𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"Nandirito ka na naman."
Agad akong napatingin sa likod ko. She's the girl whom I've met 3 days ago, sa tingin ko? Imbes na sumagot, nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko ang pag habol niya.
"Hoy! Ang bait-bait mo noong nakalabas ka rito sa gubat tapos bumalik ka na naman at masungit ka na naman!" Sigaw niya pa.
Lihim naman akong natawa sa narinig. Nag away na naman kami ng mga magulang ko, at hindi ko rin alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko kahit na alam kong maliligaw ako. But luckily, she's here again.
"People changed." I mockingly said, still not facing her.
"Hala siya, dami mong alam. Ang bilis mo naman magbago e tatlong araw pa lang nakalipas. Nababaliw ka na." Natawa ulit ako.
"You have the guts to come here hah. Unang kita ko pa lang talaga sayo alam ko nang isa kang sakit sa ulo! " Sigaw niya na naman.
Huminto na ako at humarap sa kaniya. Nakataas pa ang kilay nito at may naghahamong tingin.
"Oh, ano hah! May angal ka ba?"
Umiling ako pero inirapan niya na lang ako at nauna na.
Naging masungit din yata siya? Baka natalo sa pustahan ng kapwa niya engkanto.
"Oy! Wait up!" Sigaw ko.
"Oy mo mukha mo! 'Wag mo 'kong sundan!" Sigaw niya rin.
Hahaha. Ano ba ang ginawa ko? At saka bakit ako naman naghahabol?
"What?! Anong ginawa ko?" Sigaw ko rin pabalik at pinantayan ang lakad-takbong ginagawa niya.
Tumigil siya sa paglalakad at inis niya akong tinignan kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Bakit ka tumatawa? Baliw ka ba hah?!"
Napaayos na ako ng sarili at mahinang umubo-ubo dahil sa sinabi niya. Masyado ka nang masaya, Pane.
"I just want to ask you a little favor, if you don't mind." Nahihiyang panimula ko. Kunot ang noo niya kaya bago pa siya magsalita, inunahan ko na. "May bangin kang tinutukoy noon 'di ba?"
Tumaas ulit ang kilay niya. "Why?"
"I'll make it up to you if ituturo mo sa akin kung saan banda 'yon." Taas-babang kilay na wika ko. Pero mukhang nagalit yata siya?
"Ano--Hoy! Para sa kaalaman ng utak mo, bahala ka sa buhay mo." Hindi ko naiwasang magulat sa sinabi niya kaya napatitig na lang ako sa kaniya.
Anong nangyari sa babaeng 'to?
"Mabait lang ako sa'yo noong una kasi good mood ako. Pero ngayong nakikita ko na naman ang mukha mo, parang dumagdag ka pa sa bad mood ko." Mataray na dagdag niya pa bago tumalikod!
So good mood pa siya no'n?
Wala na akong nagawa at hinabol ko na lang siya agad, dahil gusto ko talagang malaman kung saan banda ang bangin na 'yon.
"Look, sorry kung nasungitan kita noon at kanina."
"Wala akong pake."
"Sorry kung nandirito na naman ako."
"Wala akong pake."
"Neya, please?"
And finally, huminto rin siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nanliliit na matang tinignan niya ako kaya alanganin naman akong ngumiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Детектив / Триллер"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...
