14 -Your, Engineer.

261 40 4
                                    


"Hoy Gabb Ready ka na don sa party bukas??" Tanong ni Ate Gia sa akin habang si Ate Lara at Ate Brei naman nag babangayan sa kusina.

"Ah oo Ate Gia naka ready na din yung suot  ko, Saka ate bakit mo inimbita sila Coleen?" Sabi ko sakanya habang nagkakamot ng batok.

"Eh nong time na inaaya ko si Ella bigla nalang silang nagsi sulputan kaya ayon inimbita ko na din nakakahiya naman" Sagot niya.


"Hoy Lara ah! hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman na may gusto yung Neyl na yon sayo!" Sigaw ni ate Brei habang papalapit sa amin.

"Nile yon mahal Nile" Pag cocorrect ni Ate lara kaya natawa naman ako at umiling pa.

"Oh tamo talaga alam na alam pangalan! siguro kabit mo yon no!" Sigaw ni Ate Brei akmang hahampasin na siya ng biglang bumaba si Cole.

"Hoy umayos kayo makikita yan nong bata mga inutil" Diing bulong ni Ate Gia.

"Ano po ginagawa niyo?" Tanong ni Cole habang nakatingin sa amin.

"A-ah wala Cole naglalambingan lang oo hehe cute cute kasi ng Ate Lara mo eh sarao tirisin" May halong gigil na sagot ni ate Brei kaya napakunot nalang ng noo si Cole at tuluyang dumiretso sa kusina.

"Hoy umayos nga kayong dalawa papangit kiyo oh para kayong bagon kusot na damit ampota" pagtitigil ni Ate Gia sakanila napa pout nalang si Ate Lara pero si Ate Brei gigil na gigil pa din.


"By the way Gabb, Masakit pa din ba ulo mo?" Tanong ni Ate Brei sa akin.

"Mm sa ngayon hindi naman po per minsan sumusulpot sulpot lang" Sagot ko kaya nagtaka siya.

"Magpacheck-up ka kaya Gabb baka lumala pa yan nakakatakot"

"Hindi! wag hindi pwede!" Biglang sigaw ni Ate Lara kaya nagulat kami.

"Anong hindi pwede?" Tanong ko pero nakatunganga lang siya sa akin.

"Hoy lara! buang ka ba?" Ate Gia.

"I-i mean Ahm ano b-bawal siya magkasakit kaya oo need niya magpa check-up" Utal na sabi niya at tumango nalang ako.

"Ewan ko sayo bangag!" Sabi ni Ate Brei sakanya at hinampas ng unan pero hindi naman malakas.

"Babe!! hoy sorry na tss!"

"Ayan kasiii sino ba yung Nile na yon ha?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi niya.

"Nakilala ko lang sa Parking lot nasiraan kasi siya don mismo kaya nag insist ako na ako nalang gumawa tapos di ko naman aakalain na magkikita kami ulit kanina tapos nakita pa ni Brei kya ayon" Sagot niya kaya nagulat kami ng biglang tumawa ng malakas si Ate gia.

"HAHAHAHAHA!!"

"Tawang tawa? Palibhasa kasi 'di ka pinapansin ni Ella" Sabi ni Ate Lara habang nilalagpasan si Ate Gia this time ako naman ang tumawa.


"HAHAHAHAHAHA! PFFT.. HAHAHAHAHA" Malakas kong tawa kaya nabaling ang tingin niya sa akin.

"Sige tawa lang, Tatawanan din kita pag nainlove ka kay Ms. Trinidad" Sabi niya kaya bigla naman akong napatahimik.

"Epal naman Ate, Tss ako na nga gagawa dyan kumuha ka nalang ng meryenda natin" Sabi ko at tinulak tulak ko pa siya.







Hindi nakakalimot ang puso...










Coleen's POV


Lumabas ako ng kwarto para sana magpahangin hangin dahil di naman ako makatulog medyo maaga pa kasi eh kaso yung mga kaibigan ko bagsak agad andito kasi kami sa bahay ni Ate Ella dito niya na kami pinatulog para sa party bukas.

Papunta ako ng rooftop ngayon kaso nakita kong nakabukas yung pintuan kaya dahan dahan ako sumilip don para malaman kung sino yung andon.

Nakarinig din ako ng hagulgol kaya mas inabante ko pa ang ulo ko para makita ko king sino kaso natabig ko yung flower vase sa gilid kaya bumagsak ito, dali dali ko namang kinuha yung vase at binalik sa pwesto pag lingon ko naman ay nagulat ako.

"Oy! hays Frances ano ba! hihimatayin pa ko dito!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat.

"What are you doing here ut-ut?" tanong niya sa sakin kaya bumuntong hininga muna ako.

"Hindi kasi ako makatulog papunta ako dito ng makita ko bukas yung pintuan eh" Sagot ko pero naglakad lang siya pabalik sa pwesto niya kaya sinundan ko nalang siya.

"Spill it." Tanging sabi ko, alam kong may problema siya kanina pa siya tahimik hanggang sa pag-uwi.

"Nag away na naman kayo ni Amy no?" Tanong ko pero tumango lang siya.

"Reason?"

"She said to me na I'm like your Father daw kas I'm always tutol sa happiness mo" Sabi niya ng nakayuko.

"I just want you to be happy lang naman eh pinipili ko lang yung the best for you" Sabi pa niya kaya inakbayan ko naman siya.

"Thank you Ut-ut, pero kasi yung nakikita mong best para sa akin ay hindi ko naman mahal Miguel is Handsome, Loving, Caring, Smart, pero lahat ng yan na sa kanya na hindi lahat ng babagay sa isang tao ay para sakanila na talaga" Sabi ko kaya napatingin siya.

"Sa sinabi ni Amy kanina tama naman siya wala akong nakikitang saya pag kasama ko siya yung feeling mo na laging kulang I only see Him as my very good friend katulad niyo napapasaya lang niya ako bilang kaibigan hindi na lalagpas don Francess" Dagdag ko pa.

"Pero ang perfect niyo maging couple Coleen I mean most powerful" Sagot niya sa akin kaya natawa ako.

"Sa paningin niyo lang naman kasi perfect eh pero yung nararamdaman ko hindi, ayokong araw-araw may nasasaktan ako dahil hindi ko masuklian yung pagmamahal na deserve niya, kaya please Frances sana maintindihan mo ako kahit bilang taong may nararamdaman lang yun lang hinihiling ko ut-ut, yun lang." Sagot ko sakanya at tumayo na para bumalik sa kwarto ko..


"I'll support you Ut-ut... From now on Sis" Sabi niya sakin at ngumiti kaya nginitian ko din siya at tuluyan na akong pumasok sa loob.



"Oh gabing gabi na ah san ka galing?" Tanong ni Ate Ella

"Sa rooftop lang Te pahangin kasama ko si Frances andon pa siya" Sabi ko sakanya at tumango.

"I'll bet she realized?" Tanong niya sa akin at tumango ako kaya napangiti si Ate Ella.


"Ingay niyo mga pre sshh lang kayo antok pa ako eh" Biglang labas ni Amy sa kwarto niya habang napikit pikit pa.


"Back to sleep na tol, Sorry" Sabi ko nalang kaya bumalik na siya sa kwarto niya at ganon din ako.




Haysss nakakapagod ang araw na ito.



___________________
Hillooooo goodaftieeee

Your, Engineer.Where stories live. Discover now