!!! Hi, kung maaalala or nabasa ninyo yung last part ng chapter before this, natulog si Claivon. Which means nananaginip po siya ngayon. Baka malito lang kayo. Salamat!
---
𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"Pane?" Rinig kong tawag ni Runeia habang nakaupo sa ilalim ng puno, may kalayuan sa pwesto ko. "Hindi ka pa ba napapagod?"
Mabilis naman akong umiling. "Bakit naman ako mapapagod, eh namumulot lang naman ako ng mga magagandang bato rito?" Nagtatakang sagot ko, na siyang kinairap niya.
"Tqngq! What I mean is ito, lagi kang pumupunta sa gubat, hindi ka ba napapagod?" Ahhh.
Umiling ulit ako at ngumiti ng malaki bago pinakita ang mga batong hawak ko.
"Ang ganda oh! Tignan mo! Tignan mo!" Excited kong sigaw papunta sa kaniya.
Masaya kong ipinakita isa-isa ang mga napulot kong bato na may iba't-ibang kulay, hugis, at kurba. May mga maliliit, malalaki, makikinis, magagaspang, at mga bato na hindi mukhang bato pero bato siya.
"Ang ganda, Runeia! Alam mo? May aquarium ako sa kwarto ko, pwede kong ilagay ang mga ito." Pag kekwento ko pa habang isa-isa na itong binibilang.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang pagmasdan niya ang mga ito.
"Maganda nga... Pwede ko bang ipangpukpok sa'yo itong mga 'to?" Nakangiting aniya.
Sumama agad ang tingin ko rito at hinablot ang mga bato sa kamay niya. Nilayo ko pa ang mga ibang bato na malapit sa kaniya habang patuloy siyang sinasamaan ng tingin.
Buntong hininga siyang tumayo. "Haist... Makinig ka kasi. It's been a months, 2 months to be exact, since nagkakilala tayo. Kung hindi pamumulot ng bato, magbubunot tayo damo, o kaya naman magbubungkal ng lupa, at minsan din manghuhuli ng mga insekto, ang mga kadalasang ginagawa natin. Minsan twice a week tayo nagkikita pero madalas ay once lang... Ikaw, hindi ka ba napapagod pabalik-balik?" Tanong niya, sa nagaalalang boses. Inilingan ko naman siya.
"Hindi naman ako napapagod?" Alanganin kong sagot. Napailing siya at nagpagpag ng puting dress na suot.
"Alas kuwatro pa lang..." Tumingin siya sa akin at tumitig ng ilang segundo bago nagsalita. "...Gusto mo ba pumunta sa bahay?"
"Hah?" Gulat kong tanong. Hindi ba ako naghahalucinate? Parang mabibingi ako dun ah.
Napaiwas siya ng tingin pero hindi nakawala ang pamumula ng pisngi nito. Para siyang nag aaya sa isang bata na makipaglaro dahil sa tono niya.
"Himala. Totoo ba 'yan hah, Runeia?" Naghihinala kong tanong habang pinupulot na isa-isa ang mga bato ko.
"Eh kasi naman, ano... Basta! Ano ba, gusto mo ba o hindi?"
Paulit-ulit akong tumango bago tumayo. "Tinatanong pa ba yan? Tara na. Ay, wait... Saglit." Pagpipigil ko sa tangkang pag alis niya. Sinamaan naman ako ng tingin nito.
"Ano na naman? Napakalaki talaga ng problema mo 'no?"
"Eh, dadalhin ko pa ba ang mga ito?" Tanong ko habang pinapakita ang mga hawak kong bato. Lalong sumama ang pagkaka tingin niya.
"Wag ka na sumama! Uuwi na ako!" Nataranta agad ako nang mabilis siyang naglakad.
" Oo... Oo na! Oy! Hindi ko na dadalhin. Saglit!" Mabilis akong sumunod habang pinapasok ang mga bato sa mga bulsa ko.
Halos sampung minuto na ang nakakalipas simula no'ng naglakad kami pero hanggang ngayon, kahit isang bahay wala pa rin akong nakikita. Medjo madilim na rin dahil sa mga matataas na puno, kaya hawak hawak na ni Neya ang flashlight na palagi niya raw dala.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Misterio / Suspenso"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...
