"Hi." bati ni Gideon sa akin pagpasok ko sa library ng aming school.
Masyado akong naging busy sa araw na ito kaya sinabihan ko ito na hindi ako makakaalis ngayon dito sa school kaya nagdesisyon ito na dito nalang niya ako tuturuan.
Hindi ko akalain na pupunta ito dito sa school dahil sobrang layo ng Wilhelm sa Venusville.
"Nag-abala ka pang pumunta dito, hindi ka ba busy?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko. Nasa pinakagilid kami at pangdalawahan lang ang mesa kung saan ito pumwesto.
"Nope." simpleng sagot niya.
"Seryoso ka? Di ba may game kayo bukas? Wala kayong practice ngayon?" sunud-sunod na tanong ko na naman sa kanya.
"We're already done this morning." tukoy nito sa practice nila. "You'll watch our game tomorrow, right?" siya naman ngayon ang nagtanong.
Napairap naman ako. "Tsk! May choice ba ako?"
"I'm just kidding when I said that to you, ikaw pa rin ang magde-decide kung manonood ka o hindi, hindi kita pinipilit."
"Okay." sagot ko nalang. Ngumiti lang ito sa akin bago kami nagsimulang mag-aral. May mga worksheets din itong dala ngayon para malaman niya kung may natututunan din lang ako sa mga tinuturo niya sa akin.
Makalipas ang halos mahigit isang oras ay busy na nitong chini-check yung mga sinagutan kong worksheets.
Sobrang seryoso nito sa pagcheck kaya naman hindi ko mapigilan na titigan siya. Grabe sobrang gwapo talaga ng lalaking ito. Isa-isa kong pinagmasdan ang iba't ibang parte ng mukha niya mula sa makapal niyang kilay na bagay na bagay niya, sa matangos niyang ilong na feeling ko sobrang sarap pisilin, yung mahahabang pilik-mata niya, tapos yung mala-kulay rosas niyang labi na feeling ko masarap halikan...
"Done admiring my face?" agad akong natauhan nang magsalita ito kaya iniiwas ko yung tingin ko sa kanya. I heard him chuckled bago kumalabit sa akin at ibigay yung papers ko.
"Seven mistakes out of twenty-five items, not bad but you still need to work hard to get a higher score. Okay?" wala sa sariling tumango na lang ako kaya nagulat ako nang hinawakan nito ang tuktok ng ulo ko at saka iniharap ang mukha ko sa kanya.
"You're doing a great job." wika nito bago guluhin yung buhok ko. Iniiwas ko naman agad ang ulo ko at inis na humarap sa kanya pero nahuli ko itong nakangiti sa akin kaya agad nawala yung inis ko.
Inayos ko na yung mga gamit ko na nasa mesa nang biglang umilaw yung phone ni Gideon at lumabas sa screen ang isang text.
Captain nasaan ka? Kanina pa nagstart yung practice at hinahanap ka na ni coach!
Huh? Pero sinabi niya na tapos na kaninang umaga yung practice nila?
Pagkabasa ko nun ay sakto namang dumating si Gideon galing sa pagsauli ng books na binasa nito kanina.
"Ah... your phone... sorry nabasa ko yung text." pag-amin ko kaagad. Kinuha naman nito yung phone niya at binasa yung text. Hindi naman ito kumibo at ibinulsa na agad yung phone niya.
"Hindi ka ba magrereply dun sa nagtext? Hinahanap ka ng coach niyo di ba?" sabi ko habang kunwaring busy sa bag ko.
Hindi nito sinagot yung tanong ko kaya nagsalita na naman ako.
"Siguraduhin mo lang na hindi ako ang sisisihin kapag natalo kayo bukas ha."
"Yes ma'am." sagot agad nito. Inunahan ko naman na siyang lumabas ng library dahil alam kong namula ang mukha ko sa sinabi nito.
"Di ba doon ang dorm niyo?" taning nito habang naglalakad kami papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse nito.
"Ihahatid muna kita, nakakahiya naman kung papabayaan kitang maglakad mag-isa, mabuting tao naman ako, marunong din akong tumanaw ng utang na loob." saad ko pero natawa lang ito.