ang dad mo sa harapan mo?" Masungit kong sagot pero ngumiti siya sa akin Gosh kuhang kuha ng anak ko ang ngiti ni Gabb hays

"I was joking mom syempre kita ko siya no" Sagot niya kaya tinap ko na lang ang ulo niya.

"Coleen halika na baby coco" Aya sa akin nila Ate Brei nakita ko naman na nagpunas sila ng luha pero hindi ko na sila pinansin at inaantok na din naman na ako.








Artemis POV

Hinang hina ang buong katawan ko sa mga nakikita ko I'm literally crying here sa mismong room nila ni Dad napaluhod na lang ako sa sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon awang awa na ako sa nanay ko at hindi ko na kayang makita yon araw-araw, Hinding hindi niya matanggap.

"Dad!!!!!! I know you're here!! please listen to me!" Sigaw ko at hawak hawak ang dibdib ko sa sobrang bigat ng dinadala ko.

"Artemis.." I heard Tita Cole called me pero i stopped her.












"Apat na taon na Dad!!!! apat na taon ka ng wala!!!!...... pakawalan mo na kami oh..!!!" Sigaw ko at napahiga na lang ako sa sahig Tita Abby run towards me at itinayo ako.

"Artemis enough na anak, sshh it's okay anak calm down baka marinig ka ng mommy mo shhh" Tita Abby said while her voice is cracked. napatingin ako sa mga tita ko na nakatakip lahat ng bibig at humahagolgol para lang hindi marinig ni Mommy.

"Daddy Gabrielle.... Please let mommy live in peace... please."  Pabulong na saad ko bago ko pinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang napakalamig na hangin na dumampi sa katawan ko it last for 20seconds at binuksan ang mga mata ko.

"T-thankyou Dad... I love you" Sabi ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

















Coleen's POV.

Nagising ako ng may tumamang araw sa mukha ko medyo nasilaw ako kaya tumalikod ako matutulog pa sana ako ng makita ko ang napaka gwapo kong asawa na ngayo'y naka ngiti sa akin habang naka upo sa paborito niyang upuan suot suot ang paborito niyang black suit.

"Mahal... kanina ka pa ba gising?" Tanong ko sa kanya at lumapit siya sa akin para halikan ako.

"Gabrielle I'm asking you" Masama akong nakatingin sa kanya ngayon.

"Mahal na mahal kita Coleen, Hinding hindi magbabago yon palayain mo na ako mahal" Sabi niya habang hinahaplos ang mga pisnge ko nag sisimula na akong maluha sa mga sinasabi niya.

"A-ano bang sinasabi mo h-huh?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko na nahihirapan ka mahal ko, Mapapagod ka lang mahal na mahal kita tandaan mo yan wag na wag mong pababayaan si Artemis magkikita tayo coleen pangako sa tamang panahon hihintayin kita mahal ko pero sa ngayon Live for me mi amor "Tanging sabi niya kaya hindi ko na napigilan at umiyak na ko at sinunggaban siya ng yakap.













"Please forget about me Coleen pakawalan na natin ang isa't isa matagal na akong wala mahal" Sabi niya kaya nabalik ako sa reyalidad ng biglang pumasok si Artemis kasama si Ate Sela na halatang kagigising lang.

"M-mom.." Tawag sa akin ni Artemis napabalik ako sa gawi ni Gabb ng napagtanto ko na yakap yakap ko lang ay tanging paboritong suit ni gabb.... wala na siya.

Matagal na siyang wala.









"Mahal kita, Hanggang sa muli aking binibini" Rinig kong bumulong sa aking kaliwang tenga at pinikit ang mata ko para yakapin ulit ang paboritong damit ng asawa ko naramdaman kong may mga yumakap sa akin pero hindi ko na sila pinansin dahil ngayon lang tumatatak sa isip ko na wala na pala ang tanging mundo ko.




Ang nag iisang asawa ko.

"I'm here mom, andito Ako I'll never leave you mommy" Sabi ni Artemis at yinakap ako ng mahigpit.

Ang natatanging isang anghel ko na iniwan ni Gabb sa akin ay ang anak namin.




"Mahal na mahal kita anak" Sabi ko sa kanya at mas lalong hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.












Malaya ka na mahal kong Gabrielle.... Hanggang sa muli minamahal ko.






________________________
Bukas na me mag ud ng totoo na HAHAHAHAHAHAHA goodnight

Your, Engineer.Where stories live. Discover now