𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"Hi! I'm Runeia Deil Garnet, nice to meet you!" Nakangiting pagpapakilala niya habang nakalahad ang kamay sa harap ko.
Kumunot ang noo ko rito.
"Ahh, shake hands? Hehe." Dagdag niya pa at ngumiti na ng alanganin.
Umiling ako at nilagpasan siya. Narinig ko ang pagtawag niya pero hindi na ako nag-abala pa na lumingon.
"Tsk. Nasaan na ba kasi 'yon? Nawawala na yata ako." Naiinis na bulong ko.
Nasa gubat ako dahil hindi ko rin alam. Naglalakad lang naman ako sa dalampasigan nang makita ko sa dulo nito ang mga matatayog at mayayabong na mga halaman at puno na hindi ko akalaing malawak na gubat pala. Kaya ito, naliligaw na ako.
At 'yong babae naman? I don't know her.
"Nawawala ka ano?"
Gulat akong napatingin sa likod--Only to find out that it's the girl named Runeia, who's smiling like a weirdo?
"What do you want?" Inis na tanong ko.
Pero agad akong napangiwi nang lumawak lalo ang pagkaka ngiti niya.
Lumapit ito sa mukha ko at masayang nagsalita. "Just tell me your name hehe."
What for?
I checked her out. Hindi naman siya mukhang taong gubat. White dress, slippers and... Hmm a white headband. She's a beauty. Pero kung gabi ko siya nakita, malamang kanina pa ako nag tatakbo rito dahil mapagkakamalan ko siyang white lady. Heck! She's white as snow plus na puro puti rin ang suot niya.
"Ituro mo ang daan palabas sa gubat na ito at sasabihin ko ang pangalan ko." It's lame pero I'm not that serious. Gusto ko lang naman umalis siya kasi nawawala ako sa focus.
As if din naman na alam niya, eh mukhang hindi naman siya taga rito. Baka naliligaw din siya.
Hindi ito nakasagot agad kaya napangisi na lang ako at tumalikod na.
I don't care if nawawala rin siya.
"SURE!"
What? Inis akong napalingon dahil sa sinigaw niya.
"Hindi ka ba naliligaw?" Inis kong tanong.
Umiling naman siya na siyang ipinagtaka ko.
"Eh anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ulit.
Tumaas-baba ang balikat niya na parang nae-excite kaya mas lalo akong nainis. Bakit nakakainis ang presensya nito?
"Nagpapahangin!" Tuwang tuwang sagot nito. "Ano, hehe tulungan na ba kita? Hahahaha!" Tumatawa talaga siya na parang nakakatawa ang gagawin niya. Hindi ko na tuloy alam kung seryoso ba siya o ano.
At saka, nagpapahangin? Sa gubat? She's still smiling na parang may gagawin na siyang masama! Nah. Maybe I can find the way out, on my own.
Tumalikod na ako ulit. "Okay, you can go now. I don't need your help." I frankly said and continued walking.
She looked shock, pero mas nagulat ako sa biglaang isinigaw nito.
"ANG TANDA-TANDA MO NA PERO NALILIGAW KA PA RIN!!? PANGIIIIIIIIITTTT!!!"
I don't know pero I'm more shocked than she was! Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya, hindi makapaniwala sa sinigaw niya.
Sinong nasa matino ang sisigaw ng gano'n sa taong ngayon mo lang nakilala?!?! What the heck is wrong with this white lady!
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mistério / Suspense"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...
