CL5: Empty

23 1 0
                                        

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

I slowly opened my eyes. Napanaginipan ko ulit ang nakaraan.

That was the 2nd time that I met her. It looks like a messed up meeting but it's the unforgettable one, dahil sa kanya.

Runeia...

I roamed my eyes in the room, not minding the two pair of eyes that were eyeing me. Naka posas pa rin pala ako tsk.

"P-pane..."

Mukhang sila yata ang katawagan ni Leo kaya nandirito na agad sila. Ano na naman kaya ang kailangan ng dalawang 'to.

"Ano na naman?" Tamad kong tanong.

Malungkot na tumingin sa akin ang babaeng may katandaan na, na siyang ikinairap ko. Ano na naman kinalulungkot niyan.

Lumapit pa 'to sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Are you okay, Pane? What happened?" Tanong niya sa sobrang pag aalalang boses.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Malilintikan talaga sa akin si Leo.

Iwinaksi ko ang kamay niya kaya nagulat ito.

"Wala akong panahon makipaglokohan." Diretsong wika ko habang nakatingin sa may katandaang lalaking kasama niya.

Agad din kumunot ang noo niya.

"Kung hindi n'yo kayang manahimik, umalis na kayo ngayon din." Dagdag ko pa.

Halata namang di nagustuhan ng lalaki kaya lalapit na sana siya pero napigilan lang ng babaeng katabi ko kanina.

"Alcheus..." Wika nito at umiling pa. Natawa naman ako.

Lumapit ang babae ulit sa akin at hinawakan ang kamay ko ulit. Nainis agad ako kaya winaksi ko ulit 'to.

"Claivon Pane!" Sigaw ng lalaki.

"I'm fine, I'm fine, Alcheus." Agad na sabi ng babaeng katabi ko.

Galit na galit ang lalaki at halatang nagpipigil lang sugurin ako dahil kitang kita ko paano magsilabasan ang ugat sa kamay at leeg nito, tanda na galit na galit na siya.

Bilib din ako sa kanila. Kahit na may katandaan eh kita mo namang malalakas pa talaga.

Pinagkibit balikat ko ang nangyayari sa kanila.

"Ano ba gusto mo mangyari sa buhay mo hah, Pane? You're wasting your life!" Napangisi ako sa narinig sa matandang lalaki.

Tindig at porma pa lang halata mo na talagang may kaya at malakas pa e. Aura pa lang nagsusumigaw na ng karangyaan at mukhang nirerespeto ng karamihan.

Tinagilid ko ang ulo ko at kunwaring nag iisip sa tanong niya. Pero bago pa ako magsalita, inunahan niya na naman ako.

"Stop it, Pane. This is enough."

Natawa naman ako sa narinig at piniling maging mabuting anak na lang.

"Miracles do really exist 'no? Miss na miss ko na kayo, buti na lang nandirito na kayo. God heard my prayers." Ngiting wika ko.

Nagulat naman ang ina ko at lalapit na sana, nang biglang sumigaw ang ama ko.

"CLAIVON PANE!" Halatang inis na inis na siya.

"S-son?" Tinignan ko ang nanay ko dahil sa pagtawag niya. kitang kita ko kung paano sunod-sunod na magsituluan ang luha niya habang nakatingin sa akin.

"A-are you okay?" Dahan-dahan niyang tanong.

Nagising naman ako at napaiwas ng tingin bago sumagot. "I'm fine."

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon