Prologue

2.9K 39 4
                                    

"Wow! Ang gwapo talaga ni Gideon!" wika ng isa sa mga teammates ko habang binubuklat ang SAU magazine kung saan featured lahat ng MVP noong nakaraang season.

"Rosie ayaw mong basahin?" tanong ni Diana, ang libero namin.

"Oo nga, nandito ka rin oh, ang ganda mo talaga. Sana all maganda tapos photogenic pa." saad naman ni Vicky, ang opposite spiker ng team.

"Not interested." wika ko nalang bago muling pumunta sa court para magpractice ng serving dahil ilang beses akong nag-error nung huling tune up game namin against Stuart University.

Simula kasi nung araw na iyon, naging perfectionist na ako, gusto ko pinaghirapan ko lahat para masabing deserve ko talaga lahat ng magiging award ko.

"If you keep doing that you'll injure your arm. I said take a rest." wika ni Gianna. Kapatid ni Gideon at talagang girl version niya ito. Tulad ng mommy nila, isa siyang magaling na setter kung kaya't malaki ang percentage ko sa spiking category dahil sa mga perfect sets niya.

"Don't worry I know my limitations." sagot ko bago muling nagpatuloy sa pagse-serve.

Nang mapagod ako ay bumalik na ako sa bleachers at tumabi sa kinauupuan ni Gianna.

"You're answers are so funny." kumunot ang noo ko at humarap sa kanya. Nakangisi lamang itong binabasa ang hawak na magazine.

"Ang nonsense kasi ng mga questions." sabi ko nalang bago uminom ng gatorade.

"Ah by the way, we have tune up game next week sa Wilhelm University." sabi nito pagkasara ng magazine na binabasa niya kanina.

"OMG! Talaga captain?! Waah excited na ako!" tili ni Diana. Rivals kasi ang Wilhelm at Venusville, at magaling na serving team ang Wilhelm kaya naman ramdam ko ang excitement ni Diana.

Pero alam ko naman na konti lang ang parereceive na serve ni Diana dahil ako ang palaging target sa service ng Wilhelm.

Natural lang yun dahil open spiker ako. Kaya isa din sa pinag-aralan ko ng mabuti ang receiving dahil hindi lahat ng oras kaya akong icover ng libero.

"Captain manonood ba kuya mo sa match natin?" kumunot na naman yung noo ko at simaan ng tingin si Vicky.

"Oh bakit ka galit Rosie? Selos ka?" natatawang tanong nito sa akin.

"Kung matatalo tayo sa Wilhelm dahil sa kalandian niyo malalagot kayo sa aķin." wika ko nalang bago ko kinuha yung bag ko atsaka tumayo para lumabas na ng gym. Sa dorm nalang ako maliligo dahil naiirita ako kapag naririnig ko yung pangalan ng lalaking yun.

"Mommy! You're back!" tuwang-tuwa kong sigaw dahil nasa labas palang ako ng bahay galing school, nasa pinto si mommy kaya mabilis akong tumakbo para yumakap sa kanya.

"Yes honey. I'm so happy to see you again." wika nito bago halikan ang pisngi ko.

"But where's daddy? Akala ko kasabay mo siyang uuwi?"

"May nilalakad pa ang daddy mo, but he said na kung magkaka-award ka uuwi siya."

"Mom that's impossible. Nasa lower section ako, malabong magkaaward ako." sabi ko nang pumasok kami sa bahay.

"Well you are playing volleyball too right? So go get the Best Athlete Award. I'm sure magiging proud ang daddy mo at uuwi agad yun dito."

"Really?! Okay, I will do my best to get that award!" excited kong saad.

"Congratulations Rosie!"

"Congrats Rosie!"

"OMG! We're so happy for you Rosie!"

The Perfectionist Wing SpikerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon