19 -Your, Engineer.

265 45 5
                                    

"Ano kayang pwedeng patugtugin habang nagdadabog?" Walang ka kwentang kwenta na tanong ni Amy andito kami sa bahay nila Coleen iniwan kasi kami dito ni nila Ate Ella para baka daw umuwi si Coleen dito may aalalay sakanya.


"Alam mo para kang katol" Sabi ko kaya napakunot naman noo niya.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Wala naman pampabugaw lamok ka kasi eh" Sagot ko kaya binato niya ako ng unan kaya natawa ako sakanya.

"Anong tawag sa Pagong na malungkot?" Tanong ulit niya pota naman 'tong Amy na to.


"Ano?"


"Hindi ko din alam kaya nga tinatanong ko nga sayo eh" Sagot niya kinurot ko nalang siya sa tagiliran.


"Tigilan mo pagsshabu mo Amy ah papatokhang kita" Sagot ko pero sumeryoso lang siya ulit.

"Laney? wala pa bang tawag sila Ella?" Tanong ni Tita Esmeralda pero umiling lang ako, kanina pa siya palakad lakad dito sa bahay nila pero yung tatay ni Coleen naka upo lang habang umiinom ng alak.

"Tito I think we should call A police man lang para mareport natin" Sabi ni Amy alam kong kanina pa niya gustong sabihin yan.

"For what? mag aaksaya lang tayo ng oras" Sabi niya grr! kung hindi lang 'to tatay ni. Coleen sinaksak ko nalang 'to sa tagiliran grabe ang sama.

"Kaya pala ayaw ni Coleen sainyo eh" Gulat akong napatingin kay Tito Ian na nagulat din sa inasta ni Amy.

"Amy..."

"Ano na naman, Saka totoo naman ah dahil sakanya laging nalalagay sa piligro buhay ni Cole--"

"Stop! Kung hindi ka lang Anak ng kaibigan ko matagal na kitang pinadispatya pakelamera!"

"Bakit hindi mo itry? Come on Tito wag kang matakot" Sabi ni Amy sabay smirk kaya nakita ko naman kung gaano na kagigil si Tito.

"Can the both of you shut up? Anak ko ang pinag uusapan dito at ikaw Ian kung wala kang pake sa anak natin free to leave my fucking house!" Sigaw ni Tita kaya tumayo si Tito at sinampal si Tita ng malakas.

"Tita! Tito wag po" Sabi ko at hinila si Tita sa side namin.

"Hoy ikaw! wag na wag mo akong binabastos dahil kung hindi sa ak-"

"Ano?!! kung hindi dahil sayo hindi aasenso ang company namin?!! Fuck your reason kaya kong patakbuhin ang kompanya ng wala ka Ian yan ang ilagay mo sa kokote mo And last pala, Bobo ka nong naging asawa mo ako kaya matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo!" Sigaw ni Tita at umalis kaya naiwan naman kaming tatlo dito.

"Laney tara na" Hila sa akin ni Amy palabas at iniwan na namin si tito.



"Gezzhh grabe yon hindi ko inexpect,Lalo ka na biruin mo sinagot mo si Tito gosh akala ko mamamatay na tayo don" panimula ko ng makasakay na kami sa kotse gabi na din siguro don nalang kami sa bahay ni Ate Ella mag aantay.

"Wala akong pake kung sino siya buhay ko 'to kaya malaya akong sabihin ang gusto ko" May mens ba siya? pati ako sinusungitan na neto eh.

"Nakakatakot kasi siya tss"

"Minsan gawin niyong motivation yung takot para lumaban, Hindi masama matakot pero wag araw-arawin" Sabi niya at pinaandar na ang sasakyan kaya napahinga nalang ako ng malalim aisshh kanina tanga tanga lang siya ngayon may saysay na yung sinasabi niya grrr...

Gabb's POV.

Gabi na pero ni isang anino ni Coleen hindi ko pa nakikita, Kanina pa kami naglilibot pero ni isang ramdam ng pagod hindi ko nararamdaman ang gusto ko lang mangyare ngayon ay mahanap si Celestine.... Argghhh kumikirot na namn ulo ko aisshh.

Your, Engineer.Where stories live. Discover now