Chapter 2

1.5K 43 6
                                    

Pupunta ba ako o hindi? Weekend ngayon and wala rin kaming practice. Sinabi sa akin kahapon ni Gianna na sa Wilhelm daw ako tuturuan ni Gideon.

May practice pa daw kasi ito ng basketball at dahil ako naman ang magpapaturo ako na ang mag-adjust wika ni Gianna.

Babalik na sana ako sa dorm nang masalubong ko si Gianna.

"Oh where are you going?" tanong nito kaya napairap na lang ako sa kanya at saka bumalik sa paglalakad papunta sa gate.

Sumakay ako ng bus papunta sa Wilhelm University at pagkadating ko doon ay nakita ko agad si Gideon sa labas ng gate. Halatang galing ito sa practice dahil bagong shower ito. Basa pa ang buhok nito at parang nagmadaling lumabas kaya hindi na masyadong napunasan.

Pinagtitinginan naman siya ng mga dumadaang estudyante sa labas ang iba pa ay pinipicturan siya. Iba talaga kapag gwapo at sikat.

Hindi pa ako nito nakikita dahil malayo sa gate nila ako bumaba ng bus.

Rosie may chance ka pang umatras! wika ng nasa isip ko pero naisip ko nandito na nga ako, tsaka sayang yung view... agad kong kinurot ang sarili ko sa naisip kong iyon.

Naglakad na ako papunta sa gate ng Wilhelm para makita ako ni Gideon. Lumapit agad ito sa akin nang makita ako.

"Let's go?" tumango lang ako pero deep inside sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit kasi ang gwapo ng lalaking ito!

Bagsak na bagsak ang buhok nito dahil basa pa. Nakasuot ito ng itim na adidas track jacket at track pants.

Agad akong napatingin sa sarili ko dahil adidas track jacket at skirt ang suot ko?! Maging ang sapatos namin ay parehong puti!

"OMG! Sila ba ni Rosie?!"

"Grabe ang taas ng standard ni Gideon walang-wala tayo kay Rosie."

"Grabe mas maganda pa sa personal si Rosie, and sila ba ni Gideon?! Bagay sila!"

Halos mga papuri sa akin ang naririnig ko kaya napangisi ako dahilan kung bakit napalingon si Gideon sa akin.

Agad namang sumeryoso ang mukha ko at tinaasan siya ng kilay. "What?" I mouthed but he just shakes his head and continued walking.

"Where are we going?" tanong ko rito nang nasa likod na ata kami ng university.

"My grandma's house." sabi nito hanggang sa makarating kami sa isang malaking gate at pagbukas nun ay tumambad agad sa akin ang malawak na garden nila at sa dulo nun ay may malaking bahay... I mean mansion ata.

"Wow..." bulalas ko pero pasimple ko agad na tinakpan yung bibig ko nang mapatingin ito sa akin.

"Good morning Sir Gideon. Ang ganda naman ng kasama niyo, girlfriend niyo po?" bati ng isang babaeng may katandaan na. Ginantihan ko naman ang ngiti nito sa akin.

"Manang sabing Gideon nalang po." wika ni Gideon. "...and no hindi ko po siya girlfriend." biglang nawala yung ngiti ko at parang nasaktan ako sa huling sinabi nito.

Umayos ka nga Rosie! Kapal ng mukha mong umasa, tandaan mo kinamumuhian mo yang lalaking yan!

"Let's go inside." lumingon ito sa akin at tahimik lamang akong sumunod sa kanya.

Dumiretso kami sa isang kwarto na sa tingin ko ay room nito. Agad akong napahinto at hindi sumunod sa kanya sa pagpasok.

"I forgot to tell you they are renovating the library room kaya dito nalang muna tayo." sabi nito.

"Sure ka? Hindi mo ako papatayin?" seryoso kong tanong.

"Silly." wika lang nito at hinayaang nakabukas ang pinto ng room nito kaya pumasok na rin ako.

The Perfectionist Wing SpikerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon