16 -Your, Engineer.

269 39 15
                                    

------------------

Coleen's POV.

Lahat sila ay nagsasayaw na sa gitna medyo nakakahiya nga dahil ang ingay ni Amy kanina pa naghahanap ng sabaw eh wala namang sabaw dito susko tapos  himala si Laney ang tahimik kanina pa din nakadikit sa kapatid ni Gabb alam na.

Si Ate Ella naman kanina pa nakikipag talo kay Ate Gia pano ba naman kanina pa inaasar ni Ate Gia, Tapos si Frances naman kasayaw si Jaydee yung assistant nila Gabb kanina ayaw pero ngayon tamo na sa gitna na nakasayaw.

Tapos ako ito.. Kanina pa nagnanakaw ng tingin kay Gabb na kausap ang mga ibang Engineers ang gwapo niya yung tipong kahit wala siyang gawin sayo hihimlay ka talaga yung tipong kahit titig lang buo na araw mo.

Ano kaya feeling na nabudbod lahat ng kapogian sakanya.

"Coleen?! potangina bakit walang sabaw dito nakakainis naman poor naman bhie" Rinig kong pambubulabog ni Amy sakin pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako kay Gabb.

"Ay tangina isa ka pa bahala ka nga dyan, sasakit niyo sa atay at balun-balonan" Sabi niya pa bago umalis nakita ko namang napatingin si Gabb sa akin kaya iniwas ko agad ang tingin sakanya at kunwari may nahulog sa sahig.

Mga ilang segundo ay umangat na ako ng tingin pero pag kita ko ay wala na si Gabb don kaya hinanap ko siya lumingon lingon naman ako pero wala siya.

"Bilis naman non, asan naman kaya yon" Bulong ko sarili ko at uminom ng wine sa harap ko.

"Hoy Coleen! Gawa mo dyan beh? sayaw tayo dali!" Sigaw ni Laney sa akin na kasayaw na si Cole ay wow ah.

"Ayoko kayo nalang" Sabi ko kaya nagkibit balikat nalang siya.

"Ms.Coleen Trinidad? My name is Kavin Delos Reyes" Biglang sulpot ng lalaking 'to kaya nagulat ako, shett bakit parang biglang hangin.

"Ahm h-hi" Sabi ko at umusog ng konti masyado kasi siyang malapit eh.

"Tagapagmana ng TRCorp, Hindi sila nagsisinungaling maganda ka sa personal" Puri niya at kinindatan pa ako like yuckkk di kita type iww.

"Ah excuse ah pero kasi hindi kita kilala at hindi ako comfortable eh sorry" Sabi ko tatayl na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso kaya napa upo ako bigla sa upuan.

"Ano ba! bingi ka ba? lumayo ka nga sa akin" Sabi ko at pilit kumakawala sakanya.

"Coleen naman mag uusap lang naman tayo eh sige na oh" Sabi niya at himahaplos ang braso ko.

Hahampasin ko na sana siya ng bag ko ng biglang may pumigil sa akin at biglang sinuntok si Kavin kaya napalaki ang mata ko sa gulat.



"Pag umayaw lubayan wag mong pilitin"


"Gabb.." Sabi ko ng lumingon ako sakanya kaya hinila niya ako ng malakas at napayakap ako sakanya, kaya hindi ko na naiwasang yakapin siya ng tuluyan at umiyak sa maganda niyang suot ngayon.

"Sshh I'm here" Bulong niya sa akin kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya kaso narinig kong tumayo si Kavin kaya napabitaw ako kay Gabb at hinila ako ni Gabb papunta sa likod niya.

"Hoy sino ka ba?! Gago ka ah ansakit non ah" Sabi niya at nagpatunog pa ng kamay pero si Gabb naka steady lang at nakatitig sakanya na mas lalong kinagwapo niya ay sheyt harot ko naman.

"Coleen anong nangyayare?!" Lapit sa amin nila Ate Ella.

"Gabb!" Sigaw ni Ate Gia kay Gabb.

"Yan kasi binabastos ako eh" Sumbong ko at sabay turo kay Kavin.

"What? tss come on Coleen I know you like it naman eh" Mayabang na sabi ni Kavin kaya nakatanggap pa siya ulit ng suntok kay Gabb.

Your, Engineer.Where stories live. Discover now