CL3: Eternally alive

33 1 1
                                        

𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔

...

Nauubusan na ako ng pag-asa.

"Boss---"

"Nakita mo ba siya?" Agad kong tanong. Pero kagaya kanina, iling lang ang naisagot niya.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba na hindi sabihin, pero hindi ko na maintindihan. Bakit hindi niya na lang sabihin kung nasaan or kung nandito man lang ba. Wala na rin akong lakas alamin or tanungin siya.

Nakakapang hina.

Binuksan ko na ang isang kwarto... umaasang nandirito siya. Pero gaya sa mga nauna, wala rin.

Nakakabaliw.

Napailing na lamang ako.

"Bumalik na tayo sa kwarto." Seryosong wika ko at tumalikod na para bumalik. "Saan n'yo siya dinala?"  Pagod na tanobg ko.

Napatingin ito sa akin at sasagot na sana nang mapahinto ako bigla.

"Boss--" I raised my hand, signaling him to stop.

Bigla ulit may dumaang malamig na hangin sa gilid ko pero may kasama na itong...

"Mahal..." Bulong...

Para akong nahipnotismo sa uri ng pagkaka bulong niya.

Runeia...

Unti-unting namanhid ang katawan ko. Ang lahat ng mga ala-ala ay isa-isa na namang nagsibalikan na parang nakalimutan ko bigla lahat ng iyon.

"Andito na ako, mahal ko." Sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha ko dahil pa sa narinig. "Mahal ko..." Ang malambing niyang boses ay naririnig ko.

Totoo ba 'to?

Dahan-dahan kong sinundan ang bulong at napatapat ako sa dulong pinto na hindi ko na pinag aksayahang buksan kanina kasi madilim pero mukhang mali ako ng desisyon. Dahan-dahan ko itong binuksan.

"Andito na ako..."

Nanlamig ako. Maaliwalas ang kwarto pero isang napaka gandang babae ang bumungad ang kapansin-pansin. Nakahiga ito at maraming naka kabit na mga apparatus sa katawan niya.

Runeia...

Nagtataka kong tinignan si Leo na nag-iwas lang ng tingin at parang takot na takot mapatingin sa akin.

"How dare you to hide my wife." Madiing wika ko.

I'm disappointed.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kaniya at halos hindi ko maiangat ang kamay ko para hawakan siya. Nanginginig ko itong hinaplos.

"Love? Love, I'm here." Malambing kong bulong.

She looks like a sleeping beauty. Do I have to kiss her to wake her up? I hoped so.

"Love, hindi mo man lang tinapos ang kasal natin." Nagtatampong bulong ko pa habang pinupugpog ng halik ang kamay niya.

She likes it whenever I kiss her hand.

"What happened to her? Anong sabi ng mga doctor? When she will wake up?" Mahina at sunod-sunod kong tanong kay Leo.

"Sana man lang inayos n'yo 'yung kwarto ng asawa ko, Leo." Dagdag ko pa.

Napatingin ako sa paligid at hindi man 'to kalakihan, alam kong nas gusto ng asawa ko ang simple lang. Medjo madilim lang talaga.

Nagtaka naman ako nang wala akong naririnig na sagot kaya napalingon ako kay Leo. At lalo pa akong nagtaka nang makitang nasa pinto pa rin siya, nakayuko at nanginginig.

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon