"Do you still remember the time when I approached you at the library in highschool?" tanong nito sa akin.
"O-Oo." At hinding-hindi ko talaga makakalimutan yung time na yun no.
"At that time I took it as opportunity to be close to you cause I've been crushing you for a long time."
OMG! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil diretso lamang itong nakatitig sa mga mata ko. Nanatili akong tulala sa kanya habang muli itong nagpatuloy sa pagsasalita.
"I thought crush mo din ako that time so I was about to confess my feelings to you after you received your award pero nagulat ako nung iniwasan mo ako."
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niyang yun.
"So now I can finally confess my feelings after a long time to you." nagulat ako nang kunin nito ang parehong kamay ko na nakatakip sa bibig ko at saka tumingin ito sa mga mata ko. "Rosie—"
"Oh?" sumbat ko kaagad dahil sa nerbyos kaya bigla itong natawa sa akin.
"Let me finish." masuyo nitong wika sa akin.
"Ikaw kasi pinapakaba mo ako." sabi ko. Napatingin ako sa mga nanginginig na kamay ko na hawak niya.
Napatingim din siya dun. "Rosie, relax. You're not in a recitatiom right now." biro pa nito.
"Dalian mo kasi kanina pa ako kinakabahan dito oh."
"Okay fine, I like you Rosie, noon pa. Can you be my girlfriend now?" diretsahan na niyang sinabi sa akin. Parang sasabog yung puso ko sa tuwa matapos niyang sabihin iyon kaya parang maiiyak na naman ako.
"Bakit girlfriend agad? Iparanas mo naman sa akin kung papaano ligawan." reklamo ko sa kanya pero hinila niya ako atsaka yakapin.
"Pwede ko namang gawin yun kahit girlfriend na kita, gusto ko lang maging akin ka na agad para wala nang aagaw sa'yo."
"Tsk! Possessive mo naman, wala nga akong manliligaw ngayon."
"Really? but Gianna said you have lots of manliligaw."
"Binasted ko na mga yun, mas maraming manliligaw yung kapatid mo." sumbat ko.
"Well whatever, just answer me do you want to be my girlfriend now or not?"
Tumawa ako kasi parang siya naman yung hindi mapakali ngayon. "Fine, girlfriend mo na ako." sagot ko sa kanya dahil dun din lang naman ang punta nito kahit ligawan muna niya ako.
Ilang minuto pa kaming nag-usap sa labas ng dorm bago namin napagpasyahang umuwi na.
Pagkapasok ko sa room ko ay agad kong tinext yung dalawa.
To: Gianna, Zielle
MAY BOYFRIEND NA AKO!!!
ilang segundo lang pagkatapos kong maisend iyon ay biglanh tumawag sa akin si Zielle.
"Hoy anong boyfriend?! Sino?! Wala ka namang naikukwentong manliligaw mo sa amin ha." halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Zielle.
"Si Gideon ang boyfriend ko." pagkasabi ko nun ay inilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko dahil alam kong malakas na tili ni Zielle ang maririnig ko... at tama nga ako.
"OMG! Bakit hindi mo sinabi sa amin na nanliligaw pala siya sa iyo. Kala ko charot-charot lang pambebenta ni Gianna sa'yo kanina."
"Hindi naman siya nanligaw,.. manliligaw palang hehe."
"Ano?!"
"Sumugal lang ako kanina, umamin ako na gusto ko siya and umamin din siya na matagal na rin pala niya akong gusto, tapos ayun kami na." halos patili kong kwento sa kanya.