𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"HOY! Claivon Pane!"
Takha akong napatingin kay Neya dahil sa pagtawag niya. Kararating niya lang.
Nandirito ako sa labas ng bahay nila, nakaupo. Pagkatapos kasi naming mag usap ni tito Ren, magluluto muna raw siya. Sinabi ko namang tutulong ako pero bisita raw ako kaya ito nasa labas ako, hindi dahil sa pinalayas ako, kundi dahil sa nagpapahangin ako. Mga kinse minutos na rin siguro akong nandito at ito na, dumating na ang babaeng buko.
"Bakit ka nanjan hah?" Ang siga naman nito. Nilaki-lakihan niya pa ako ng mata habang nakapameywang sa harap ko.
Hindi ko siya pinansin at tumingin muna sa batang nakasunod sa likod niya. Nakayuko ito na parang napagalitan kaya hindi ko na naiwasang magtanong.
"Sino siya?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa bata.
"Aba! Hoy Claivon pane, kinakausap kita." Buntong hininga akong napatingin sa kaniya. Nakataas pa rin ang kilay nito at mukhang halatang gusto ng away.
"Nagpapahangin lang. Ayaw din ako patulungin ni Tito Ren sa pagluluto, kaya ito, kumukuha ako ng kapayapaan na ninanakaw mo na naman." Irap ko rito.
Binatukan niya naman ako at tinawag ang batang nasa likod niya. Anong use ng batok?! Tinignan ko ang batang kumapit sa kamay niya. Salit-salitan ang tingin ko sa kanilang dalawa at hindi maiwasang mapakamot ng ulo.
"Sino siya, Runeia? Anak m-Anak KO HAHAH! Anak! Lumapit ka rito!" Ngiting tawag ko at agad na naman ako nakatanggap ng batok.
Grabe ba. Feeling ko aping api na ako rito.
"Para kang sira. Kita mo na ngang ilang taon na siya, anak pa hah?" Napanguso ako. "Siya si Leord Rhyell, gwapo 'no? Anak ko."
"Hah?" Natatawa niya akong tinignan.
"Anak ko siya, 'wag ka nang bida-bida jan." Irap niya. Tumingin siya sa bata at kinalabit ito. "Huwag mo na pansinin ang mamang 'to, Leord, pumasok ka na."
Anong mamang 'to?!
Tumingin muna sa akin ang bata bago dire-diretsong pumasok nga sa loob! Aba! Mag-ina nga!
"Anak nga." Bulong ko.
"Ano?" Masungit nitong tanong. Ngumiti ako ng malaki sa kaniya at umiling.
"Wala. Tahimik din siya hah." Tatango-tangong komento ko at umiwas na ng tingin. Baka malamog na ang bunbunan ko sa kaniya e.
"Ampon ko si Leord." Agad akong tumingin sa kaniya.
Nakaupo na siya sa may gilid ko at nakatingin ng diretso sa mga puno. Nakangiti siya na parang may inaalala at mahinang tumawa.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Tumatawa at ngumingiti siya pero ngayon ko lang naramdaman ang kalmadong aura at ngiti niya. Walang halong ibang emosyon, kundi saya lang.
"Alam mo ang bangin na 'yon?" Tanong nito habang nakangiti.
Iyon ba yung bangin na pinuntahan namin? Tumango ako rito kahit na hindi ako sigurado at kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin.
Ngumiti ito lalo. "Doon ko siya nakita." Dagdag niya.
"2 years ago, nakita ko siya roon; nakaupo, tulala, tahimik, at malungkot. Kinabahan pa nga ako kasi akala ko may balak siyang tumalon kaya agad ko rin siyang nilapitan." Tumawa na naman siya bago tumingin sa akin. "He's only 9 years old that time. A very dirty thin boy sitting at the edge of the cliff. Grabe ang kaba ko no'n. Maswerte na lang at wala siyang sugat bukod sa tuhod, ibigsabihin wala siyang na-encounter na mababangis na hayop or kararating niya lang do'n."
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystère / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...
