"Are you sure?" hindi makapaniwalang sagot ko sa sinabi ni Gianna.
"Duh never pang nagfail sa chika itong si Zielle, maraming connections yun and guess what, same daw kayo ng playing style nung sister mo. It means may katapat ka na! OMG! Exciting ang new season na 'to!" ngumisi ito sa akin kaya inirapan ko siya.
"Sa Canada siya naglalaro bakit naman naisipan niyang magtransfer dito sa Pilipinas..."
"I don't know, maybe she wants to challenge you."
Bigla kong naalala yung mga sinabi ni Tanya kanina, ibig sabihin lang nito ay alam ng pamilya ni daddy na nag-eexists ako.
Kung ganun ay alam ni daddy ang nangyayari sa buhay ko... pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang paramdam sa akin, sa amin ni mommy.
"Are you okay?" nagulat ako nang biglang tanungin ako ni Gideon.
"I'm fine." sabi ko atsaka bumuntong-hininga upang walain ang nasa isip ko ngayon.
Tumingin ako sa oras at kailangan ko na palang bumalik sa dorm.
"Gianna balik na ako sa school, sabay ka?" tanong ko kay Gianna.
"Oh yeah, Si—" tatayo na sana ito pero biglang napahinto nang humarap ito sa kuya niya. "Dito nalang pala muna ako matutulog, ihatid ka nalang ni kuya." sabi nito bago muling umupo.
"Huh?" napatingin ako sa kuya nito at agad itong lumapit sa akin.
"Tara." aya nito at nauna nang lumabas ng kanilang bahay. Lumingon pa ulit sa akin si Gianna and she mouthed 'enjoy' atsaka ngumisi pa ito.
Napailing nalang ako bago sumunod kay Gideon.
Napataas ang kilay ko nang mapansin na ang big bike na naman nito ang gagamitin niya.
"Are we riding that again?" tanong ko sa kanya. Tumango lang ito bilang sagot atsaka ito mismo ang naglagay ng helmet sa akin.
"A-Ako na." nahihiyang wika ko pero hindi ito nagpatinag at ito na mismo ang umayos ng helmet sa may ulo ko.
"Kulit." mahinang wika ko bago sumakay sa likod niya.
Nagtaka naman ako dahil kanina pa ako nakaupo ng maayos pero hindi pa rin niya pinapaandar ang big bike niya.
"May problema ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Lumiyad naman ito ng kaonti atsaka bumulong sa akin.
"Hindi tayo aalis hangga't hindi ka kumakapit sa akin." saad nito bago hilain mula sa likod niya ang mga kamay ko at ipinalibot iyon sa tiyan niya.
Ramdam ko na naman na parang nakayakap na ako sa kanya at kung gaano katigas ang tiyan nito kaya agad pinamulahan ang mukha ko.
Dumaan kami ulit sa loob ng Wilhelm University at ganun na lang ang pamumula ng mukha ko dahil sumakto pang sobrang daming students sa mga oras na iyon!
Kahit nakahelmet ako ay itinago ko pa rin ang mukha ko sa kanyang likod dahil sa hiya.
Hanggang sa makabalik kami sa school ay ramdam ko pa rin ang hiya kaya naiinis na binalik ko sa kanya yung helmet niya.
"Salamat at ingat ka, mahal pa naman yang motor mo." sabi ko at saka patakbong bumalik sa aming dorm.
Pagkadating ko sa room ko ay dun ko lang napansin na suot ko pa pala yung jersey ni Gideon kaya naman nagbihis agad ako ng panibago atsaka nilabhan iyon agad para ibalik ko sa kanya kapag nagkita kami ulit.
Tinawagan ko naman si Zielle matapos kong maglaba at sinagot naman nito agad ang tawag ko. Napansin kong marami na rin palang missed calls si manager pero hindi ko na iyon pinansin pa.