"Tsismoso din si cameraman 'no? hahahaha" tumatawang wika ni Zielle.
"Ewan ko sa'yo." sabi ko nalang.
Nagsisisi ako kung bakit hindi ko naisip na magsuit ng sumbrero at face mask, hindi ko tuloy maitago ang mukha ko na alam kong namumula na naman ngayon.
"Look at the score." sabay turo sa akin ni Gianna nung score sa taas. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang laki ng lamang ng Stuartz kaysa sa Wilhelm.
"..down by 20 points?! Seriously?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yeah, I think masyadong naghanda ang Stuartz sa laban na 'to, bantay sarado din si kuya kaya hindi makascore." dagdag nito.
Napatingin ako sa gawi ni Gideon at sobrang seryoso nitong nakikinig sa kanilang coach. Ni hindi nga ata ito aware sa dahilan kung bakit nagtilian ang mga audience kanina.
Tumunog na ulit ang buzzer hudyat na magsisimula na ang second quarter.
Kanya-kanyang cheer ang mga manonood sa loob ng Arena at sobrang nakakabingi talaga.
Dito mo malalaman na sobrang mahalaga talaga ang game na ito sa parehong koponan.
"Go kuya!" si Gianna.
"Go kuya Gideon!" si Zielle.
Tahimik lamang akong nakatingin sa harap pero parang ramdam ko ang titig nung dalawa sa akin kaya napatingin ako sa kanila at tama nga ako.
"What?" nagtatakang tanong ko.
"Magcheer ka rin duh." si Zielle.
"Ayoko, ma-issue pa ako." mabilis kong sagot.
"Na-iisue ka na kaya sulitin mo na." sumbat agad nito.
"Sige na, malay mo manalo sila dahil sa cheer mo."
Napatingin ako kay Gianna at ang babaeng ito inaabangan talaga akong magcheer.
"Ano palang sasabihin ko?"
"Bahala ka kung sino gusto mong icheer."
"Okay, basta tigilan niyo na ako pagkatapos nito, maliwanag ba?"
Sabay na tumango ang dalawa kaya. Naghanda naman ako para magcheer.
"GO GIDEON!!!" malakas kong sigaw pero wrong timing ata ang pagsigaw ko dahil sumakto iyon kung saan tahimik ang audience kaya rinig na rinig iyon sa buong Arena.
"Oops... ang sweet..." sabay na wika ni Gianna at Zielle. Kasabay din nun ay ang malakas na tilian dahil napalingon pala sa gawi ko si Gideon.
Hindi ko alam kung papaano ko itatago ang mukha ko sa sobrang hiya lalo na nung ngumiti si Gideon sa akin!
"Sana lamunin na ako ng lupa ngayon." sabi ko na nagpatawa sa dalawa.
"Huwag mo nang isipin yun ang mahalaga nakatulong ka, look naka-three points agad si kuya." saad ni Gianna.
"Ang traydor natin." sagot ko nalang bago pinilit na magfocus sa panonood.
Hindi na ako nagcheer kahit na sobrang intense ng laro dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
Unti-unting humahabol ang Wilhelm team sa pangunguna ni Gideon. Masyadong nagrelax ang Stuart dahil sa laki ng kalamangan nila kanina kaya naman tatlong puntos nalang ang lamang nila sa pagtatapos ng third quarter.
"Last quarter na grabe sobrang intense na ng laro!" sigaw ni Zielle.
Kanya-kanyang cheer pa rin sila lalo na nung naka-steal ang Wilhelm at makascore na nagresulta ng pagkatabla ng score!