22 -Your, Engineer.

271 38 11
                                    

Gia's POV.

Malapit na kaming umuwi kaya nakahilata nalang kami nila Brei at Gabb kaya nag isip isip naman ako nang gagawin bukas tutal wala namn kaming pasok konting pintura nalang ng bahay nila Coleen tapos na.

"Wala ba tayong gagawin bukas?" Tanong ni Brei samin pero umiling lang si Gabb.

"Oo nga nakakabored din eh" Sagot ko.

"Gusto ko lang matulog after netong project" Sagot ni Gabb kaya napatayo ako.

"Ano?! I mean bakit?" Sabi ko saknya at nilakihan siya ng mata.

"Kas--"

"Mag Beach kaya tayo?" Biglang sulpot ni Brei kaya napatingin kami sakanya.

"Beach?" Sabay naming tanong ni Gabb.

"Oo nga Beach nga diba,Ulit ulit?" Sagot niya at umirap pa.

"Maganda yan! gusto ko yan!" Sigaw ko may naisip kasi ako agad.

"Kayo nalang tinatamad na ako" Sagot ji Gabb.

"Ha--- HINDI SASAMA KA WALANG TAMAD TAMAD" Pagputol ko sa sasabihin ni Brei.

"Ihhh ayoko ate Gia gusto ko lang talaga matulog ihh" Pambababy talk niya luhh kala mo naman cute siya😏

"Wag mo na nga pilitin yung bata ikaw talaga" pagbabawal ni Liit kaya nilapitan ko siya.

"Brei hindi!! hindi pwede!! kailangan niyang sumama!! brei!!" Pagyuyogyog ko sakanya kaya tinampal namn niya ako sa noo.

"Para kang gago dyan hayaan mo na si Gabb, Tabi nga dyan!" Sabi niya sabay hawi ng kamay ko.

"Hahaha! enjoy kayo mga ate!" Sigaw ni Gabb at sumunod na kay Brei.

Nag-iisip naman ako ng paraan kung paano mapapasama si Gabb ng hindi niya namamalayan.

Bigla naman sumagi sa isip ko sila Ella kaya dali-dali naman akong pumunta sa desk ko at kinuha ko ang phone ko at lumabas para hindi nila malaman.

"Oh san ka punta uuwi na tayo?" Tanong ni Brei.

"A-ahm wait lang may nakalimutan ako sa loob hehe saglit lang!!" Sigaw ko sabay takbo paloob ng bahay.



Mabilis kong dinial ang number ni Ella pero hindi siya macontact kaya naalala kong namang may number pala ako kay Amy dahil kahit hindi ko naman kinukuha number niya pilit niyang sinave sa phone ko.

" Hello? sino na naman 'to? shoppee? lazada? shutangina naman wala pa naman akong inoorder kayo ah iniiscam niyo akong mga bobo kayo ah!" Sigaw niya sa kabilang linya tangina netong batang 'to anong akala niya sakin scammer.

"Tanginamo Amy, Anong lazada ako 'to si Ate Gia mo!" Sigaw ko sakanya narinig ko naman tumawa siya ng malakas.

"Hahaha! ano ate gia? ako na ba gusto mo at ako tinatawagan mo? ate ano ka ba ako lang 'to pero sorry ah hindi ko kayang pagtaksilan si Ate Ella eh kaya pass ako sayo Engineer!" Sagot niya pabalik aba seryoso ba siya anong pagpapalit sinasabi neto



"Dapat pala si Laney nalang at Frances tinawagan ko eh sige b-" Hindi ko na natapos sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Luh joke lang Ate parang sira 'to ano ba atin? wag lang cash medyo wala akong tiwala sa mga nangungutang sakin eh hihi" Hanggang kailan kaya kami mag-uusap neto.

"Tse! Ano ba seryoso na kasi! Mabilisang plano lang 'to Amy ha! Next week kasi nagbabalak mag beach si Brei gusto niya isama kayo tutal kaibigan naman namin kayo alam ko naman di ka tatanggi syempre ikaw pa ba? wais ka eh, So ganito gusto ko lahat kayo kasama ah may plano tayo" Mahabang sabi ko sakanya kaya narinig ko namang tumawa siya.

"Hahaha! sus! easy Ate! ako bahala dyan I got u! pero ate hindi mo talaga ako gu--" Naputol sasabihin niya ng biglang tinawag ako ni Gabb.

"ATE! UUWI NA TAYO!" Sigaw ni Gabb.

"Oh narinig mo yon?! bye na tanginamo!" Paalam ko sakanya at hindi ko na siya inantay sumagot at pinatay ko na ang tawag niya.

"Andyan na!" Sigaw ko pabalik kay gabb.

Amy's POV.

"Tamo 'to si Ate Gia bastos kausap" Saad ko.


"Ate gia? you mean engineer gia? kausap mo?" Tanong ni Frances.

"Ah oo inaaya tayo mag beach nextweek G ka ba?" Tanong ko sakanya.

"I don't know" Matipid niyang sagot kaya nagpaalam na ako sakanya na papasok sa loob.

Honestly wala pa din akong tiwala kay Frances hindi ko alam pero parang Anytime may laging kapalit yung pinapakita niya kabutihan kay Coleen.



"Mga Ate!" Sigaw ko nang makita ko sila sa sala.

"Bakit? parang tuwang tuwa ka naman ata" Tanong ni Laney at tumango naman ako



"Ah nag-aaya pala sila Engineer Gia next week para mag beach, Sama ba kayo?" Tanong ko sakanila.


"Ay bet ko yan bestie need ko na din ng Vitamin Sea" Sagot ni Bebang.


"Ate Ella?"


"Sure why not para naman makapag enjoy tayo" Masayang sagot din ni Ate ella sus andon lang si Ate Gia eh.


"How about you Coco?" Tanong ni Ate Ella sakanya kaya nakatingin kami sakanya lahat.


"Bawal siya may Dinner ang family ni coco at family ni Migs" Biglang sulpot ni Frances kahit kelan epal talaga 'to napairap nalang ako sa loob loob ko.

"Sayang andon pa naman si Kuya Gabbo" Malungkot na saad ko nakita ko naman napalawak ang ngiti ni Coleen.


"T-talaga? pwede naman atang hindi umattend don sa dinner diba" Sabi niya kaya napangiti kaming lahat maliban kay Frances na naka kunot ang noo.



"What Coco?! Hindi pwede! Malalagot tayo kay Tito pati sa Family Santos" eksena ni Frances kaya hinarap ko naman siya





"May sariling desisyon si coleen kaya pwede ba lumubay ka" Sagot ko sakanya.


"Girls! stop na yan ah" Pagsusuway ni Ate Ella samin.


"Ut? magpapaalam nalang ako kay Mommy siguro papayag naman siya" Mahinahong sagot ni Coleen.


"Ut-ut! This is the last dinner na engage ka kaya hindi pwede"



"Frances? eto na naman ba magiging usapan?? mas importante bang makasal si Coleen sa taong di naman niya gusto kesa sa sarili niyang kasiyahan?" Tanong ni Bebang sakanya wow first time niya kinausap si Conyo ng ganyan.


"Girls.... enough ako na ang bahala" Sabi ni Coleen.


"Basta ako hindi ako sasama tss" Pag iinarte niya at nag walk out pa.


"Paano ba pinanganak ni Tita yon?? sa sama ng loob?" Tanong ko kaya nahampas ako ni Coleen.

"Hays basta mag ready na kayo ah!! babush!" Sabi ko sakanila at tumakbo na pataas para pumumtang kwarto



_________________________
Hoy! buhay pa ako.

-AbbyTrinidadXd


Btw hello mga bebegirls hajdhaha

Your, Engineer.Where stories live. Discover now