𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
Mataman lang akong nakatingin sa pinag gagawa ng doctor sa asawa ko. Pero kanina pa rin ako naiinis dahil hindi na natigil ang panginginig ng mga kamay niya, dahilan upang makasagi siya ng ibang gamit. Ano ba ang issue nito?
"Ikaw ba, alam mo ang ginagawa mo?" Tanong ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin pero agad din yumuko. "Parang 'di ko nakitang di nanginig ng isang beses 'yang mga kamay mo." Dagdag ko pa.
Hindi ako lumapit at nananatiling nakaupo lang. Pinagsabihan naman agad ako Leo na hayaan muna raw ang doctor at naiintimidate lang daw sa akin kaya 'wag ko raw titigan.
Pero paanong hindi tititig, tumatagal siya dahil sa mga nasasagi niyang gamit. Nanginginig ang mga kamay niya na parang... Ewan ko hindi ko na alam. Naiinis na ako.
Tumayo na ako at mahinang tinulak siya palayo. Ako na ang tumayo sa gilid ng asawa ko.
"S-sir...?" Lumaki ang mga mata nito at umatras ulit.
"Boss..."
Pumagitna naman agad si Leo at hinawakan ako sa balikat pero inaalis ko lang din dahil parang tinutulak niya pa ako palabas.
"Boss, labas muna tayo, please. Kailangan talaga matignan ni Ma'am Runeia. Hindi matutuwa si Ma'am Runeia pag hindi mo siya hahayaang matignan ng doctor." Inis akong napatingin sa kaniya. Sunod-sunod ang naging paglunok nito.
"Walang nakakahawang sakit ang asawa ko para manginig siya ng ganiyan." I seriously said.
Tinignan ko ulit ang doctor na nananatili pa rin nakayuko. Naiinis ako. Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit, anong dahilan ng panginginig niya pero naalala ko lang kung paano siya umiling noong una ko siyang nilapitan.
He fucking rejected my wife for unknown reason tangna tapos ngayon mukhang uulitin niya ulit.
"If you can't, you can go."
"Boss..." Inis na akong tumingin kay Leo. Umiiling ito kaya napailing din ako.
"Hindi niya ba kayang gawin ng maayos ang trabaho niya habang nandito ako?" Tanong ko sa kaniya. "And besides, we can find another doctor--" Leo sudden hand sign made me stop from what I supposed to say.
Nginuso-nguso niya sa akin ang pwesto ng doctor kaya taka akong napatingin dito. Nakayuko pa rin ito.
Naghintay ako na magsalita ang doctor na 'to, at 'di naman nagtagal ay nag angat na rin siya ng tingin.
"With all due respect, sir. Doctor ka rin... Respected doctor." Panimula niya. Naging blanko naman ang tingin ko dahil alam ko na kung saan patutungo ang sasabihin niya.
"Alam kong alam mo, doc, na pwede magpapasok ng family member ng pasyente sa loob ng kwarto nito. Pero alam ko rin na alam mo na, once na hindi naman nakakatulong ang family member sa trabaho ng doctor, pwede siyang paalisin ng doctor sa kwarto mismo ng pasyente niya." Tumingin siya sa pinto bago tumango sa akin at kay Leo.
"What the f---" Agad naman akong nainis kaya susugurin ko na sana siya ngunit naramdaman ko agad ang paghawak ni Leo sa balikat ko.
Inis ko 'tong winaksi bago walang lingon-lingon naglakad palabas. He's telling me to go out kasi 'yon ang gusto niya, 'yon ang kailangan niya, at 'yon ang karapatan niya.
Aminin ko man o hindi pero may tama siya. Hindi ko lang din talaga kayang hindi pansinin 'yong kamay niyang walang tigil sa panginginig kaya lumabas na rin ako at baka pagpalitin ko pa sila ng pwesto ng asawa ko.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mistério / Suspense"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...
