𝑳𝒆𝒐𝒓𝒅 𝑹𝒉𝒚𝒆𝒍𝒍 𝑮𝒂𝒓𝒏𝒆𝒕
...
"Woah! Woah! Tama ba 'tong nakikita ko? Buhay pa pala ang isang Leord Rhyell e." Bungad ng taong nasa kabilang mundo pagkasagot niya ng tawag ko.
"Gag0!" Mura ko rito.
Wala sa sariling napailing ako nang biglang nag request pa ito ng video call. Pinindot ko naman ang accept at isang lalaking nakangiti ng sobra ang bumungad agad sa camera.
"Hindi ako kumukuha ng model ng toothpaste, Dash." Ngiwing wika ko. Pero tinawanan niya lang ako at mas nilapit pa ang camera sa mukha niya.
"Tinitignan ko lang pre kung ikaw nga ba talaga 'yan or doppelganger lang. Mukha namang ikaw nga, napaka pangit e." Tawang tawa siya pagtapos niyang magsalita kaya mas lalong napangiwi ako.
"Siraulo ka talaga. Asan ang iba at bakit mas pangit na mukha lang ang nakikita ko?" Tanong ko bago nilibot ng tingin ang lugar niya. Tumawa na naman siya bago sumagot.
"Yung mga pangit na iba, nandoon sa dagat, nagpapaka sirena. HAHAH!" Tawang tawa ulit siya kaya hindi ko na rin naiwasang matawa dahil sa tawa niya.
Sa aming magkakaibigan, siya talaga ang palatawa at pala-asar. Ay hindi, lahat sila pala-asar, mas malala lang talaga tama nito sa utak.
"Pero seryoso pre, buti napatawag ka. Alam mo ba hindi kami pwede lumangoy ng sabay-sabay kasi hinihintay namin ang tawag mo?" Umiling ako. Siya naman ang napangiwi kaya natawa ako. "Ngayon alam mo na... At saka dala-dala namin palagi itong cellphone na binigay mo para pag tatawag ka."
"Baliw na baliw talaga kayo sa akin, 'no?" Ngiting naiwika ko na lamang dahil sa sinabi niya. Sunod-sunod naman ang tango niya kaya mayabang na napailing na lamang ako.
"Nasaan ba kayo ngayon?" Tanong ko nang makitang mag-isa lang siya.
Agad niya naman akong sinaman ng tingin.
"Nakakailang text na kami sa'yo, hindi mo pala binabasa?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Alanganin naman akong tumawa. Inirapan niya ako at inilibot ang cellphone kaya kitang-kita ko na ang paligid niya.
Mukhang nasa hotel siya hah. Pumunta naman siya sa veranda at pinakita rin sa akin ang nasa labas.
"Bakit nasa dagat---" Agad niyang tinapat ang camera sa mukha niya at dinuro-duro pa ito.
"Pre, nagbabakasyon kami, na dapat TAYO!" Sarkastikong sigaw niya. Napangiwi naman ako.
"Sabi mo susunod ka!"
"Akala ko isang linggo lang kayo riyan?" Nagtatakang tanong ko, na siyang ikinairap niya.
Alam ko namang biro lang ang galit niya pero mas mataray pa talaga ang isang ito kay volt.
"Eh kasi nga--- Wait! Bakit pala namamaga ang mata mo? Pinaiyak ka ba ni tito clai? Nako! Sumbong natin kay Tita Neya 'yan." Napanguso pa 'to at parang maiiyak pa dahil sa nakita niya. Nababaliw na ang isang 'to.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may malakas na ingay akong narinig sa lugar niya.
"Kaya pala pakiramdam ko may nagtataksil sa akin, kasi andito ka at nagtataksil Dash Dash hah!"
Natawa ako bigla dahil sa taong nagsalita. Nakita ko pa kung paano magulat si Dash kaya mas lalo akong natawa.
"Taksil ka dash dash! Taksil!"
"HAHAHAHA!" Tawang tawa ako lalo nang makita ang paghampas ng malaking braso sa kaniya.
"Aray! Baliw ka ba Volt? Si Rhyell 'to." Depensang wika niya habang umiilag sa paghahampas ni Volt.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystery / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... Hindi lahat ng pamilyang mayaman, buo, at maganda, ay masaya. Walang perpektong pamilya. Learn to know every side of the story before you judge so...
